Thursday , November 14 2024

TimeLine Layout

October, 2013

  • 3 October

    Lealtad pahinga ng 30 araw

    Narito ang mga kabayo na nabigyan ng kaukulang suspensiyon sa naganap na pakarera nitong Setyembre 28 at 29 taong kasalukuyan. UBOLT, HYENA at MARKEE’S WORLD – suspindido na hindi lalagpas sa pitong araw dahil sa may kahinaan sa pagkain niya at kinakailangan din na magpresenta ng Veterinary Certificate bago makasaling muli sa karera. LEALTAD – pahinga ng 30 araw dahil …

    Read More »
  • 3 October

    Dagdag-tulong sa magsasaka itinutulak ni Legarda

    Sa gitna ng usapin sa mataas na presyo ng bigas, iginiit ngayon ni Senadora Loren Legarda ang pagpapalakas ng suporta sa mga magsasaka upang dagdagan ang pagkakataon ng mga itong mapalaki ang produksyon ng bigas. Ayon sa napapaulat na “Memorandumfor the President” ni Secretary Arsenio Balicasan ng National Economic Development Authority (NEDA) na may petsang 10 September 2013, isinumbong nito …

    Read More »
  • 3 October

    700 Maguindanao teachers umayaw sa Barangay poll duties

    COTABATO CITY – Tinatayang 700 guro sa Maguindanao ang tumangging magsilbi bilang board of election inspectors sa nalalapit na barangay election sa Oktubre 28. Isinumite na ng mga guro ang kanilang hinaing sa Commission on Elections (Comelec) sa Maguindanao at sa central office sa Maynila. Ang mga guro na tumanggi ay mula sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Shariff …

    Read More »
  • 3 October

    Go ahead impeach me — PNoy (Hamon kina Joker, Miriam)

    HINAMON ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ang mga kritiko na sampahan siya ng impeachment case kaugnay sa pamamahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program fund. Sa harap ng mga mamamahayag, kinontra ni Aquino ang pahayag nina dating Senador Joker Arroyo at Senadora Miriam Defensor-Santiago na ang DAP releases ay illegal at unconstitutional at maaaring magamit bilang ground para sa …

    Read More »
  • 3 October

    Tatlong tatay patay (Nalunod, nagbigti, nagbaril)

    TATLONG padre de familia ang natagpuang patay sa loob ng kani-kanilang bahay sa magkakahiwalay na insidente kahapon. Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Pasig Police kaugnay sa pagkamatay ng isang tatay na nalunod sa isang baldeng tubig sa loob ng kanilang banyo sa Pasig City kahapon ng umaga. Kinilala ni Chief Insp. Glenn Magsino,  hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig …

    Read More »
  • 3 October

    TRO walang epekto sa reporma ng BoC

    Binigyang-DIIN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon na nakahanda silang tumalima sa kautusan ng Manila City Regional Trial Court matapos magpalabas ng 72-hour temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang ipinapatupad na revamp sa ahensiya. Sa panayam kay Biazon, kanyang inirerespeto ang desisyon ng korte na aniya’y wala naman epekto sa isinusulong na pagbabago ng kawanihan sa ilalim …

    Read More »
  • 3 October

    PNoy, Abad, Napoles inasunto ng plunder

    SINAMPAHAN ng plunder o pandarambong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa Office of the Ombudsman kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam. Sa 11-pahinang complaint affidavit ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), nais ng mga militante na papanagutin ang mga opisyal sa anila’y maanomalyang paggamit ng halos P500 million na ipinadaan sa Department of Agriculture (DA). Kasama rin sa kaso …

    Read More »
  • 3 October

    1 patay, 8 sugatan sa bumagsak na scaffolding

    PATAY ang isang lalaki habang walo ang sugatan matapos bumagsak ang scafffolding ng ginagawang ospital sa Amvel Compound sa Sucat Road, Parañaque City kahapon. Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Jimmy Remonde. Itinakbo naman ang karamihan ng mga sugatang manggagawa sa Olivarez Hospital at Parañaque City Community Hospital. Batay sa pahayag ng isa sa mga nasugatang …

    Read More »
  • 3 October

    Warrant of arrest vs Reyes bros epektibo pa

    Nananatili pa rin ang mandamiento de aresto laban sa magkapatid na ex-Palawan Gov. Joel Reyes at ex-Coron Mayor Mario Reyes sa kasong pagpatay kay Dr. Gerry Ortega. Ito ang nilinaw ni Atty. Alex Avisado, abogado ng pamilya Ortega, makaraan ibasura ni Judge Angelo Arizala ng Puerto Princesa Regional Trial Court Branch 52, ang mosyon na inihain ng kampo ng dating …

    Read More »
  • 3 October

    Pinoys apektado ng US gov’t shutdown

    MARAMING Filipino na nagtatrabaho sa Amerika ang apektado sa pag-shutdown ng mga ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon sa ulat, karamihan sa mga apektado ay ang mga Filipino na nagtatrabaho sa pamahalaan ng Amerika. Gayonman, walang masyadong epekto ang pag-shutdown ng ilang ahensya ng pamahalaan sa mga pribadong sektor dahil hindi ito kasama sa mga pinopondohan ng gobyerno. Una …

    Read More »