Saturday , September 21 2024

TimeLine Layout

September, 2013

  • 20 September

    Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 15)

    LIGTAS SI MARIO SA KAMATAYAN PERO KANINO AT SINO ANG KANYANG SUSULINGAN   Lumikha ng pabilog na puyo ang nalabusaw na tubig. Pinaulanan ito ng bala ng mga baril ng tatlong pulis. Dito inubos ni Sarge ang kargang magasin ng hawak nitong baby armalite. Sa gigil na galit, wala itong nagawa kungdi ang magmura nang magmura. Laking-dagat si Mario.Sanay siyang …

    Read More »
  • 20 September

    San mig vs Meralco

    KAPWA pasok na sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup ang SanMig Coffee at Meralco subalit inaasahang magiging maigting pa rin ang kanilang salpukan mamayang 5:15 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ito’y bunga ng pangyayaring ang magwawagi mamaya ay makakakuha ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals. Dikdikan din ang magiging sagupaan ng Barangay Ginebra San Miguel at …

    Read More »
  • 20 September

    UST handa sa NU

    DEHADO ang University of Santo Tomas sa paghaharap nito kontra National University sa Final Four ng UAAP Season 76. Nakuha ng Bulldogs ang pagiging top seed sa pagtatapos ng eliminations kaya kailangan na lang nila ng isang panalo para umabante sa finals at mapalapit sa una nilang titulo sa UAAP mula pa noong 1954. Ngunit naniniwala si UST coach Pido …

    Read More »
  • 20 September

    Stags ayaw paawat sa NCAA Chess

    LUMAKAS ang tsansa ng San Sebastian College Stags sa asam na maging back-to-back champions matapos kaldagin ang Mapua sa 89th NCAA senior chess tournament na ginaganap sa Arellano U gym sa Legarda, Manila. Bumida si FM Mari Joseph Turqueza sa board 1 upang pangunahan ang panalo ng Stags sa Cardinals, 3-1 nang pisakin nito si Alexis Enrico Jacinto. Nakaipon ang …

    Read More »
  • 20 September

    Bigo ang Blue Eagles

    NAGWAKAS ang kampanya ng Ateneo Blue Eagles para sana sa ika-anim na sunod na kampeonato nang sila’y payukuin ng University of Santo Tomas Growling Tigers noong Miyerkules. Bale knockout ang naging tema ng saplukan ng Blue Eagles at Growling Tigers para sa huling ticket sa Final Four ng 76th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Men’s Basketball Tournament. Nagtapos …

    Read More »
  • 20 September

    Hangad ng karerista: Hagdang Bato vs Crusis

    Hinahangad ngayon ng mga karerista na magkatagpo at maglaban sa isang malaking karera ang local  super horse na si Hagdan Bato  at  ang itinuturing na magaling sa hanay ng mga imported na si Crusis. Ang pangarap na laban ng  publikong karerista ay posibleng maganap sa nalalapit na  2013 Philracom  Ambasador  Eduardo M. Cojuangco Cup  dahil usap-usapan  sa labas at loob …

    Read More »
  • 20 September

    Alcala umastang sanggano ( Gumawa ng eksena sa programa ni Tunying )

    NANGANGANIB mabawasan ng isang kalihim ang gabinete ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III dahil sa hindi kaaaya-ayang inasal sa isang pang-umagang programa sa telebisyon kahapon. “Tandaan mo! Hawak ko ang bayag ko mula umaga hanggang gabi!” Malakas at paulit-ulit umanong sinabi ni Agriculture Secretary Prospero Alcala ang mga katagang ito sa aktibistang abogado na si RG Guevarra kahapon habang nagkakamayan …

    Read More »
  • 20 September

    DA, NFA suportado ng rice traders, dealers ( Sa laban vs rice saboteurs )

    TAGUMPAY ang mga programang inilatag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala at ng National Food Authority (NFA) para tiyaking sapat ang imbak na bigas ng bansa alinsunod na rin sa food security program ng pamahalaan. Kaugnay nito ay sinuportahan ng mahigit 150 stakeholders at industry players na kumakatawan sa pinakamalalaking grupo ng mga magsasaka, rice mill owners, wholesalers, mangangalakal, at magtitinda …

    Read More »
  • 20 September

    6 akusado sa PDAF scam pumuga na — BI

    KINOMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng Filipinas ang anim sa mga nasampahan ng kaso kaugnay sa kontrobersiyal na pork barrel scam bago pa man naisailalim sa lookout bulletin ng ahensya. Ayon kay BI spokesperson Ma. Angelica Pedro, kabilang sa nakaalis ng bansa batay sa kanilang rekord ay sina Atty. Jessica “Gigi” Reyes, chief of staff ni …

    Read More »
  • 20 September

    Lanuza nakauwi na mula Saudi Arabia (Naligtas sa bitay)

    MAKARAAN ang 13 taon pagkakabilanggo sa Saudi Arabia, balik-Filipinas na ang overseas Filipino worker (OFW) na si Rodelio “Dondon” Lanuza. Pasado 3 p.m. kahapon nang lumapag ang eroplanong kinalululanan ni Lanuza na Etihad Airways flight EY 424. Kung maaalala, nakulong ang nasabing OFW matapos mapatay ang isang Arabo na nagtangkang siya ay gahasain. Una rito, magkahalong saya at nerbiyos ang …

    Read More »