Friday , November 15 2024

TimeLine Layout

February, 2014

  • 1 February

    NCRPO chief pushes for “serbisyong makatotohanan”

    MAKAILANG beses na rin na-reshuffle ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa panahon ng administrasyong Aquino ngunit ngayon lamang natin personal na kinikilala ang sipag at dedikasyon ng isang General Carmelo Valmoria na kasalukuyang director ng pulisya sa Metro Manila. Bakas kasi sa mga kilos at aksyon ni Director Valmoria ang sinseridad sa kanyang bawat  hakbangin at …

    Read More »
  • 1 February

    Mga negosyo ni Cedric Lee binubusisi ng BIR

    KASALUKUYANG binubusisi umano ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang 14 na malalaking korporasyon na ipinagyayabang na pag-aari ni Cedric Lee, ang negosyanteng nambugbog sa actor-TV host na si Vhong Navarro sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City nitong nagdaang Enero 22. Ngayon mabubunyag kung nagbabayad ba ang damuho ng tamang buwis para sa mga ito. …

    Read More »
  • 1 February

    Malolos Mayor, 1 pa grabeng napinsala (Driver bodyguard patay sa banggaan)

    NAKARATAY sa pagamutan ang alkalde ng Malolos City at ang kanyang close-in security habang agad binawian ng buhay ang kanyang driver-bodyguard matapos salpukin ng Isuzu Tractor Head ang sinasakyan nilang Mitsubishi Montero sa intersection ng Pulilan – Plaridel Bypass Road sa bahagi ng Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lulan ng …

    Read More »
  • 1 February

    PhilHealth premium hike pinapipigil sa SC

    HINILING ng isang grupo sa Korte Suprema na pigilan ang pagtaas ng premium contribution sa Philippine Health Corporation (PhilHealth) para sa taon na ito. Inihain ng Kilusang Mayo Uno sa Supreme Court ang petition for certiorari para magpalabas ng ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad nang mas mataas na premium contribution sa PhilHealth na nakatakdang simulan ngayon buwan. …

    Read More »
  • 1 February

    Cellphone ni Vhong ebidensiya ng NBI; Seguridad mula sa PNP hiningi ng kampo ni Vhong; Baril ni Cedric hiniling kompiskahin

    HAWAK  ng National Bureau of Investigation (NBI) ang cellular phone ng tv host/actor na si Vhong Navarro aka Ferdinand Navarro, ng Kapamilya network. Ayon kay  NBI-NCR Assistant Director Vicente de Guzman, malaki ang maitutulong   ng cellphone na ginamit ng actor sa pakikipag-ugnayan kay Deniece Cornejo bago nangyari ang nasabing  pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee noong gabi ng Enero 22. …

    Read More »
  • 1 February

    Libing sinoro ng truck 2 patay, 2 kritikal

    LEGAZPI CITY – Agad nalagutan ng hininga ang mag-asawa habang su-gatan ang dalawa pa nang mabundol ng 10-wheeler truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang nakikipaglibing sa bahagi ng Brgy. Godofredo Reyes, Sr., bayan ng Ragay, Camarines Sur. Kinilala ang mga namatay na sina Jesus Olisea, Jr. at Neneth Olisea, residente ng Brgy. Port Junction Norte, habang sugatan naman sina Emily …

    Read More »
  • 1 February

    Basyang lumakas signal no. 2 sa 14 areas

    BAHAGYANG lumakas ang bagyong Basyang habang nagsisimula na ang epekto sa Silangan ng Visayas at Mindanao. Ayon sa Pagasa, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras. Bago magtanghali natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometro sa silangan …

    Read More »
  • 1 February

    Bebot patay sa QC fire (144 pamilya apektado)

    ISA ang namatay at 144 pamilya ang apektado sa naganap na sunog sa Pasong Tamo, Quezon City, Biyernes ng hapon. Kinilala ang namatay  na si Cherry Samonte,  matapos atakehin sa puso sa kasagsagan ng sunog at dalawa ang bahagyang nasugatan. Ayon kay QC Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, 36  bahay ang naabo sa sunog na sumiklab dakong 1:45 ng hapon …

    Read More »
  • 1 February

    5 dalagita sex slave sa drug den (3 tulak timbog)

    CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga awtoridad ang limang dalagitang hinihinalang sex slaves habang tatlong tulak ng shabu ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa isang farm na pinaniniwalaang drug den sa Floridablanca, Pampanga. Ayon sa ulat ni Supt. Jhoanna Ponseca ng Floridablanca Police, nakatakda nilang ilipat ang limang dalagita sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Development …

    Read More »
  • 1 February

    15-anyos pumalag sa rape, tegas

    LEGAZPI CITY – Patay ang 15-anyos high school student sa Sorsogon City makaraang itulak ng tricycle driver na nagtangkang gumahasa sa kanya. Kinilala ang biktimang si Angela Artita, residente ng Catmon St., Saint Peter and Paul Subdivision (SPPVS), Bibincahan Sorsogon City. Sa impormasyon, pasado 8 p.m. nang umalis ng kanilang bahay ang biktima para puntahan ang kanyang kaibigan. Nakita siyang …

    Read More »