Aries (April 18-May 13) Ang inner world ay higit na mahalaga kaysa outside life ngayon.

Taurus (May 13-June 21) Bigla mo na lamang mararamdaman ang awa sa nahihirapang mga hayop, mauunawaan ang pangarap ng mga bata, o suliranin ng ibang tao.

Gemini (June 21-July 20) Manatili sa landas na pinili para matiyak ang progreso sa buhay.

Cancer (July 20-Aug. 10) Kailangan mong magsikap kung nais mong magtagumpay sa larangan na iyong napili.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Hindi mo pa kayang maging independent, ngunit mainam at plano mo rin itong gawin.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang psychological talent ay magagamit ng mga nagtatrabaho bilang salespeople, lawyers, child-care providers o teachers.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Hindi maganda ang araw ngayon para sa ano mang calculations, revision, detail-oriented jewelry work, o paperwork filing. Posibleng pumalpak ka rito.

Scorpio (Nov. 23-29) Mapipilitan ngayon na lalo pang hasain ang talento para sa mga anak o mahal sa buhay.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Magiging emosyonal ang pagkikita-kita ng mga miyembro ng pamilya.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Higit pang magiging malapit ang relasyon sa mga kaanak o kapitbahay.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Hindi magiging sapat ngayon ang pagiging lohikal lamang.

Pisces (March 11-April 18) Magiging masyadong emosyonal ngayon kaugnay sa mga kailangan.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag isasagawa ang isang bagay kung duda o hindi sigurado rito.

Lady Dee