Saturday , November 16 2024

TimeLine Layout

April, 2014

  • 11 April

    Derek Ramsay makatulong kaya sa pagbangon ng bagsak nang Regal films?

    ni  Peter Ledesma NGAYONG contract star na siya ng Regal Films na balita namin ay pumirma ng exclusive contract  kay Mother Lily Monteverde, masusubukan kung talagang sikat nga si Derek Ramsay at isa talaga siya sa mga nagdala ng mga kumitang sexy film sa Viva Films na kanya na ngang nilayasan. Kasi kapag hindi nag-succeed si Derek, sa mga project …

    Read More »
  • 11 April

    P50-K reward sa ikadarakip ng killer ni Rubie Garcia

    BILANG suporta sa iniaalok na ‘PATONG’ sa ulo ng killer ng katoto nating si Rubie Garcia, nagdadagdag po ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) ng P50,000 sa alok ni Bacoor Mayor Strike Revilla (P50k) at ni Cavite Gov. Jonvic Remulla (P50K). Kaya mayroon na pong kabuuang P150K ang PABUYA sa sino mang positibong makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon laban sa killer …

    Read More »
  • 11 April

    Maraming Salamat Don Emilio Yap

    ANG running joke po ngayon (pasintabi) tungkol sa pagyao ng pinagpipitaganang pilantropo at tagapaglathala ng Manila Bulletin na si Don Emilio Yap ‘e ‘yung kwento na inubo lang umano ay ‘pinauwi’ na ni Lord. Pero sa matatanda po ‘e isang senyales ‘yan na si Don Emilio ay handang-handa na sa kanyang huling paglalakbay. Hindi po natin malilimutan ang malaking tulong …

    Read More »
  • 11 April

    May alab ng damdamin sa ‘kalawanging’ BRP Sierra Madre

    TATLONG buwan nang naka-estasyon sa Ayungin Shoal ang mga sundalo ng Philippine Navy sa kalawanging hospital ship – ang BRP Sierra Madre. Kaya nga hahatiran sila ng supplies ng barkong inarkila ng Navy pero hinarang ng Chinese vessels. Sa mga naglalabasang larawan sa mga pahayagan at video clips sa mga telebisyon, nakita natin ang itsura ng ating mga sundalo – …

    Read More »
  • 11 April

    Rape case vs Vhong Ibinasura ng DoJ (Cedric, Deniece pasok sa illegal detention)

    TULUYAN nang ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host/actor na si Vhong Navarro. Ito’y batay sa inilabas na resolusyon ng panel of prosecutors na may hawak sa kaso. Kasabay nito, isinampa na ang kasong serious illegal detention at grave coercion laban kina Cornejo, Cedric Lee at iba …

    Read More »
  • 11 April

    Chief of staff ng Bulacan board member todas sa tandem

    AGAD binawian ng buhay ang chief of staff ng board member ng lalawigan ng Bulacan makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang minamaneho ang kanyang Bes-ta van sa Brgy. Longos, sakop ng bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga. Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Edwin Inocencio, 35, may-asawa, residente ng Brgy. San Sebastian, …

    Read More »
  • 11 April

    P50K dagdag ng ALAM sa pabuya vs killer ni Garcia (Patong sa ulo ng killer P150K na)

    MAGBIBIGAY  ng karagdagang P50,000 ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa sino mang makapagtuturo sa mga responsable sa pagpatay sa reporter ng Remate tabloid na si Rubie Garcia. Bunsod nito, aabot na sa P150,000 ang nakalaang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip sa mga suspek sa krimen. Ayon kay ALAM national chairman Jerry Yap, handang magbigay ang nasabing grupo …

    Read More »
  • 11 April

    NAGTIRIK ng kandila ang mga miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM),…

    NAGTIRIK ng kandila ang mga miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at CAMPO bilang paghiling ng hustisya sa pagpaslang sa reporter na si Rubie Garcia, sa Imus Cathedral sa Imus, Cavite kahapon ng umaga.  (Mga kuha nina RAMON ESTABAYA at RIC ROLDAN)

    Read More »
  • 11 April

    BIR kay Pacman: Tax case huwag isipin sa laban

    ILANG araw bago ang nakatakdang rematch ni Manny Pacquiao kay WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr., nagbigay ng kanyang “good luck” wish si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa Filipino ring icon. Ayon kay Henares, malaki ang tiyansa ni Pacquiao na manalo kontra kay Bradley basta’t huwag isipin ang kanyang kinakaharap na kasong tax evasion. Sa katunayan, …

    Read More »
  • 10 April

    Magbuo ng harmonious home

    MAHALAGA ang feng shui sa sentro ng inyong lugar, ang tinatawag na Heart of the Home. Ito ay sagradong feng shui energy spot na ang lahat ng mga enerhiya (tinatawag na bagua areas) ng bahay ay nagmumula. Ang pagpapanatiling malinis ang sentro ng tahanan, bukas at clutter-free, ay mahalaga para sa healthy and harmonious home. Sa feng shui terms, ang …

    Read More »