Saturday , November 16 2024

TimeLine Layout

May, 2014

  • 22 May

    Fil-Am na may boga nasakote sa NAIA (Nakalusot sa initial security check)

    ARESTADO ang isang Filipino-American sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 nang madiskubre sa kanyang bagahe ang isang kalibre .22 na may limang bala, ayon sa Police Aviation Security Unit kahapon. HInahabol ng Fil-Am na si Wilfredo Manahguit Varilla, 56, ang kanyang maagang flight sa Delta Airlines patungong Nagoya, Japan nang pigilan ng dalawang security personnel na sina Fidencio …

    Read More »
  • 22 May

    76-anyos lolo utas sa sunog (Habang tumatakas sa apoy)

    TOSTADO ang isang lolo nang madaganan ng ka-gamitan habang sinisikap tumakas sa nasusunog nilang bahay, sa lungsod ng Quezon kahapon ng tanghali. Kinilala ni QC Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez ang biktimang si Jose Narciles, 76, ng No. 6 Irid St., Brgy. San Martin de Porres. Sa ulat, dakong 12:55 p.m. nang sumiklab ang sunog sa lugar. Ayon sa anak …

    Read More »
  • 22 May

    5 ektaryang gubat sa Mayon nasunog

    LEGAZPI CITY – Pahirapan para sa panig ng Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi na makapasok at maapula ang malaking sunog na nangyari sa halos limang ektaryang kagubatan sa paanan ng Mt. Mayon, partikular sa Brgy. Bonga sa Legazpi City. Ito’y dahil halos walang madaanan ang nagrespondeng mga awtoridad bukod sa matarik at madilim ang lugar. Ayon kay City Fire …

    Read More »
  • 22 May

    ‘Doktor’ tiklo sa sex video

    INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District Kamuning Police Station (PS10), ang nagpakilalang doktor, makaraang ireklamo ng 19- anyos dalaga dahil sa pag-upload ng kanilang sex video sa internet. Kinilala ni Supt. Lemuel Obon, ang suspek na si Christian Betita, 29, re-sidente sa Old Balara. Si Betita ay inaresto bunsod ng reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Linda, …

    Read More »
  • 22 May

    UCPB board ‘dean’s list’ sa gastos (Sinsangsang ng Napoles list)

    BAGO pa man umalingasaw ang baho ng Napoles list, Benhur List, Lacson List at Cam List, nagsimula nang humaba ang listahan ng Kamkam list na naglilitanya ng mga katiwalian sa isang institusyong pinapatakbo ng mga taong itinalaga ng gobyerno, ayon sa isang anti-graft watchdog. Mariing hinihiling ngayon ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC), sa pamamagitan ng abogadong si Atty. …

    Read More »
  • 22 May

    Philhealth ipinabubuwag sa Kamara

    IPINABUBUWAG   ng ilang mambabatas sa Kamara ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa sinasabing kahinaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro. Kasunod ito ng reklamo ng Private Hospitals Association of the Philippines na hindi naire-reimburse ng Philhealth ang gastos sa ospital ng mga miyembro ng ahensiya. Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, noon pa nila ipinanawagan …

    Read More »
  • 22 May

    Gov. ER tuluyang sinibak ng Comelec (P23.5-M overspending)

    PINAGTIBAY na ng Comelec en banc ang pagpapatalsik kay Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa overspending o paglabag sa Fair Elections Act noong 2013 elections. Sa resolusyon ng Comelec lumabas ang 7-0 boto para ibasura ng komisyon ang apela ng kampo ni Ejercito. Ayon sa Comelec, dapat may limit lamang sa paggastos sa halalan. Base anila sa natipong mga dokumento …

    Read More »
  • 22 May

    Hirit na TRO ni Jinggoy vs plunder tinabla ng SC

    HINDI pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Senador Jinggoy Estrada na magpalabas ng temporary restraining order (TRO)  laban sa pagdinig ng Ombudsman sa kasong plunder  kaugnay sa kontrobersiyal na P10-B  pork barrel scam. Sa ipinalabas na resolution kahapon,  binigyang-pagkakataon ng Kataas-taasang Hukuman ang mga respondent na kinabibilangan ng Ombudsman, National Bureau of Investigation at Atty. Levito Baligod na maghain …

    Read More »
  • 22 May

    Brain drain sa PAGASA (Dahil sa mababang sweldo)

    NABABAHALA ang Palasyo sa nagaganap na ‘brain drain’ o pagkaubos ng mga weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dahil sa pagnanais na magtrabaho sa ibang bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, patuloy na inaalam ng Malacañang sa Department of Budget Management (DBM) kung naresolba na ang isyu ng hazard pay ng mga kawani ng …

    Read More »
  • 22 May

    Katorse binakuran bagets tinarakan si ‘Ariel Rivera’

    SUGATAN ang 16-anyos binatilyo nang saksakin ng karibal sa panliligaw, sa isang 14-anyos, sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC), ang biktimang si Ariel Rivera, estudyante,  ng 178 Osmeña St., Tondo, sanhi ng mga saksak sa katawan Sa ulat ng Manila Police  District – Police Station 1(MPD-PS1) selos ang dahilan kung bakit sinaksak ang …

    Read More »