Wednesday , December 11 2024

Sino ang sinungaling Rep. Toby Tiangco!?

MAYROONG kumakalat na video sa social networking site, partikular sa Facebook.

Ito ‘yung video na guest speaker si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV sa inauguration noon ng SunChamp ni businessman Tony Tiu.

Nagtataka tayo kung sino ang nagpakalat nito sa mga social-site…hindi kaya ang kampo ni Rep. Toby Tiangco?

Anyway, malinaw sa nasabing video na “in good faith” si Senator Trillanes sa kanyang pakikipagtrato at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao at sa iba’t ibang sektor.

Sabi nga niya, noong panahon na pinaunlakan niya ang pagiging guest speaker sa inauguration ng SunChamp, inakala niyang isang mabuting negosyante si Mr. Tiu.

Ibig sabihin, naniwala siya noon na si Mr. Tiu ay isang negosyanteng hindi lamang sariling bulsa ang iintindihin kundi tutulong din sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Pero ngayon nga na nasabit sa alingasngas kaugnay ng mga propriedad ni Vice President Jejomar Binay si Mr. Tiu, rason ba iyon para huwag gampanan ni Senator Trillanes na kwestiyonin ang ugnayan ng dalawa komo minsan ay naging guest speaker siya sa inauguration ng SunChamp?!

Mukhang mayroong maling lohika si Navotas Congressman Tiangco sa minsang naging simpleng ugnayan nina Senator Trillanes at Mr. Tiu.

Gusto ngayong baliktarin ni Congressman Tiangco ang sitwasyon dahil binibigyan ng malisya ang nasabing ugnayan.

Mukhang sanay na sanay kayo sa baliktaran, Mr. Congressman!?

Kamakailan nga lang ‘e, sinasabi ninyong nagkasundo na sina Pangulong Noynoy at VP Binay matapos ang ekslusibong pag-uusap sa Malacañang.

‘Yun pala ‘e, nakikiusap si VP Binay sa Pangulo na ipatigil ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ) at ng Senado.

What the fact!?

Sino ngayon ang mahilig ‘magbaluktot’ ng mga pangyayari?!

Huwag mong kalimutan Congressman Toby ang kasabihang: “Ang baluktot ay hindi maitutuwid ng isa pang baluktot.”

Pinakamaigi siguro ‘e huwag ka na lang magsalita muna kung napaka-illogical ng mamumutawi sa iyong bibig …

Piece of advice lang po Mr. Congressman, “less talk, less mistake.”

‘Yun lang ho!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *