Monday , December 8 2025

TimeLine Layout

November, 2014

  • 17 November

    Probe vs RAC sa Maynila iniutos ng DSWD (Sa ulat na malnutrition)

    PAIIMBESTIGAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kondisyon sa Reception and Action Center (RAC) sa Maynila makaraan kumalat sa social media ang retrato ng isang sobrang malnourished na hubo’t hubad na batang lalaki sa loob ng pasi-lidad. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., isang fact-finding team ang binuo at inatasan ni DSWD Secretary Corazon Soliman para …

    Read More »
  • 17 November

    Binay kailangan si Poe

    MALAKI ang maitutulong ni Senadora Grace Poe sa kandidatura ni Vice President Jojo Binay para sa pagiging pangulo ng bansa. Ito ang tiyak na tiyak dahil angat na angat ngayon si Poe sa anomang labanan nitong posisyon sa pamahalaan maging ito man ay sa pagka- pangulo o bise presidente. Kitang-kita rin na tuloy-tuloy ang pagbulusok ng bango ni Binay kaya’t …

    Read More »
  • 17 November

    NBI at Media mabuhay tayong lahat!

    NAPAKAGANDA ng mga naging aktibidad nitong akaraang ika-78 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkakaisa ng tinatawag na partnership ng NBI at Media. Bilang pagkilala sa mga mediaman na kumokober sa NBI sa loob at labas, pinapurihan at binigyan sila ng pagkilala ni NBI Director Atty. Virgilio Mendez pati na ang kanyang mga tauhan. Nakita natin kung gaano …

    Read More »
  • 17 November

    ‘Imposibleng mandaya sa PCOS’ — Macalintal

    07PINASUBALIAN ng pangunahing election lawyer na si Romulo Macalintal ang mga haka-haka na maaaring gamitin sa malawakang pandaraya ang may 82,000 precinct count optical scan (PCOS) machines sa halalaan sa 2016. Tiniyak ni Macalintal na halos imposibleng mangyari ang sabi-sabi na ikinakalat ng ilang nagpakilalang mga “advocates of clean and honest elections” at nagtutulak sa Commission on Elections (Comelec) na …

    Read More »
  • 17 November

    Lawton/Intramuros PCP kulang o walang lespu?! (Attn: MPD DD Ssupt Rolly Nana)

    MISMONG mga pulis natin sa MANILA POLICE DISTRICT (MPD) HQ ang nagtatanong n’yan makaraang malaman nila na may mga ‘LUBOG’ o hindi pumapasok na lespu kapalit ng kanilang ‘timbre’ umano sa kanilang superior officer. Kernel Rolly Nana, dapat mong tutukan ang masamang kalakaran na ‘yan. Imbes magtrabaho ang pulis ay naglalamyerda at naghihintay lang ng suweldo saka ‘bibi-yakin’ sa kanilang …

    Read More »
  • 17 November

    P2-M shabu kompiskado sa bigtime tulak

    UMAABOT sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nadakip na bigtime drug pusher sa Guinobatan, Albay kamakalawa. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., umaabot sa 400 gramo ng high grade shabu ang nakompiska sa suspek na si Romeo Nozares Sr., nasa hustong gulang. Nasakote ang suspek sa Brgy. San …

    Read More »
  • 17 November

    ‘Outsiders’ sa Veterans Bank, kinuwestiyon ni Montano

    KINUWESTIYON ni retired Maj. Gen. Ramon Montano ang pagpayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. sa maanomalyang pag-iisyu ng shares of stocks sa mga hindi kuwalipikadong indibidwal at pagkakahalal nila sa Board of Directors ng Philippine Veterans Bank (PVB). Nilinaw ni Montano na dapat pangalagaan ni Tetangco ang nakasaad sa batas na tanging ang mga beterano at …

    Read More »
  • 17 November

    Bombay todas sa ambush

    PATAY ang isang Indian national makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Commonwealth Hospital ang biktimang si Sukhdev Singh, 53, ng Kulambo St., Brgy. 174 Urduja, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang …

    Read More »
  • 17 November

    7-anyos totoy nagbigti?

    PALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagbibigti ng isang 7-anyos batang lalaki sa loob ng inuupahang bahay kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi nagawang isalba ng mga manggagamot ng Caloocan City Medical Center ang buhay ng biktimang kinilalang si GJ Lance Neil Gamayon, Grade 2 pupil, ng L. Nadurata St., Brgy. 50 ng nasabing lungsod. Base sa imbestigas-yon nina PO2 …

    Read More »
  • 17 November

    Bonus, cash gift, 13th month pay matatanggap na ng gov’t workers (Tiniyak ng DBM)

    MATATANGGAP na ng mga kawani ng pamahalaan sa linggong ito ang kanilang year-end bonus, ang last tranche ng kanilang 13th month pay, at cash gift na P5,000, pahayag ng Department of Budget and Management kahapon. Sa ilalim ng Budget Circular 2010-1, ang government personnel ay tatanggap ng year-end bonus katumbas ng isang buwan sahod, gayondin ang cash gift na P5,000, …

    Read More »