Tuesday , December 9 2025

TimeLine Layout

February, 2015

  • 12 February

    Coach at parent ng ADDU ang unang lumalabag sa mission ng RIFA?!

    ANG Rizal Football Association (RIFA) ay kinabibilangan ng mga football team mula sa mga kilalang private schools sa buong bansa. Ang sabi sa kanilang website, ang kanilang mission ay: “To teach cooperation and teamwork, help develop positive social skills and develop respect for others.” Pero sa isang insidenteng inireklamo sa inyong lingkod, hindi natin nakita ang misyon na ito ng …

    Read More »
  • 12 February

    Video ng ‘overkill’ sa 10 sa fallen 44 ikinalat sa internet

    KASUNOD nang kumakalat na video ng ilan sa Fallen 44, nagtalo-talo kahapon ang ilang mambabatas kung dapat pang ipalabas ito sa pagdinig kahapon sa Kamara. Natapos lamang ang pagtatalo nang mapagkasunduan na huwag nang panoorin ang video sabay tanong kay  Supt. Reynaldo Arino, battalion commander ng 55th Special Company, kung totoo bang SAF Commandos ang nasa video na kinompirma naman niya. …

    Read More »
  • 12 February

    ‘Palengke’ hearing sa Kongreso

    HINDI nga nagkabisala ang ating haka-haka. Hindi lang naging chopsuey kundi naging palengke pa ang ginagawang imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon. Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa House investigation. Sumakit lang ang ulo ko! Hindi ko alam kung bakit tila gustong umiyak ni PNP OIC General Leonardo Espina. Gusto ba niyang umiyak nang mga oras na iyon …

    Read More »
  • 12 February

    Mga epal sa “pumalpak” na SAF operation, ipain sa BIFF

    TAMA NA, paulit-ulit na lang ang lahat! Tinutukoy natin ang imbestigasyon na ginagawa ng Senado sa Mamapasano massacre. Kasuhan na ang dapat kasuhan, ang mga responsableng opisyal ng PNP sa ‘pagpapain’ sa SAF para lamang makuha ang teroristang si Marwan. Sa nakalipas na dalawang araw o ikatlong araw kahapon sa isinagawang imbestigasyon ng Senado, paulit-ulit na lamang ang lahat. Nakabibingi …

    Read More »
  • 12 February

    ‘Powerful’ ang bangkang may sagwan!

    HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pa rin nabubuong political party ang ilan sa maaaring makatunggali sa mayoralty race ni incumbent Mayor Antonino “Tony” Calixto sa Pasay City. Kung ang paggalaw nila ay naging mabagal, makupad, patago, mas magiging advance o favor kay Mayor Calixto ang darating na 2016 national at local elections. Wala siyang makakalaban. Naka-two steps forward na ang …

    Read More »
  • 12 February

    Kato at Usman dapat isuko ng MILF para sa BBL

    PULOS kasinungalingan ang lumabas sa bibig ni  AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang sa pagdinig kamakalawa ng Senado. Pinalabas niya na may malaking sablay ang PNP-SAF kaya nalagasan ng 44 miyembro sa Mamasapano incident. Waring nalimutan niya ang mga lumabas sa mismong bibig niya sa mga pahayag sa radyo at telebisyon mula noong Enero 26 na may ceasefire at …

    Read More »
  • 12 February

    Re-stamping ng RA-7919 holder, pinagkakaperahan ngayon sa BI

    May mga reklamo tayong natanggap tungkol sa  talamak na areglohan at pamemera raw ng ilang tulisan diyan sa registration at re-stamping ng mga foreigners na may ASIO o R.A. 7919. Simula kasi nang pagdiskitahan ni Comm. Fred Mison na ipakalkal ang mga papeles ng mga foreigner na may hawak na ASIO, nabisto raw na napakaraming aberya o ‘tama’ ng mga …

    Read More »
  • 12 February

    Dayuhang retailer sinaksak ng helper (Separation pay hindi ibinigay)

    ISANG Chinese national na nagnenegosyo bilang retailer sa bansa ang sinaksak ng sinibak na helper sa Pasay City kamakalawa. Nakaratay at inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Xu Wan Yu, 19, ng 2741 Taft Avenue, Pasay City, inabot ng saksak sa likod. Tinutugis ng pulisya ang suspek na Michael Mabugnon alyas Tangkad, 32, tubong Brgy. Cacay …

    Read More »
  • 12 February

    Pagsasakripisyo ng 44 SAF troopers, makabuluhan — Roxas

    “NAGAMPANAN nila ang kanilang papel, dapat nating gampanan ngayon ang ating bahagi.” Ito ang idiniin ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa komite ng Senado na nag-iimbestiga sa Mamasapano incident sa Maguindanao noong Enero 25. Sa kanyang pahayag, kinikilala ni Roxas ang makabuluhang kabayanihan ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na ginampanan ang kanilang mga …

    Read More »
  • 12 February

    Ginang sugatan sa taga ni bayaw

    SUGATAN ang isang ginang makaraan tagain ng lasing niyang bayaw nang tumanggi ang biktima na makipag-inoman ang kanyang kinakasama sa suspek kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Maiden Bolina, 44-anyos, residente ng C. Perez St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Habang arestado ang suspek na si Nover Gualba, 34, nahaharap sa kasong frustrated homicide, alarm and scandal …

    Read More »