Tuesday , November 19 2024

TimeLine Layout

February, 2015

  • 5 February

    Sen. Koko: Modernisasyon ng NBP dapat na ipatupad kaagad

    TAMA ang panukala ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na panahon na upang magtatag ang gobyerno ng isang malaki at modernong piitan para mapaluwag ang mga bulok, masisikip at sira-sirang pasilidad para sa mga nakagawa ng mga pagkakasala sa buong bansa. Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Justice and Human Rights, nais niyang mapalitan ang New Bilibid Prison (NBP) sa …

    Read More »
  • 5 February

    Kaso vs MILF, BIFF depende sa BOI

    INIHAYAG ni Justice Secretary Leila De Lima na nakabase sa ginagawang imbestigasyon ng Board of Inquiry (BOI) sa Mamasapano Encounter ang isusulong na kaso ng kanilang fact finding team laban sa MILF at BIFF. Ngunit ayon kay De Lima, hiwalay na mangangalap ng ebidensiya at report ang kanilang mga state prosecutor mula sa DoJ National Prosecution Service (NPS) at mga …

    Read More »
  • 5 February

    MARINA tuloy  sa pangongotong (Paging: DOTC Sec. Jun Abaya!)

    SIR gud pm po baka pwede po natin ituloy ang paghataw jan sa mga taga-Marina dahil tuloy pa rin ang kurakot nila. ‘Yon kinse na doc stamp 30 pesos pa din. Sa polo n ipapatong ng 30 seconds 25 bale ang kotong nila ay 55 per head na hindi isinasama sa opisyal na resibo. Salamat po God bless. +639162020 – …

    Read More »
  • 5 February

    Huling saludo ipinagmaramot pa ni Noynoy sa Fallen 44

    TAMA po ang HATAW. Pinanonood ko si Noynoy sa necrological mass para sa Fallen 44. Nagdasal siya, ibinigay ang plaque at medalya pero hindi nagbigay ng saludo sa mga napaslang na SAF. Nauunawaan natin na walang training sa police at sundalo si Noynoy pero wala ba siyang adviser na pwedeng magturo kung ano ang dapat niyang gawin?! Laging nakadikit sa …

    Read More »
  • 5 February

    Baby, 4 paslit, 3 pa nasagip sa hostage taker na pastor

    NAILIGTAS ng mga awtoridad ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, apat na paslit, at tatlo pa makaraan i-hostage ng isang pastor sa Brgy. 132, Canoy St., Pasay City kahapon. Inabot nang mahigit pitong oras ang hostage drama bago nahuli ang suspek na Christopher Magsusay, 56, sinabing isang pastor at isa rin tricycle operator, ng 2414 Canoy St., Brgy. 132 …

    Read More »
  • 5 February

    Armas ng Fallen 44 ibinebenta na  

    IKINAKALAKAL na ang mga baril ng Fallen 44 na kinulimbat ng mga miyembro ng MILF at BIFF makaraan ang bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao. Ibinulgar ito ni PNP OIC Leonardo Espina sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro kahapon. Base sa nakarating na impormasyon kay Espina, isang recoiless rifle ang naibenta na sa halagang P1.5 …

    Read More »
  • 5 February

    MILF Commander  tumangging kasama sa Mamasapano Clash

    ITINANGGI ng top MILF commander na kasama siya sa mga nagbakbakan sa Mamasapano, Ma-guindanao na ikinamatay ng 44 PNP-SAF. Pahayag ni 118th Base Commader Ustadz Abdulwahid, mas kilala bilang Wahid Tundok, hindi siya kasali maging ang kanyang mga tauhan sa enkwentro. Matatandaan, sinabi ni dating PNP-SAF Chief Leocadio Santiago, kabilang si Tundok sa responsable sa madugong ope-rasyon sa Mamasapano kasama …

    Read More »
  • 5 February

    Kailan babalik ang ganda ng Avenida?

    Ako po’y senior citizen at ilang taon na rin akong nakatira sa Maynila. Kapag napapadaan ako sa mga lugar na dati kong pinapasyalan at nilalakaran gaya ng Carriedo, Avenida, Ronquillo, Evangelista at C.M. Recto malaki ang aking panghihinayangan. Napakadungis ng Maynila ngayon. Napakaangos. Bawat kanto ay may makikita kang marurungis na bata kasama ang kanilang mga magulang na laging may …

    Read More »
  • 5 February

    Tserman, bodyguard niratrat ng tandem

    KAPWA nasa malubhang kalagayan ang isang barangay chairman at ang kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Malabon City. Nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital ang mga biktimang sina Brgy. Tonsuya Chairman Policarpio “Pol” Ombas, at Ando Tan, driver/bodyguard, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .9mm sa kaliwang balikat, kanang tagiliran at …

    Read More »
  • 5 February

    Magtiyuhing cock breeder utas sa kostumer

    KAPWA binawian ng buhay ang magtiyuhin na nag-aalaga ng sasabunging manok makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking nagpanggap na kostumer sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.  Kinilala ang mga biktimang sina Salvador Endaya, 64, at Roberto Fombuena, 50, kapwa residente ng Brgy. FVR, Norzagaray, sa naturang lalawigan. Ayon sa ulat ng pulisya, magkasama ang magtiyuhin sa kinalalagyan ng inaalagaan nilang …

    Read More »