Tuesday , November 19 2024

TimeLine Layout

April, 2015

  • 20 April

    Pangha-harass ng Aleman tinuldukan ng hukuman; dalawang libel, idinismis

    NATUTUWA tayo dahil hindi na pinalawig pa ni Manila Regional Trial Court Branch 45 presiding Judge Gamor Disalo ang dalawang kasong libelo laban sa inyong lingkod. Ibinasura ni Disalo noong nakaraang linggo ang 2-counts ng libel dahil sa hindi pagsipot ng dalawang dayuhang Aleman na nagsampa ng kaso at ng kanilang abogado sa mga itinakdang pagdinig ng hukuman. Patunay na …

    Read More »
  • 20 April

    Sigalot sa West PH sea muling idudulog ni PNoy sa ASEAN

    MULING aapela ng tulong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay ng patuloy na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. Panawagan ni Aquino sa nalalapit na ASEAN Summit sa Malaysia, bumuo ng susunding Code of Conduct sa nasabing sigalot. Ito’y sa harap nang walang patid na reclamation projects ng China sa Kagitingan …

    Read More »
  • 20 April

    Ang halaga ng tunay na pangalan (Ikalawang Bahagi)

    NALAMAN natin mula sa huli kong kolum noong Biyernes ang halaga ng pangalan sa ating mga buhay. Ito ang nagbibigay kakayahan sa ibang tao, kabilang na ang Estado, upang tayo ay makilala at maunawaan. Dahil dito ay nakatitiyak tayo na ito ang batayan kung bakit isa sa requirements sa mga dokumentong legal tulad ng voter’s ID o pasaporte ay tunay …

    Read More »
  • 20 April

    Beterinaryo tinadtad ng saksak, todas

    NATAGPUANG walang buhay at tadtad ng saksak sa katawan ang isang beterinaryo sa tinutuluyang apartment sa 5th Avenue sa Grace Park, Caloocan nitong Linggo. Kinilala ang biktimang si Dr. Gavino Ubas, 60 anyos, tadtad ng saksak sa katawan nang matagpuan dakong 10 a.m. Hindi pa tukoy kung sino ang suspek sa pagpaslang. Sinusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) …

    Read More »
  • 20 April

    God is great & good

    AKO’y nagpapasalamat muli dahil sa naging pangatlong buhay ko dahil ako’y naaksidente noong Semana Santa, diyan ko makikita na sa isang iglap lang ay maaaring mawala ka sa mundong ito. Salamat po Lord at hindi ako napuruhan at naging safe lahat ang aking laboratory results. Thank you so much Lord at sa lahat ng mga kaibigan ko na palaging nakaagapay …

    Read More »
  • 20 April

    MILF training camp sa Iligan City binaklas

      BINAKLAS ng militar at tribong Higaonon ang sinasabing training camp ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Rogongon, Iligan City. Una nang inireklamo ng Higaonon ang panghihikayat ng MILF sa kanilang mga ka-tribu na sumapi sa rebolusyunaryong grupo. Dagdag ng tribo, itinayo ang pasilidad sa bahagi ng kanilang ancestral domain. Noong Enero huling nagsanay sa kampo ang mga …

    Read More »
  • 20 April

    Lolo patay sa Pasig fire

    NAMATAY ang isang 66-anyos lalaki makaraan masunog ang kanyang bahay sa kanto ng Pipino at Napico Streets, Brgy. Manggahan, Pasig City nitong Sabado. Ayon kay Pasig Fire Marshall Chief Inspector Roy Quisto, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Federico Macali sa ikalawang palapag ng kanilang nasunog na bahay. Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog. Nasa P700,000 ang tinatayang halaga ng …

    Read More »
  • 20 April

    Climate change responsibilidad ng lahat

    BUNSOD nang kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang panganib na maaaring idulot ng climate change sa pama-magitan ng komprehensibong national policy, ang mga lalawigan at munisipalidad ay dapat gumawa ng mga hakbang kung paano lalabanan ang mapaminsalang phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan Jr., inventor, businessman, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Aniya, kailangang kumilos upang mapahupa ang climate …

    Read More »
  • 20 April

    8 katao naospital sa amoy ng muriatic at chlorine

    OSPITAL ang kinahantungan ng walo katao kabilang ang dalawang pulis, nang makalanghap ng usok mula sa pinaghalong muriatic acid at chlorine makaraan ang masayang paliligo sa isang resort kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City. Isinugod sa Alabang Medical Clinic ang magkapatid na sina Eusebio Lowaton Jr., 39, at Eugene Lowaton, 32, kapwa miyembro ng Philippine National Police; gayondin sina …

    Read More »
  • 20 April

    31st Balikatan Exercises sinimula na

    PORMAL nang sinimulan ang sampung araw na Balikatan Exercises o ang taunang pagsasanay militar ng tropang Filipino at Amerikano, ayon sa Palasyo. Inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ito ang ika-31 edisyon ng Balikatan mula nang simulang isagawa noong 1951 alinsunod sa Mutual Defense Treaty ng Filipinas at Estados Unidos. Layunin aniya nito na makamit ang katiwasayan at …

    Read More »