NAGKALAT na nga yata ang stupid sa Filipinas. Matapos ang kamangha-manghang panukala ni Rep. Amado Bagatsing na ipihit ang monumento ni Dr. Jose Rizal at iharap ito sa Torre De Manila, ngayon naman si Rep. Winston Castelo ay may sarili ring pakulo. Bagamat hindi ito tungkol sa monumento ni Rizal, ito naman ngayon ay may kaugnayan sa hamburger at halo-halo. …
Read More »TimeLine Layout
July, 2015
-
10 July
VP Binay walang ‘paki’ sa Erap-Poe
SAGOT ito ni Vice President Jojo Binay sa naging kolum ko kahapon na nagpupulong na ang kampo ni Erap para sa muling pagtakbo sa pagka-presidente sa 2016. Say ni VP Binay, inirerespeto niya ang “Erap-Poe” tandem sa 2016. Basta siya ay tuloy ang kanyang pagtakbo. Period! Anyway, hindi pa naman talaga malinaw ang pagsabak muli ni Erap sa panguluhan. …
Read More » -
10 July
Asawa, anak 1 pa ini-hostage ng Chinese national (Hinataw ng dos por dos, binuhusan ng asido at tinutukan ng baril)
ARESTADO ang isang 39-anyos Chinese national makaraan hambalusin ng dos por dos, binuhusan ng muriatic acid, at tinutukan ng baril ang kanyang misis, kanilang anak at kaibigan nito, saka nagtangkang magpatiwakal sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Chang Hsu, ng Room 507 S Tower Condominium sa Abad Santos St., Tondo, Maynila. Ayon sa ulat, …
Read More » -
10 July
Claims ng PH sa WPS vs China malakas — int’l law expert
MALAKAS ang environmental at fishing claims ng Filipinas laban sa China sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang iginiit ni Professor Alan Boyle, international law expert sa ikalawang araw ng pagdinig sa arbitral tribunal sa The Hague Netherlands kaugnay sa reklamong inihain ng Filipinas laban sa China sa isyu ng teritoryo sa WPS. Base sa ulat ni Deputy Presidential Spokesperson …
Read More » -
10 July
Falcon magpapaulan hanggang Lunes (2 patay sa bagsik ng habagat; 17 bahay nasira sa storm surge sa Ilocos Sur)
INAASAHANG magpapatuloy hanggang sa Lunes ang nararanasang pag-ulan sa bansa. Inihayag ni PAGASA weather forecaster Meno Mendoza, ito’y dulot ng pagpapaigting ng Bagyong Falcon at tropical storm Linfa (dating Bagyong Egay) sa Habagat. Dugtong ni Mendoza, may posibilidad din abutan ni Falcon si Linfa na nasa bahagi ngayon ng Taiwan. Aniya, “Kung sakali po at hindi talaga siya makaalis po …
Read More » -
10 July
M/B Nirvana tumaob sa misloading — Marina
AMINADO ang Maritime Industry Authority (Marina) na hindi overloaded ang M/B Kim Nirvana na lumubog sa karagatan ng Ormoc City at ikinamatay ng 62 katao. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on transportation, ilang araw makaraan ang malagim na trahedya. Kabilang sa mga ipinatawag si Marina Administrator Maximo Mejia at ilang tauhan ng Philippine Coast Guard. Sinabi ni …
Read More » -
10 July
Negosyante, lover pinatay, sinilaban
ILOILO CITY – Kapwa patay at sunog ang katawan nang matagpuan ang isang negosyante at ang kinakasama niyang babae sa loob ng calibration shop sa Brgy. Tagbak, Jaro, Iloilo City kamakalawa ng gabi. Ang mga biktima ay kinilalang si Jose Daliva, 52, may-ari ng JD calibration shop, at ang kinakasamang si Jolen Alvaran Lara, isang call center agent. Ayon kay …
Read More » -
10 July
NCRPO search and rescue nakaalerto
NAKAALERTO ang 200 bilang ng mga miyembro ng search and rescue team ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tumulong at magresponde sa iba’t ibang lugar ng Kalakhang Maynila habang nananalasa ang bagyong Falcon. Ayon sa Public Information Office (PIO) ng NCRPO, inihanda na ang mga gagamitin para sa rescue operations, tulad ng rubber boats. Maaari anilang gamitin ito …
Read More » -
10 July
10-anyos bata inanod sa ilog
PATULOY na pinaghahanap ang isang 10-anyos batang lalaki makaraan tangayin nang malakas na agos ng tubig habang naglalaro sa gilid ng ilog sa kasagsagan nang malakas na buhos ng ulan kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Kinilala ang batang nawawala na si Gerald Borla, ng Anonas St., Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 11 …
Read More » -
10 July
July 17-Eid’l Fitr deklaradong holiday — PNoy
PORMAL nang idineklara ng Malacañang na regular holiday sa buong bansa ang Hulyo 17, 2015, Biyernes, para sa pagdiriwang ng Eid’l Ftr ng mga Muslim. Ito ay base na rin sa Republic Act No. 9177 na nagdedeklarang regular holiday ang feast of Ramadan. Ito ang araw na pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim. Ang deklarasyon ay …
Read More »