Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

May, 2016

  • 20 May

    Reklamo vs Duterte tuloy — Ombudsman

    HINDI iaatras ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon kay president-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa inihaing patong-patong na mga reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV. Ayon kay Ombudsman Conhita Carpio-Morales, obligado sila sa kanilang trabaho na imbestigahan ang sino mang opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa administrative or criminal complaint. Dahil dito, ipagpapatuloy nila ang pag-imbestiga sa reklamong plunder, graft …

    Read More »
  • 20 May

    12 bagong Senador iprinoklama na (Lacson, Sotto no show)

    NAIPROKLAMA na ng Commission on Elections bilang umuupong National Board of Canvassers, ang 12 bagong halal na senador sa katatapos na May 9 elections, sa Philippine International Convention Center (PICC). Nanguna si Senator Franklin Drilon na nakakuha ng higit 18 milyon boto. Sa mga naiproklama, lima sa kanila ang first time o unang beses na uupo bilang senador. Ito ay …

    Read More »
  • 20 May

    Nakasusuka ang kawalan ng prinsipyo ng mga pul-politiko

    NGAYONG nanalo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bagamat hindi pa siya opisyal na naipoproklama ay dumadagsa na sa kanyang pansamantalang headquarters sa Davao ang laksa-laksang pulpol na politiko o pul-politiko para maka-amot ng poder. Nagbabakasakali ang mga linta at mga walang kahihiyan na makasambot ng posisyon sa administrasyong Duterte. Labis akong nadudu-wal kapag nakikita sa telebisyon ang pagmumukha …

    Read More »
  • 20 May

    BI-TCEU Princess Rose Borbon inireklamo!

    MUKHANG may kalalagyan ang isang Immigration TCEU (travel control enforcement unit) Princess Rose Borbolen ‘este’ Borbon matapos siyang sampahan ng reklamong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, conduct Unbecoming at oppression ng isang pasahero na nagngangalang Melony Moises pati na ng isang Ariel Fernandez, kilalang NAIA reporter ng Manila Bulletin at GMA News correspondent. Yari kang balbon ka! Nag-ugat ang …

    Read More »
  • 20 May

    Selfie protocol ipatutupad sa supporters ni Digong

    LILIMITAHAN na ng PNP ang supporters na gustong magpa-selfie kay president-elect Rodrigo Duterte dahil muntik na siyang matumba. Ayon kay Davao City Police Office spokesperson Chief Inspector Milgrace Driz, magpapatupad na sila ng “selfie protocol” para sa seguridad ni Duterte. Kamakalawa ay muntikang madisgrasya ang Davao mayor dahil sa pagbuhos ng mga gustong mag-selfie sa kanya sa labas ng Matina …

    Read More »
  • 20 May

    Purisima ipinaaaresto ng Sandiganbayan (Sa P100-M delivery contract)

    IPINAAARESTO ng Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at iba pa niyang co-accused dahil sa kasong graft. May kaugnayan ito sa pinasok na kontrata noong siya pa ang pinuno ng pambansang pulis-ya, para sa firearm license courier service ng Werfast. Isinampa ni Glenn Gerald Ricafrancia ang kaso sa Ombudsman sa pamamagitan ng abogado ni-yang sina Atty. …

    Read More »
  • 20 May

    6 pulis sinibak sa extortion, 4 pa sangkot sa hulidap

    CAMP OLIVAS, Pampanga – Anim na pulis na nakatalaga sa Angeles City ang sinibak makaraan mapatunayan sa pangongotong sa isang US retired Air Force personnel, habang apat pang pulis ang iniimbestigahan dahil sa kasong hulidap sa nabanggit na lungsod. Napag-alaman, agad sinibak ni Chief Supt. Rudy G. Lacadin, Police Regional Office-3 director, ang mga sangkot sa extortion at maaaring ipatapon …

    Read More »
  • 20 May

    Peace talks isasabotahe ng anti-communists (Ayon kay Joma)

    NAGBABALA si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison kaugnay sa pananabotahe ng aniya’y mga ‘rabid anti-Communists’ na humaharang sa kanyang pagbabalik sa Filipinas. Partikular na tinukoy ni Sison sina Sen. Antonio Trillanes at Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon na nagbabanta ng imbestigasyon laban sa sinasabing krimeng nagawa niya. Sinabi ni Sison, alam mismo …

    Read More »
  • 20 May

    Pulis, 2 pa arestado sa droga

    TIYAK na ang pagkasibak ni PO1 Orlando Danao Jr., 34-anyos, kasamang nadakip sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina City Police, kapag naupo na si President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Senior Supt. Vincent Salanoga Jr., si PO1 Danao ay nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4. Kabilang din sa nadakip sa operasyon sina Eddie Protacio, 53, at …

    Read More »
  • 20 May

    Antenna ng TV tinamaan ng kidlat, 75 bahay natupok

    NAWALAN ng tirahan ang 160 pamilya makaraan lamunin ng apoy ang 75 bahay nang tamaan ng kidlat ang antenna ng isang telebisyon na dahilan ng sunog sa isang compound sa Las Piñas City kamakalawa ng hapon. Base sa inisyal na ulat ng Las Piñas Fire Department, pasado 3 p.m. nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Saint Louie Compound, Phase …

    Read More »