Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

June, 2016

  • 17 June

    SOCE ng LP pinalawig ng COMELEC

    PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) hanggang Hunyo 30 ang pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidatong tumakbo sa nakaraang halalan. Sa botong 4-3, pinagbigyan ng Comelec en banc ang hirit ng Liberal Party na ma-extend ang deadline nang pagsusumite ng SOCE. Sa kabila ito ng rekomendasyon ni Campaign Finance Office commissioner-in-charge Christian Robert Lim, na …

    Read More »
  • 17 June

    Importers ng semento sinisiraan ng cartel

    KINONDENA ng consumers group na BIGWAS si Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) president Ernesto Ordoñez sa paratang na nagsasagawa ng technical smuggling ang mga negosyanteng umaangkat ng produktong semento. Ayon kay BIGWAS secretary general Nancy de la Peña, pinaratangan ni Ordoñez na 75 porsiyento ng 161,000 metriko toneladang semento na inangkat mula sa Vietnam at China ang ipinuslit …

    Read More »
  • 17 June

    Katiwalian sa nakalipas na eleksiyon sa Calabarzon

    Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

    NAGSAGAWA ng Post Election Conference nitong Hunyo 6,2016, ang Region IV-A Cavite, Laguna, Batangas at Quezon (CALABARZON) sa Tagaytay City International Convention Center. Diumano, maraming nadiskubreng katiwalian o kapalpakan nitong nakalipas na eleksiyon, isang isyu ang transmission ng resulta ng botohan, dahil meron isang lugar na sakop Ng CALABARZON na matapos mai-transmit ang lahat ng resulta sa main office ng …

    Read More »
  • 17 June

    Huwag na huwag magtiwala sa Limkaco Industries Inc.,

    UNA, nais nating magpasintabi pero kasabay nito ay tawagin ang pansin ni Mr. DAVY LIM ng Limkaco Industries. Alam natin na ang isang negosyante ay maraming business risk na pinagdaraanan. Kabilang na riyan ang palpak na produkto na pinalala pa ng mga engineer at technician na hindi nagtatrabaho nang tama. At ang ganyang kondisyon, kung hindi maaresto ay tiyak na …

    Read More »
  • 17 June

    Nurses’ pay, water tax amnesty bills veto kay PNoy

    DALAWANG linggo bago bumababa sa puwesto, ibinasura ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga nurse o ang Comprehensive Nursing Law, at panukalang batas na nag-aalis ng mga kondisyon para sa pagpapatawad nang mga hindi nabayarang income tax ng local water districts. Aniya sa mensahe sa Kongreso, ang veto sa Senate Bill 2720 at …

    Read More »
  • 17 June

    SONA 2016 preparations puspusan na

    PUSPUSAN na ang Task Force SONA 2016 SA paghahanda ng magiging kauna-unahang ulat sa bayan ni President elect Rodrigo Duterte. Pinulong sa Kamara ang magiging bahagi ng SONA preparation, kasama ang media organizations, technical staff, security personnel at iba pang bahagi ng programa. Una rito, nagpasabi na ang kampo ni Duterte na nais nilang simple lang ang magiging paghahanda sa …

    Read More »
  • 17 June

    Pritong saging, biko at bibingka ihahain ni Digong sa inagurasyon

    DAVAO CITY – Bukod sa simpleng inagurasyon, aasahan din ang simpleng mga ihahanda sa inagurasyon ni incoming President Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 sa Rizal Ceremonial Hall sa Malacañan Palace. Una rito, sinabi ni Christopher Lawrence “Bong” Go, executive assistant at incoming head ng Presidential Management Staff,  makaraan ang panunumpa ni Duterte, magkakaroon lamang ng “light finger food” gaya ng …

    Read More »
  • 17 June

    Purisima, Napeñas idiniin ng Ombudsman sa Mamasapano case

    IDINIIN ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Chief Getulio Napeñas sa mga kasong graft at usurpation of authority. Una rito, iniapela ng dating police officials ang kanilang mga kaso ngunit ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa kakulangan ng merito. Ayon kay Morales, ‘guilty’ rin ang dalawa sa mga kasong …

    Read More »
  • 17 June

    Suspek na sangkot sa Bilibid narcotics ring arestado

    CEBU CITY – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 ang isang 26-anyos suspek sa drug buy-bust operation sa Brgy. Caretta, Cebu City nitong Miyerkoles ng gabi. Nakompiska ng mga tauhan ng PDEA ang 1.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.68 milyon mula sa suspek na si Jovannie Llego. Ayon kay Leia Albiar, spokesperson …

    Read More »
  • 17 June

    2 estudyanteng dinukot sa Lanao Norte laya na

    CAGAYAN DE ORO CITY – Nakalaya na ang dalawa sa anim mag-aaral na dinukot ng grupo ng mga kalalakihan sa probinsya ng Lanao del Norte. Ito ay nang makaramdam ang mga suspek ng pressure ng anti-kidnapping task force kaya napilitang palayain ang natitirang mga biktima na sina Cid Rick Jamias at Berzon Rey Paeste. Inihayag ni Iligan City Police Office …

    Read More »