Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

May, 2019

  • 21 May

    Milktea shop sa Glorietta 2 aksidenteng nasunog — BFP

    HINDI arson kundi aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi sa Glorietta 2 Ayala Center sa nasabing lungsod. Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Makati City Bureau Fire Protection na aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi at hindi sinadya. Sinabi ni F02 Lester Batalla, arson investigator ng …

    Read More »
  • 21 May

    Brigada Eskwela umarangkada na

    Students school

    BILANG paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo, naki­bahagi ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa programa ng Department of Education (DepEd) na paglilinis ng mga silid-aralan at iba pang pasi­lidad sa ilang pampu­blikong eskuwelahan sa Metro Manila. Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, 400 tauhan ng Metro Parkways Clearing Group (MPCG) ang itinalaga ngayong araw sa 20 …

    Read More »
  • 21 May

    Parinig sa brigada

    HIGH school science schools, karamihan ay pina­tatakbo ng local government units LGUs. Meaning, funded by the government mula sa kaban ng bayan. Ibig sabihin din uli nito ay libre ang matri­kula. Walang ipinagkaiba ang science schools sa regular high schools, parehong libre ang tuition fee pero, maraming magulang na nais makapasok sa science school ang kanilang mga anak na nagtapos …

    Read More »
  • 21 May

    Petisyon vs pag-upo ni Cardema sa Duterte Youth inihain sa Comelec

    GRUPO ng mga kaba­taan ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) laban sa pag-upo ng hepe ng National Youth Com­mission (NYC) na si Ronald Cardema kapalit ang asawa bilang unang nominee sa Duterte Youth party-list. Sinabi ng grupong National Union of Stu­dents of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), at University of the Philippines …

    Read More »
  • 21 May

    Duterte Youth iniwan… Cardema inaaral kung may pananagutang legal

    INAALAM ng Palasyo ang posibilidad na may pananagutang legal si dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema nang iwanan ang kanyang posi­syon sa ahensiya na hindi nagpaalam kay Pangu­long Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, lumalabas na dumiskarte si Cardema na mag-substitute sa kanyang asawa bilang first nominee sa Duterte Youth party-list. Inamin ni Panelo, sa diyaryo lamang …

    Read More »
  • 21 May

    Sotto tiwalang ‘di ‘mapatatalsik’ sa 18th Congress

    Tito Sotto

    KOMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na siya pa rin ang mau­upo at mamumuno sa senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon kay Sotto nag­pa­hayag na ng suporta sa kanya ang mga senador na kasama niya sa mayorya. Bukod dito, nagpaha­yag din umanio ng supor­ta sa kanya ang tatlo pang bagong mahahalal na senador. Kabilang dito sina Bato dela Rosa, …

    Read More »
  • 21 May

    8 arestado sa buy bust

    shabu drug arrest

    ARESTADO ang walong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa mag­kahiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Ayon kay Malabon police SDEU investigator P/MSgt. Jun Belbes, da­kong 12:30 am nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Zoilo Arquillo sa buy bust operation si Fredie Payad, 48, at Mario …

    Read More »
  • 21 May

    Presyo ng petrolyo muling nagtaas

    PABAGO-BAGO ang presyo ng produktong petrolyo. Nagpatupad na naman ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 21 Mayo 2019. Pinangunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philip­pines at Petro Gazz ang pagtaas ng presyo na P0.90 kada litro ng gaso­lina, P0.80 kada litro ng diesel habang nasa P0.75 kada litro ng kerosene na epektibo …

    Read More »
  • 21 May

    PH-Kuwait MOU rerepasohin ng DOLE — Bello

    OFW kuwait

    SUPORTADO ng Pala­syo ang pagrepaso ng Department of Labor sa Philippine-Kuwait Memo­randum of Under­standing (MOU) na nala­bag sa pagkamatay ng isang Filipina overseas worker dahil sa umano’y pambubugbog ng amo. “I think we should, because according to Secretary Bello there has been a breach in the agreement signed by the two countries,” tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hakbang …

    Read More »
  • 21 May

    DOTr palpak pa rin sa serbisyong perokaril — Poe

    TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na palpak pa rin ang ser­bisyong ipinagkakaloob ng Department of Tran­sportation (DOTr) sa mga pasahero kung kaya’t disgrasya hindi mabilis na pagdating sa patutunguhan ang sina­pit ng mga pasahero ng LRT-2 sa Anonas Station. Ayon kay Poe, imbes ang tamang tren ang paandarin at patakbu­hin sa mga riles ng train ay yaong mga hindi angkop …

    Read More »