Friday , February 20 2026

TimeLine Layout

January, 2020

  • 13 January

    Miguel at Yam, 5 taon na ang LDR

    Anyway, hindi naman nakaligtas sa mga dumalo ng presscon tungkol sa personal life ng dalaga at kung hindi ba sila hirap dahil long distance relationship sila. “Hindi naman, five years na kami and very secure siyang tao, very supportive. Mabait na tao.  As of now wala pang plano,” say ng dalaga tungkol sa kasal. Maayos na naitatawid nina Yam at …

    Read More »
  • 13 January

    Liza, sure na kay Enrique; mapapa-Yes sakaling mag-propose

    TAONG 2018 pa ang huling teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang Bagani kaya naman pinanabikan ang pagbabalik-telebisyon ng dalawa na simula ngayong gabi, matutunghayan ang Make It With You sa ABS-CBN 2. Pag-ibig ang magniningning sa inaabangang tambalan ng LizQuen na sabay makikipagsapalaran para mahanap sa puso nilang piliin ang magmahal sa Make It With You. “We always …

    Read More »
  • 13 January

    Joshua, aminadong na-miss si Julia

    HINDI itinanggi ni Joshua Garcia na na-miss niya ang dating girlfriend na si Julia Barretto. Inamin niya ito presscon ng unang handog na pelikula ng Star Cinema, ang Block Z na idinirehe ni Mikhail Red at mapapanood na sa January 29. Matagal-tagal na hindi nagkasama sina Joshua at Julia matapos maghiwalay. Kaya nang kumustahin ang dalawa sinabi ni Joshua na, …

    Read More »
  • 13 January

    Surrogate mother na hanap ni Ai Ai — Pinay at ka-blood type niya

    BUO na ang desisyon nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan na magkaroon na ng baby at ito sa pamamagitan ng paghahanap ng  surrogate mother. Ani Ai Ai pagkatapos ng presscon ng buenamanong pelikula ng Regal Films, ang D’Ninang, na mapapanood na sa January 22, “Napagdesisyonan namin ni Gerald na hindi na ako ang mag-carry nang magkaroon kami ng …

    Read More »
  • 13 January

    Piolo pinagkaguluhan, Mannix namigay ng kotse sa Prestige International Unstoppable 2020

    HINDI magkandaugaga ang security personnel ng Okada Manila nang dumating si Piolo Pascual sa Mannix Carancho Artist & Talent Management at Prestige International Year End Unstoppable 2020 Party na ginanap sa Okada Grand Ballroom. Pinagkaguluhan dito si Papa P., mula pagpasok pa lang sa ballroom ng Okada, hanggang siya ay makalabas. Tila lahat ay gustong magpa-photo kasama siya or at least ay …

    Read More »
  • 13 January

    Klinton Start, proud sa ini-endorse na CN Halimuyak

    SECOND year na ni Klinton Start bilang endorser ng CN Halimuyak perfume na marami ang nagugulat dahil sa so­brang kaba­nguhan nito. Nagkuwento si Klinton kung paano siya naging endor­ser nito. “Nag-start po ako as endorser ng CN Halimuyak noong Nov. 2018 po and of course nang malaman ko po sa aking manager na si Tito John Fontanilla na kukunin nila ako …

    Read More »
  • 13 January

    Peklat at paltos ng talsik ng mainit na mantika Krystall Herbal Oil ang tiyak na katapat

    FGO Fely guy ong miracle oil krystall

    Dear Sister Fely, Ako po si Lourdes Salvago, 61 years old, taga- Cubao, Quezon City. Ang ipapatotoo ko po ay tungkol sa Krystall Herbal oil at sa Krystall Herbal Eye Drop. I could experience na ang Krystall Herbal Oil ay multi-purpose kasi every time na magluluto ako at matalsikan ako ng mainit na mantika pinapahiran ko lang ng Krystall Herbal …

    Read More »
  • 13 January

    Madayang presyo ng Angkas pabigat sa mga pasahero

    PATULOY ang paglabag ng Angkas motorcycle taxi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pag­pataw ng surge charge na nagpapabigat sa mga mismong pasahero nito. Nabatid mula sa Technical Working Group (TWG) na binuo ni Department of Tran­sportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na ipata­tang­gal ang Angkas bilang isang ride-hailing app dahil sa mga naitalang sunod-sunod na paglabag ng …

    Read More »
  • 13 January

    10 OFW mula Iran uuwi na sa bansa

    Iran

    KASADO na sa susunod na linggo ang repatriation ng 10 overseas Filipino workers (OFWs). Asahan ang pagdating sa bansa ng unang batch mula sa Iraq sa ilalim ng mandatory repatriation/evacuation na ipinatutupad ng pamahalaan ng Filipinas dahil sa tensiyon sa Middle East. Ang nasabing grupo ng OFW ay bahagi ng 1,600 Pinoy sa Iraq na unang nagpahayag ng pagnanais na …

    Read More »
  • 13 January

    Legal solicitors agrabyado sa tigasing illegal transport ‘tusok’ group sa NAIA T1, bakit?

    ISANG astig na illegal transport group ang namamayani ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Bakit ‘kan’yo? Aba, kahit ireklamo sila at hulihin ng mga kagawad ng Airport Police (APD), aba ‘yung sumita ang natatanggal sa NAIA at naipatatapon sa malayong lugar o kaya ay sa kangkungan. Wattafak! Dinaig pa ang mga legal na solicitor. Itong illegal transport …

    Read More »