Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

March, 2020

  • 17 March

    14 COVID-19 kompirmado sa Makati — Mayor Abby

    KINOMPIRMA ni Mayor Abby Binay na mayroong 14 positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Ngunit tumanggi ang alkalde na tukuyin isa-isa ang mga pasyente gayon­din kung saang lugar sa Makati sa pangambang mag-panic ang kanilang constituents. Ayon kay Binay, sa kasalukuyan ay kanilang imino-monitor at gina­gawa ang lahat ng paraan para gumaling sila. Ayon kay Binay, kalimitan sila ay mag-asawa, …

    Read More »
  • 17 March

    2 CoViD-19 patients nadagdag sa Maynila

    NADAGDAGAN ng dalawa ang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila. Batay ito sa ulat ng Department of Health (DOH). Kabilang sa nadag­dag sa kaso ang isang 23-anyos na babaeng resi­dente ng Sta. Ana. Ang naturang babae ay nagtatrabaho sa isang salon sa Greenhills, San Juan City. Ang ikalawa ay isang 64-anyos babae mula sa Sta. Cruz na walang …

    Read More »
  • 17 March

    Virtual press briefing ipatutupad ng Palasyo

    VIRTUAL press briefing ang idaraos ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo sa Mala­cañang Press Corps simula ngayon. Inihayag ito ng Office of the Presidential Spokes­person kahapon. Ibig sabihin, hindi na kailangan magpunta ni Panelo sa Malacañang bagkus ay maaaring sa kanyang bahay na lamang makapanayam sa pamamagitan ng video call. Naging kapansin-pansin na nakasuot na rin ng face mask si Panelo …

    Read More »
  • 17 March

    Duterte sa NPA: Ceasefire tayo (Social distancing hiling ni Digong)

    HUMILING ng ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA) habang nararanasan sa bansa ang coronavirus disease (COVID-19). Sa kanyang public address kagabi nang ideklara ang Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, nanawagan ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista na sumunod sa social distancing sa pamamagitan ng pagdistansya sa mga sundalo o huwag umatake. Hirit ng Pangulo sa …

    Read More »
  • 17 March

    Social distancing, no touch policy mahigpit na ipatutupad sa Pangulo

    MAHIGPIT na ipinatu­tupad ng Presidential Security Group (PSG) ang “no touch policy” at pananatilihin  ang 10-meter distance sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng audience sa mga pagtitipon na kan­yang dadaluhan. Para sa mga pri­badong functions at meetings, tanging ang mga nagpasuri at negatibo sa COVID-19 ang papayagang lumapit sa Pangulo. Ang mga tao na hindi pa nagpapasuri ay …

    Read More »
  • 17 March

    Senator Migz Zubiri positibo sa COVID-19

    INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na positibo si Senador Miguel Zubiri sa coronavirus (COVID-19). Ikinagulat ni Duque ang pagkahawa ni Zubiri na ngayon ay naka-quarantine upang hindi mahawa ang kanyang asawa at anak. Nagtataka umano si Zubiri, sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nahawa siya ng COVID-19. Pinayohan ng Sena­dor ang mga kababayan na mag-ingat at uminom ng …

    Read More »
  • 17 March

    Kamara may 2nd covid 19 victim

    congress kamara

    MATAPOS mamatay ang isang empleyado ng Kamara kamakalawa, nagkaroon muli ng isa pang biktima ang Covid 19 sa Batasan Complex, iniulat kahapon. Ayon sa isang source, ang pangalawang bikti­ma ay nagtatrabaho sa isang kongresista. Humingi ng pana­langin ang mga kamag­anak dahil malubha ang kalagayan ng pasyente. Sa kabila nito, hini­mok ni Albay Rep. Joey Salceda na magkaroon ng ‘total lockdown’ …

    Read More »
  • 17 March

    Sa kabila ng masalimuot na Metro Manila ‘community quarantine’… Luzon-wide ‘lockdown’ idineklara ni Duterte

    ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘lockdown’ ang buong Luzon sa layuning makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong kapuluan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang kahulugan ng Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, lahat ng tao ay kailangang nasa loob ng kanilang bahay. Ang deklarasyon ng Pangulo ay ginawa, sa panahon na mainit na pinag-uusapan ang …

    Read More »
  • 16 March

    Cardo at iba pa ‘di muna mapapanood, 100 Days to Heaven, OTWOL ibabalik

    NAUNANG inanunsiyo ng ABS-CBN na pansamantala nilang ipinahihinto ang lahat ng kanilang live programs at tapings ng teleserye  gayundin ang Star Cinema na hinto rin ang lahat ng shootings nila ng iWant at mga pelikula. Nabahala ang TFC subscribers na patuloy na sumusubaybay sa kanilang mga paboritong programa ng ABS-CBN kung ano ang ipalalabas at kung magre-replay ba. Base sa naunang official statemeng ng ABS-CBN tungkol sa …

    Read More »
  • 16 March

    Arnell, tutulong sa mga nawalan ng trabaho

    NOONG pumirma si Arnell Ignacio ng management contract sa Viva Artists Agency, napag-usapan din ang kanyang role lalo na sa Department of Labor and Employment. Hindi pa naman kasi tuluyang binibitiwan ni Arnell ang kanyang trabaho sa gobyerno. Nasabi niya na maraming programa ang DOLE na pinaniniwalaan niyang makatutulong ng malaki sa industriya ng entertainment sa ating bansa. Isa nga sa napag-usapan ay …

    Read More »