Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

July, 2020

  • 20 July

    Caloocan, nagpasaklolo na kay Mayor Magalong

    HUMINGI ng tulong si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, para sa karagdagang kaa­laman sa pagsasagawa ng  epektibong contact tracing, kaugnay sa paglaban sa COVID-19. Kasama ni Mayor Malapitan ang kanyang mga department heads at nakipagpulong sa Baguio City Local Chief Executive sa pamamagitan ng online meeting. Dito ibinahagi ni Mayor Magalong ang mabisang paraan …

    Read More »
  • 20 July

    Makati Revenue collection tumaas, pinakamataas na audit rating ng COA nasungkit (Sa kabila ng pandemya)

    PATULOY na isinusulong ni Makati Mayor Abby Binay ang ‘no contact’ policy upang mawala ang mga fixer at matigil ang korupsiyon, partikular sa pagproseso ng business permits  sa lungsod ng Makati. Inihayag ito ng babeng alkalde matapos masungkit ng siyudad ng Makati sa ikatlong pagkakataon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) para sa 2019 financial …

    Read More »
  • 20 July

    Grandstand drive-thru COVID-19 testing kasado na ngayon

    KASADO na ngayong araw ang operasyon ng ikalawang bagong tayong libreng drive-thru COVID-19 testing center na matatagpuan sa Independence Road sa harap ng Quirino Grandstand, Ermita, Maynila. Ang pagbubukas sa darating na lunes ay bunsod ng isinagawang dry run ng drive thru COVID-19 testing na pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sabado ng umaga, bilang pagtitiyak na magiging maayos …

    Read More »
  • 20 July

    Palasyo umalma sa CBCP

    CBCP

    UMALMA ang Palasyo sa maanghang na pastoral letter ng CBCP at sinabing tila paglabag ito sa doktrina ng “separation of Church and State” na nakasaad sa Saligang Batas. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pahayag ng CBCP ay pareho sa “false narrative” ng mga kritiko ng Anti-Terror Law. Para sa Malacañang, ang adbokasiya ng CBCP maging ang …

    Read More »
  • 20 July

    ‘Laging Handa’ butata sa COVID-19

    TALIWAS sa paulit-ulit na panawagan sa publiko ng programang Laging Handa sa People’s Television Network Inc. (PTNI) na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), desmayado ang ilang empleyado ng state-run network sa tila pagpapabaya sa kanila kaya’t may 19 kawani ang nagpositibo sa nasabing sakit. Batay sa source, noong 5 Hulyo, napaulat na nagpositibo …

    Read More »
  • 20 July

    Bangayan ng CBCP vs Palasyo sa Anti-Terror Law, umusok

    KAHALINTULAD ng lagim ng warrantless arrests at detention sa batas militar na ipinairal ng diktadurang Marcos noong 1972 na pumatay sa demokrasya sa loob ng 14 taon ang Anti-Terror Law ng administrasyong Duterte. Inihayag ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa inilabas na pastoral letter at nilagdaan ni CBCP acting president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David. Ayon …

    Read More »
  • 20 July

    Mega web of corruption: P1.5-B DepEd project, obrero ng IBC-13 etsapuwera (Ika-limang Bahagi)

    ni Rose Novenario HUMIHIRIT ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa Kongreso na dagdagan ang budget ng state-run network ng P1.5 bilyon para tustusan ang modernisasyon ng mga pasilidad at kagamitan nito bilang paghahanda sa layunin nitong maging “DepEd Official Channel.” Naging malaking palaisipan sa mga magulang, mag-aaral at akademista kung aabot sa napipintong pagbubukas …

    Read More »
  • 20 July

    P4P sa House panel, ‘coal’ muling rebyuhin (Dahil sa maling impormasyon)

    P4P Power for People Coalition

    NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang Power for People Coalition (P4P) dahil sa maling paglalarawan sa ‘coal’ o karbon bilang murang mapagkukuhaan ng enerhiya sa bansa. Ito ay matapos ang isinagawang pagdinig ng Committee on good government and public accountability sa Kamara ukol sa naranasang ‘billing shock’ ng mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Mayo at Hunyo. Sinabi ni Laguna …

    Read More »
  • 20 July

    Frontliners at netizens galit kay Ex-mayor Bistek

    MARAMING frontliners at netizens ang galit ngayon kay dating Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista matapos sabihin sa kanyang Facebook post na ang ‘lack of common sense’ ay dahilan para madapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang indibidwal. Wala pang isang linggo matapos aminin ni QC Mayor Joy Belmonte na nagpositibo siya sa COVID-19, ipinaskil naman ni Bautista sa …

    Read More »
  • 20 July

    Cayetano hindi susundin ang term-sharing kay Alvarez

    Sipat Mat Vicencio

    DAHIL sa pangyayaring hinatulan ng ‘kamatayan’ ang prangkisa ng ABS-CBN, masasabing lalong tumatag ang liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano at mukhang nasa posisyon ngayon na hindi sundin ang napagkasunduang speakership term-sharing kay Rep. Lord Allan Velasco. Malinaw na pagsunod sa kagustuhan o kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang ginawa ng Kamara kaya naisakatuparan ang pagsibak sa ABS CBN, …

    Read More »