NAPATAY sa palo ng yantok ang isang 20-buwang gulang na sanggol ng kaniyang sariling ina dahil sa hindi pagtigil ng iyak sa Taguig City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Taguig City Police Chief P/ Col. Celso Rodriguez ang suspek na si Christine May Dabuit, 18, ng Blk-129 Lot-16, Sitio Imelda, Brgy. Upper Bicutan Taguig City na nahaharap sa kasong Parricide …
Read More »TimeLine Layout
April, 2021
-
22 April
Duterte binatikos ng mga obispo sa pag-alis ng mining ban
KIDAPAWAN, COTABATO — Binatikos ng ilang mga obispo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang siyam-na-taong moratorium sa mga bagong mining deal para tukuying makasasama ang magiging epekto nito sa mahihirap na komunidad na muling aabusuhin ng mga kompanyang nagmimina sa kanilang lugar. Nilagdaan ang nasabing moratorium noong 2012 ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III upang …
Read More » -
22 April
Suspensiyon ng face-to-face National ID registration hiniling ni Salceda
Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Ayon kay Albay representative Jose Maria Clemente ‘Joey’ Salceda, kinakailangang suspendehin muna ang door-to-door data collection para sa national identification system ng Philippine Statistics Authority (PSA) kasunod ng mga ulat na daan-daan ang isinailalim sa kuwarantena makaraang magpositibo ang isang data enumerator ng novel coronavirus disease (CoVid-19). Sa kanyang liham kay PSA national statistician …
Read More » -
22 April
Kelot dedbol sa drug bust sa NE (Kabilang sa drugs watchlist)
PATAY ang isang suspek na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa ikinasang drug bust ng mga kagawad ng Cabanatuan City Police SDEU sa pamumuno ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo nitong Martes ng madaling araw, 20 Abril, sa Brgy. Bantog Norte, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. …
Read More » -
22 April
Karnaper, top 8 most wanted arestado (Sa Manhunt Charlie ng PRO3 sa Pampanga)
HINDI na nakapiyok ang isang hinihinalang karnaper na itinuturing na top 8 sa listahan ng mga most wanted persons ng lalawigan nang dakmain ng mga awtoridad nitong Lunes, 19 Abril sa pinaiigting na kampanya laban sa mga most wanted persons ng Manhunt Charlie ng PRO3 sa lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Enrico …
Read More » -
22 April
Magsasaka todas, 1 pa sugatan sa away-senglot (Dugo dumanak sa 2 inuman)
DUMANAK ang dugo sa mainitang pagtatalo sa dalawang magkahiwalay na inuman na nagresulta sa pagkamatay ng isang 50-anyos magsasakat at pagkakasugat ng isa pa, sa mga bayan ng San Narciso at Tagkawayan, sa lalawigan ng Quezon, nitong Martes, 20 Abril. Ayon sa ulat ng Quezon PPO, nag-iinuman ang biktimang si Hernani Otcharan, 50 anyos, at suspek na si Eduardo Genton, …
Read More » -
22 April
67-anyos biyudong lolo, walong taon ginahasa sariling apo, arestado
DINAKIP ang isang biyudong senior citizen na malaon nang pinaghahanap ng batas dahil sa kinahaharap na kasong panggagahasa sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan Bulacan, nitong Martes, 20 Abril. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ng mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), 4th MP, 2nd PMFC-Bulacan PPO, …
Read More » -
22 April
15 lawbreakers tiklo sa Bulacan PNP (Sa walang tigil na operasyon kontra krimen)
NAGBUNGA ang tigil na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nang maaresto ang 15 kataong pawang may nakabinbing asunto hanggang kahapon, 21 Abril. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Rafael MPS at San Jose Del Monte CPS ang tatlong …
Read More » -
22 April
Pinalawak na tulay ng Angat River sa Bulacan, tapos na
KOMPLETO at tinapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapalawak sa 2.22 kilometrong bahagi ng Plaridel Bypass Road sa lalawigan ng Bulacan, mula sa dalawa ay mayroon nang apat na lane sa nasabing tulay. Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kabilang sa natapos ang karagdagang dalawang lane bridge parallel sa 1.12 kilometrong Angat Bridge, isa sa …
Read More » -
22 April
Lovi Poe, balitang matunog na lilipat din sa ABS-CBN
AFTER Sunshine Dizon, next in line na rin daw ang paglipat sa ABS CBN ni Lovi Poe. Sang-ayon sa isang reliable source, may alok na proyekto ang ABS-CBN kay Lovi, and there’s a great possibility that she just might accept it. In the event na tanggapin ni Lovi ang offer ng ABS-CBN, the soap Owe My Love is slated to …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com