Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

November, 2022

  • 15 November

    RR sa pakikipagsuntukan ng basketbolistang si John Amores — May future ka sa boxing

    RR Enriquez John Amores

    MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng opinyon ang binansagang Sawsawera Queen na si RR Eriquez tungkol sa kontrobersiyal na panununtok umano ni John Amores ng Jose Rizal University (JRU) sa ilang nakalaban nilang players ng College of St. Benilde. Pabirong sabi ni RR kay John, “Kung hindi ka na nila tanggapin sa basketball, meron akong nakikitang magandang future sa’yo, i-pursue mo ang pagiging boxer. …

    Read More »
  • 15 November

    Netflix suportado ang Responsableng Panonood program ng MTRCB

    Lala Sotto MTRCB Netflix

    IBINALITA ni  Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto na maayos ang pakikipag-partner nila sa Subscription Video-on-Demand (SVOD) platform na Netflixpara mai-promote ang Responsableng Panonood sa mga manonood. “It’s such a great opportunity that we were able to come up with this partnership with Netflix,” ani Sotto nang makausap namin ito sa courtesy call ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kamakailan sa MTRCB office sa Timog, QC. …

    Read More »
  • 15 November

    Gawad America awardee na si Chris Wycoco pwede ihilera kina Luis, Robi, at Billy

    Chris Wycoco

    FROM rags to riches. Ito ang kasabihang akmang-akma kay Christopher Wycoco, isang matagumpay na Pinoy businessman na may opisina sa Dallas, Texas. Pero bago naabot ni Chris ang tagumpay na ito, marami siyang pinagdaanan. Actually pang-MMK at Magpakailanman ang istorya ng buhay ni Chris. Marami siyang pinagdaanan simula pagkabata. Hirap ng buhay na aakalain mong pangpelikula pero nangyayari sa totoong buhay. At ang hirap …

    Read More »
  • 15 November

    Pagpapa-cute ni Christian kay Iana naitawid

    Iana Bernardez Angel Aquino Beksman

    SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA ayaw man at sa gusto, lagi pa ring ikakabit kay Iana Bernardez ang pangalan ng kanyang inang si Angel Aquino dahil hindi iyon maiwawasan lalo’t isang sikat at magaling na aktres ang kanyang ina. Napanood namin si Iana sa Mahal Kita Beksman ng Viva Entertainment at The Idea First na idinirehe ni Perci Intalansa premiere night nito kamakailan at may talent din ito sa pag-arte. …

    Read More »
  • 15 November

    Kim at Ryan masusubok galing sa pagho-host ng reality show

    Kim Chiu Ryan Bang

    SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKI ang pasasalamat kapwa nina Kim Chiu at Ryan Bang dahil parte sila ng bagong programa ng ABS-CBN, ang Dream Maker—the search for the next global pop group. Sa isinagawang media conference kamakailan aminado si Kim na malaking bagay/tulong na naging parte sila ng Pinoy Big Brother sa bago nilang sasabakang show, ang Dream Maker na may partnership sa Kamp Korea at MLD Entertainment. Kapwa alumni …

    Read More »
  • 14 November

    Army official tinambangan escort na sundalo patay

    dead gun police

    KINONDENA ng alkalde ng lungsod ng Cotabato ang serye ng pamamaril dito kabilang ang pinakahuling insidente ng pananambang sa sasakyan ng opisyal ng Philippine Army na ikinasawi ng isang sundalo nitong Sabado ng gabi, 12 Nobyrembre. Pahayag ni Mayor Mohammad Ali Matabalao, mariin nilang kinokondena ang pinakahuling insidente ng pananambang at lahat ng nauna pang pamamaril na naganap sa lungsod …

    Read More »
  • 14 November

    Baliwag para maging component city  <br> MAYOR FERDIE ESTRELLA TODO KAMPANYA SA BOTONG ‘YES’

    Ferdie Estrella Baliwag City Bulacan

    GANAP nang naisabatas ang RA 11929, may titulong “An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a Component City to be known as the City of Baliwag” noong 30 Hulyo 2022. Nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng plebisito para pagtibayin ang kombersiyon ng munispyo ng Baliwag sa isang component city na tatawaging lungsod ng …

    Read More »
  • 14 November

     ‘Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

    Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

    NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis dahil sa tangkang ‘sextortion’ sa isang apartel sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw, 12 Nobyembre. Kinilala ni IMEG Director P/BGen. Warren de Leon ang suspek na si Pat. Julius Ramos, nakatalaga sa Service Support …

    Read More »
  • 14 November

    Sa Bulacan <br> 5 TULAK NABITAG SA BATO;  6 WANTED NABINGWIT;  6 SUGAROL ARESTADO

    Bulacan Police PNP

    SA HIGIT na pinaigting na operasyon ng pulisya nitong Sabado, 12 Nobyembre, sunod-sunod na nadakip ng pulisya sa Bulacan ang limang drug dealers, anim na wanted criminals, at anim na sugarol sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado sa serye ng drug sting operations ng …

    Read More »
  • 14 November

    4th SINEliksik dinomina  <br> “GUILLERMO: ANG HANDOG NA OBRA” NAGKAMIT NG APAT NA GANTIMPALA

    SINEliksik GUILLERMO ANG HANDOG NA OBRA Andrew Alto De Guzman

    NAGWAGI ng apat na pangunahing gantimpala at nag-uwi ng kabuuang P170,000 premyo ang dokumentaryong “Guillermo: Ang Handog ng Obra” sa ika-apat na SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Nagwagi ng Best Documentary Film, Best Research, Best Cinematography, at Best Editing ang dokumentaryo …

    Read More »