Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

January, 2023

  • 4 January

    Fernando, humakot ng 24 parangal para sa Bulacan

    Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan Awards

    PANIBAGONG milyahe ang nakamit ng lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel Fernando sa pagtanggap niya ng kabuuang 24 nasyonal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan. Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga tao sa likod ng nasabing  tagumpay, ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng …

    Read More »
  • 4 January

    Nanunuyo at nangangating talampakan lumambot sa Krystal Herbal Oil

    Krystall Herbal Oil, Foot Cramps

    Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po si Sonia Balisbis, 57 years old, naninirahan sa Catarman, Northern Samar.                Madalas ko pong maramdaman ang pangangati ng aking talampakan at panunuyo. Kahit anong lotion ang ipahid ko ganoon pa rin. Minsan nga na-allergy pa ako sa lotion na sobrang bango.                Hanggang isang …

    Read More »
  • 4 January

    Navotas namahagi ng livelihood packages

    Navotas

    NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng livelihood packages sa 80 Navoteños sa ilalim ng Angat Kabuhayan program ng NavotaAs Hanapbuhay Center. Sa bilang na ito, 30 ang senior citizens, 10 ang persons with disabilities (PWDs), 20 ang parents of child laborers, at 20 ang retired o displaced overseas Filipino workers (OFWs). Hinikayat ni Cong. Toby Tiangco ang mga benepisaryo …

    Read More »
  • 4 January

    Sa P68-K shabu
    MAG-SYOTA NASAKOTE SA BUYBUST

    lovers syota posas arrest

    HINDI nakapalag ang magsyotang markado bilang drug personalities nang malambat sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Arnold Mendoza, 46 anyos, taga-Brgy. San Roque, ng  nasabing lungsod, at Mary Grace Yango, 47 anyos, residente sa Brgy. Longos, Malabon City. Ayon kay Col. …

    Read More »
  • 4 January

    Biyahe ng MRT-3 back-to-normal

    MRT

    INIHAYAG ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3), balik-normal ang kanilang operasyon simula ngayong araw, 3 Enero 2023, na nagpatupad ng adjusted operating hours nitong naklaraang holidays. Sa abiso ng linya, aalis ang unang biyahe ng tren, 4:36 am mula North Avenue station, at 5:18 am mula Taft Avenue station. Samantala, ang huling biyahe ng tren ay 9:30 pm mula …

    Read More »
  • 4 January

    Nanggahasa sa 2 anak sa Antique, arestado sa QC

    prison rape

    NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang most wanted person (MWP) ng Antique sa kasong pangagahasa sa kaniyang dalawang anak na kapwa menor de edad. Ayon kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang suspek na si Romel Juban, 46 anyos, ay naaresto ng mga operatiba ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13, sa Barangay …

    Read More »
  • 4 January

    Nakasagasa sa pedestrian lane
    LISENSIYA NG DRIVER, SUSPENDIDO SA LTO

    Drivers license card LTO

    SINUSPENDE ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw lisensiya sa pagmamaneho ng tsuper ng jeep na nakasagasa ng babaeng tumatawid sa pedestrian lane sa Parañaque City. Kasunod ito ng pag-amin ng driver ng jeep, kinilalang si Leonilo Aque na nabundol niya ang babaeng tumatawid dahil hindi agad nakapagpreno bago makalapit sa pedestrian lane. Nauna rito, nagpalabas ng show cause order …

    Read More »
  • 4 January

    Proactive policy ‘missing’ – Sen. Poe
    NATIONAL GOVERNMENT INALARMA SA ‘ARRIVALS’ NG CHINA PASSENGERS

    PHil pinas China

    NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na magpatupad ng tinatawag na proactive policy para sa mga pasaherong papasok ng bansa mula sa bansang China. Ayon kay Poe, dapat magpatupad ng COVID testing requirements sa mga pasaherong galing China lalo sa sa 8 Enero 2023 na tatanggalin na ang China travel restrictions. “The lack of proactive policies on the matter …

    Read More »
  • 4 January

    Holidays tapos na
    UVVRP CODING SCHEME EPEKTIBO MULI —MMDA

    Traffic, NCR, Metro Manila

    MULING ipinatupad ang number coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula kahapon, Martes, 3 Enero 2023. Pinaalalahanan ng MMDA ang mga motorista na muling ipinatutupad ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) coding scheme simula kahapon matapos ang long weekend at holiday season. Ayon sa MMDA sa ilalim nito, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan …

    Read More »
  • 4 January

    Bilyones na smuggled agri products isama sa agenda ni Marcos kay Xi

    Bongbong Marcos Xi Jinping

    NANAWAGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., isama sa agenda sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural, partikular ang sibuyas, mula sa China. Giit ng KMP, habang ang China ang nangungunang kasosyo sa kalakalan ng Filipinas noong 2021, umiiral pa rin ang napakalawak na ilegal na kalakalan. …

    Read More »