Friday , November 15 2024

Classic Layout

Probe sa parole ni Leviste utos ni PNoy

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang iginawad na parole kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste, dalawang araw matapos siyang makalaya sa New Bilibid Prison (NBP). “I am not happy with the decision and I am having the whole matter investigated,” pahayag ng Pangulo na isinapubliko kahapon ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. Hinatulan ng hukuman ng …

Read More »

P2.2-T nat’l budget hihimayin ng Kongreso

NAKATAKDANG hihmayin ngayong linggo ng Kongreso ang panukalang P2.2-trillion national budget para sa susunod na taon. Ayon kay House committee on appropriations chair Isidro Ungab, kabilang sa inaasahang matatalakay sa gagawing bicameral conference committee meeting ay ang panukalang pagbuo ng “multi-billion rehabilitation fund” para sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, katulad ng bagyong Yolanda sa Visayas at 7.2-magnitude quake …

Read More »

Bilanggo habambuhay vs aborsyon

PAPATAWAN na nang mas mabigat na parusa ang sino mang magsagawa o masasangkot sa aborsyon. “Fetuses have been found in garbage cans, thrown and abandoned by their mothers only to be discovered by unknown and concerned citizens and reported by the media,” malungkot na pahayag ni Rep. Amado Bagatsing (5th District, Manila), na siyang may akda ng House Bill 3201. …

Read More »

TF binuo sa pagpatay sa radio broadcaster

BUMUO ng task force ang pulisya upang tugisin ang responsable sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Michale Milo. Si Milo, radio brioadcaster at supervisor ng PRIME Radio FM sa Tandag City sa Surigao del Sur, ay namatay matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang motorcycle-riding men. Sa inisyal na report ng PNP, pauwi na ang biktima sakay sa isang motorsiklo …

Read More »

Solar energy suportado ni Grace Poe

SINUPORTAHAN ni Senadora Grace Poe ang paggamit ng solar enery o enerhiya mula sa sinag ng araw bilang alternatibong mapagkukunan ng koryente. Ito ay dahilan na rin pahayag ng Meralco na aabot sa mahigit P4 ang ang dagdag singil kada kWh sa mga konsyumer simula ngayon buwan. Matatandaang inilunsad na rin ng Department of Energy (DOE) ang mga panuntunan at …

Read More »

2-anyos patay sa saksak ni nanay

LEGAZPI CITY – Patay ang 2-anyos batang babae matapos saksakin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Calapucan, Brgy. Poblacion, bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Zhira Ragasa, tinamaan ng saksak sa dibdid dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Nahuli naman ang ina ng biktima na kinilalang si Nerissa Ragasa, 28-anyos. Ayon …

Read More »

Army official patay, 2 pa sugatan sa enkwentro

BUTUAN CITY – Kinompirma ni Captain Christian Uy, spokesman ng Philippine Army 4th Infantry Division, isang Philippine Army junior officer ang namatay habang dalawang sundalo ang malubhang nasugatan sa enkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur. Inihayag ni Uy, ang tropa mula sa elite 3rd Special Forces Battalion ay idineploy sa Bgy. Buhisan, …

Read More »

300 MMDA personnel pararangalan

PARARANGALAN ang 300 kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, isasagawa ang pagbibigay parangal matapos ang gagawing pagpupugay sa watawat ngayong Lunes. Pahayag ni Tolentino, ang pagbibigay parangal ay ang pagkilala sa ipinamalas nilang pagtulong sa clearing operation at pagtukoy sa mga namatay sa bagyo. …

Read More »

‘Peace Ark’ Barkong Ospital ng Tsina tumulong sa Yolanda victims

IPINADALA kamakailan ng gobyerno ng Tsina ang kanilang malaking barkong ospital, ang Peace Ark, para magdala ng tulong medikal at teknikal sa mga naging biktima ng napakalakas na bagyong Yolanda na nanalasa kamakailan sa mga probinsiya ng Leyte, Samar, Cebu, Iloilo at Bohol. Sinabi ng Embassy ng Tsina sa bansa na ang Peace Ark, ang kauna-unahang 10,000 toneladang class barkong …

Read More »

Ano ba talaga ang papel ni Ping Lacson? Rehab Czar ba o coordinator lang?

ITO po ang ipinatatanong sa atin ng mga masugid na tagahanga at bilib na bilib kay ex-Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson Tama ba Asec. Rey Marfil? Ayon sa ilang mga urot, nagtataka raw sila kung bakit nai-PRESS RELEASE agad ang appointment ni LACSON bilang rehabilitation czar sa mga sinalanta ng super-bagyong si Yolanda. Pero ilang araw na nag nakalilipas ‘e wala …

Read More »