NATANGAY ang mahigit P4 milyong halaga ng cellular phones at cash, sa mag-asawang negosyante, ng grupong nagpakilalang ahente ng Bureau of Customs, noong nakaraang linggo, sa Pasay City. Sa reklamo ng mag-asawang Lovely Choi, 33, at Evan Choi, ng 2 Barangay Capitol Hills, Quezon City, kamakalawa lamang natapos ang imbestigasyon ng Pasay police, natangayan sila ng 80-pirasong bagong iPhone 5s, …
Read More »Classic Layout
Pinay baby girl bigong maiuwi nang buhay (Nalagutan ng hininga sa ere)
HINDI na nakauwi nang buhay sa Filipinas ang siyam-buwan gulang na sanggol nang malagutan ng hininga habang itinatakbo sa Bangkok hospital kahapon bunsod ng sakit sa puso. Inihayag ni Alwin Pastoril ng Muntinlupa City, tatlong taon nang delivery truck driver sa Baskin Robbins sa Kuwait, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 lulan ng Gulf Air GF154 …
Read More »Rape suspect nagbigti sa kulungan
CEBU CITY – Nagbigti ang isang rape suspect sa loob ng kanyang selda dakong 1:45 a.m. kahapon sa Brgy. Punta Princesa, lungsod ng Cebu. Ayon sa pulisya, natagpuang wala nang buhay si Tomas Lido, 57, walang asawa, at residente ng Jagna, lalawigan ng Bohol. Nagbigti si Lido gamit ang tali ng kanyang short pants sa loob ng Punta Princesa police …
Read More »US umiiwas sa Tubbataha claims (Miriam umupak)
BINATIKOS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang aniya’y “dilatory tactic” ng US government para makaiwas sa pagbabayad ng kompensasyon sa pinsalang idinulot sa Tubbataha Reef matapos ang pagsadsad ng USS Guardian noong nakaraang taon. Iginiit ng mambabatas na “irrelevant” ang depensa ng Washington na kaya naantala ang compensation payment ay dahil wala pa itong natatanggap na “formal request” mula sa Filipinas. …
Read More »NBI ‘di kombinsido sa alibi ng DBM exec (Sa SARO scam)
HINDI kombinsido ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naging paliwanag ni Budget Usec. Mario Relampagos kaugnay sa nabunyag na eskandalo ng pamemeke ng special allotment release orders (SARO) na nagkakahalaga ng P879 million. Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, bagama’t nakapaghain na ng kanyang statement ang opisyal hinggil sa isyu, interesado pa rin ang NBI na isailalim si …
Read More »63-anyos nanay tinarakan ng adik na anak
ISANG 63-anyos ina ang ang pinagsasaksak ng adik na anak sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Patuloy na nagpapagaling sa San Lorenzo Women’s Hospital (SLWH) ang biktimang si Nelia Medina, 63, ng Angela St., Brgy. Maysilo, sanhi ng mga saksak sa braso at mukha. Agad naaresto ang adik na anak na kinilalang si Dennis Medina, …
Read More »‘Pag ang itlog ay nawalay sa bibingka hindi na ba ito magiging espesyal?
Hi Ms. Francine, Gusto ko po sana mag-seek ng advice sa inyo. I’m 31 years old at married. Kaso nasa long distance relationship kami ng wife ko. Siyempre may mga needs ako na hindi nagagawa dahil nga magkalayo kami. Ayaw ko magkasala sa kanya kaya nagsasariling sikap na lang ako. Madalas ko siyang yayain mag-web chat at alam mo na …
Read More »Kelot pinatay inilibing ng 2 katagay
NAGA CITY – Boluntar-yong sumuko sa mga awtoridad ang dalawang lalaki nang makonsensya sa pagpaslang at paglilibing sa kainoman noong nakaraang taon sa Jose Pa-nganiban, Camarines Norte. Sa ulat na ipinadala ng Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na sumuko sa mga opisyal ng barangay si Fernando Bermejo, 50, at inamin na siya ang nakapatay kay Daniel Encinas, 52. Ayon …
Read More »Smugglers sa Davao papatayin ko — Duterte
DAVAO CITY – Nagbanta si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kanyang papatayin ang mapatutunayan niyang patuloy na kumikilos bilang smugglers dito sa lungsod ng Davao. Una nang pinayuhan ni Mayor Duterte ang mga smuggler na mas mabuting maghanap na lamang ng ibang lugar dahil malalaman pa rin niya ito, lalong-lalo na kung may kapangyarihan siyang buksan ang mga bodega …
Read More »Pambansang bakuna vs tigdas sisimulan na
INILUNSAD na ng Department of Health (DoH) ang nationwide vaccination para sa 12 million kabataan na maaaring maapektuhan pa ng lumalalang problema sa tigdas. Magugunitang nagdeklara na ng measles outbreak ang DoH sa Metro Manila dahil sa malaking bilang ng naitalang nagpositibo sa naturang sakit sa Quiapo, Sampaloc, Tondo, Binondo, Sta. Cruz, Port Area at Sta. Mesa sa Maynila; Dagat-Dagatan …
Read More »