Tuesday , December 16 2025

Classic Layout

Kemikal tumagas sa QC factory, alingasaw umabot sa Pasig

UMALINGASAW ang paligid ng Brgy. Bagumbayan sa Quezon City dahil sa pagtagas ng kemikal mula sa isang pabrika nitong Linggo ng hapon. Nagmula ang alingasaw sa Chemrez Technologies, Inc. sa Calle Industria at umabot hanggang sa ilang lugar sa Pasig.  Ayon kay Jill Osina, Corporate Pollution Control Officer ng Chemrez Technologies, Inc., “fumes” o asó ang nagdudulot ng masangsang na …

Read More »

PNP-HPG nakatutok sa ‘Christmas rush’

MAKARAAN ang APEC leaders’ summit sa bansa, naghahanda na ang Highway Patrol Group (HPG) sa pagsisikip ng trapiko bunsod nang papalapit na Kapaskuhan. Ayon kay PNP-HPG director, Chief Supt. Arnold Gunnacao, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga isinasagawang roadworks sa Metro Manila. Dahil sa inaasahang …

Read More »

50-anyos kelot tumalon sa ilog, nalunod

NALUNOD ang isang 50-anyos hindi nakilalang lalaki na tadtad ng tattoo sa katawan makaraang tumalon sa Ilog Pasig kamakalawa ng gabi. Ayon sa awtoridad, dakong 8 p.m., nakitang tumatakbo ang biktima na tila may humahabol ngunit pagsapit sa Westbank Road ay tumalon sa ilog. Mabilis na naghagis ng styro ang mga barangay tanod ng Brgy. Rosario sa tapat ng lalaki …

Read More »

Preso uminom ng asido, tigok

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang preso makaraang uminom ng muriatic acid kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Julius Alabanza, 41, residente ng Brgy. San Nicolas Central sa bayan ng Agoo. Batay sa impormasyon mula sa municipal jail, nagpaalam si Alabanza sa mga jail guard na gagamit ng banyo ngunit pagkalabas ay bigla na lamang …

Read More »

Selosong Koreano nagbigti

HINIHINALANG selos ang dahilan ng pagbibigti ng isang Koreano makaraang mabasa ang text message ng kaibigan ng kinakasama niyang Filipina nitong Linggo ng hapon sa condominium unit sa Pasay City. Kinilala ang biktimang si Kim Cheolgyu, 42, negosyante, may Korean passport number MO4497966, pansamantalang naninirahan sa 1201 Tower C, Antel Seaview Tower Cond., Roxas Blvd., Pasay City. Base sa ulat …

Read More »

Mag-dyowang prosec at judge pinaiimbestigahan sa Kongreso

HINILING ng isang dating mambabatas sa House Committee on Justice na imbestigahan ang napaulat na ‘conjugal partnership’ ng isang prosecutor at executive judge sa Region III dahil sa tinatawag na ‘conflict of interest.’ Inakusahan ni former (Agham) party-list Rep. Angelo Palmones na isa na ngayong executive radio station ng DZRH sina Regional State Prosecutor Atty. Jesus Simbulan at San Fernando, …

Read More »

Tadhana ni Sauler malalaman sa mga susunod pang araw

DAHIL sa maagang bakasyon ng De La Salle University ngayong UAAP Season 78, usap-usapan ang magiging kinabukasan ng head coach ng Green Archers na si Juno Sauler. Sinisi ng mga tagahanga at alumni ng La Salle si Sauler dahil hindi nga nakapasok ang Green Archers sa Final Four. Magpupulong ang ilang mga opisyal ng La Salle sa susunod na linggo …

Read More »

Kings pinaluhod ang Magic

NANGALABAW si Demarcus Cousins ng 29 puntos at 12 rebounds upang pasanin ang Sacramento Kings kontra Orlando Magic, 97-91 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Nag-ambag si Rajon Rondo ng 13 puntos, siyam na assists at pitong rebounds para ilista ang 5-9 karta ng Kings at ilaglag ang Magic sa 6-7 baraha. Hawak ng Magic ang 65-61 …

Read More »

Romeo pararangalan ng FIBA 3X3

NAPILI ang superstar ng Globalport na si Terrence Romeo bilang Most Spectacular Player ng FIBA 3X3 2015. Nakuha ni Romeo ang parangal dahil sa kanyang 266,340 views sa YouTube page ng FIBA 3X3 kung saan nagpakitang-gilas siya sa Manila Masters sa Robinson’s Ermita noong Agosto. Tinalo ni Romeo ang kanyang kakampi sa Gilas Pilipinas at FIBA 3X3 na si Calvin …

Read More »

Tamaraws nananagasa

INISA-ISA ng Far Eastern University Tamaraws ang mga bigatin upang makarating sa championship round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa ikalawang sunod na season. Una’y binigo ng Tamaraws ang layunin ng La Salle Green Archers na makaabot sa Final Four nang sila’y magtagumpay, 71-68 noong Miyerkoles. So, talagang ipinalasap nila sa Green Archers ang pait ng kabiguan …

Read More »