Wednesday , November 20 2024

Classic Layout

Mison inasunto na naman (Bagong kaso sa Ombudsman)

KASUNOD ng kahilingan ng ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa kanyang pagbibitiw sa puwesto, sanhi ng sinasabing mga iregularidad sa kanyang tanggapan, nahaharap na naman si Immigration commissioner Siegfred Mison sa isa pang criminal complaint sa Ombudsman na isinampa ni BI intelligence chief Atty. Faizal Hussin nitong Hunyo 11 (2015). Sa kanyang reklamo, nagbigay ng impormasyon …

Read More »

Ilang pamilya ng Kentex fire victims umareglo sa P.1-M

KINOMPIRMA ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tatlo hanggang apat sa mga pamilya ng 72 namatay sa sunog, ang tinanggap ang alok ng Kentex Manufacturing Corp. na makipag-areglo na lamang sa halagang P100,000. Kapalit ito nang hindi na paghahabla. Hindi aniya taga-Valenzuela ang mga nakipag-areglo at pagod na sa paghahabol sa kaso. Habang ang ibang pamilya ay tuloy pa rin …

Read More »

Si Ridon at ang paintings ni Imelda

NASAAN na ang sinasabing imbestigasyong gagawin ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon sa mga paintings na bahagi ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos? Halos walong buwan na ang nakararaan simula nang sabihin ni Ridon na magsasagawa siya ng imbestigasyon, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayaring House inquiry. Totoo bang nasuhulan si Ridon nang malaking halaga ng salapi kaya …

Read More »

CCTV sa brgy makikita sa cellphone

BILANG tugon sa iba’t ibang uri ng krimen sa lungsod ng Maynila, may bagong application na maaaring gamitin upang ma-monitor ang nangyayari sa mga barangay kahit nasa malayong lugar. Sa rami ng gumagamit ng cellphones, maaari nang makita ang mga kaganapan sa mga barangay na nakukuhaan ng Closed Circuit Television, kaya maaaring ma-monitor ng barangay officials ang kanilang nasasakupan kahit …

Read More »

Eroplano bumagsak sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY – Papunta na sa bulubunduking bahagi ng Esperanza, Sultan Kudarat, ang rescue team upang alamin ang karagdagang detalye kaugnay sa napaulat na isang pribadong eroplano ang bumagsak pasado 11 a.m. kahapon. Ayon Capt. Mark C. Soria ng Bravo Company ng 33rd IB, Philippine Army, nakarinig sila nang malakas na pagsabog dakong 11 a.m. kahapon kaya nakipag-ugnayan sila  sa  …

Read More »

65-anyos top-ranking NPA leader arestado sa Bohol

  ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang top ranking NPA leader sa inilunsad na operasyon kamakalawa ng umaga sa lalawigan ng Bohol. Kinilala ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, ang naarestong mataas na lider ng NPA na si Exuspero Lloren, 65-anyos. Si Lloren ay naaresto batay sa warrant of arrest …

Read More »

Grand Lotto jackpot lolobo  sa P250-M

TINATAYANG aabot sa P248 milyon hanggang P250 milyon ang jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa bola ngayong Lunes. Ipinaliwanag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general mana-ger Jose Fernando Rojas II, mahigit dalawang buwan nang hindi napapanalunan ang jackpot. Nitong Sabado lang ng gabi, walang nakasungkit sa mahigit P235 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa winning combination na 44-21-34-17-54-50.

Read More »

Girian vs China idinaan ng PH sa social media

DINALA ng administrasyong Aquino sa social media ang pakikipaggirian sa China kaugnay sa mga teritoryo sa West Philippine Sea. Hinimok kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang publiko na panoorin at i-share ang video na pinamagatang “Kalayaan: Karapatan  sa  Karagatan”  upang lubos na maunawaan ang usapin hinggil sa West Philippine Sea. Maaari aniyang matunghayan ito sa Facebook page ni …

Read More »

Patuloy na pagsasanay — Trillanes

BILANG pagkilala sa pangangailangan sa patuloy na pagsasanay ng ang ating mga propesyonal, lalo na sa papalapit na ASEAN Integration, inisponsor ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 2581, o ang Continuing Professional Development (CPD) Act. “Maraming oportunidad ang maaaring makuha ng ating mga propesyonal dahil sa ASEAN integration, kailangan lang nating siguraduhin na may sapat …

Read More »

Mar Roxas ikaw na talaga sa 2016!

BUO na ang konsesyon ng Liberal Party at sabi nga ‘e mga haciendero at naghaharing-uri — si Mar Roxas na ang kanilang isusulong para sa 2016 elections. Huwag po tayong maiinip dahil apat na buwan na lang, mag-uumpisa nang maghain ng kanilang mga kandidatura ang mga tatakbo sa 2016. Mabilis na mabilis lang po ‘yan — mula Oktubre 12 hanggang …

Read More »