Anong ‘raket’ meron sa Iloilo International Airport? (Attn: BI Comm. Ronaldo Geron)

Iloilo ImmigrationMAY isang artikulo ang kumalat kamakailan sa facebook na sinasabing talamak daw ang pamamasahero sa ilang airports sa probinsiya partikular riyan sa Iloilo International Airport (IIA).

Sinasabing tinutukoy daw sa nasabing article ang bagong talagang Immigration Head Supervisor doon na si I/O JEFF PINPIN.

Tuloy-tuloy na raw ang kalakaran o palusutan ng mga pasahero (undocumented OFWs) doon lalo na ang mga Pinay.

Pinaratangan din ng nag-post sa facebook na magkakasama na ang tropapips ni Immigration Officer Pinpin ang ipinadala na sa Iloilo Airport kaya madali raw nakapagpapalusot sa nasabing paliparan!?

What the fact!?

Hindi pa naman confirmed ang balitang ito, pero sana naman ay hindi ito totoo dahil ang masasabi natin dati nang nagkaroon ng issue sa airport na ‘yan sa salyahan ng mga pasahero.

Ang ating obserbasyon, hindi kaya mayroong ilang personalidad na gustong manggiba sa mga nakapuwesto ngayon diyan para muli nilang maibalik ang control sa IIA?

O mas may malalim na operation sa airport na ‘yan at ang mga na-assign diyan ay may mga kuwestyonableng background?

At bakit tila maraming naghahangad na mapuwesto riyan sa IIA??

Ano bang meron sa airport na ‘yan, parekoy?

Hindi kaya gusto rin nilang magka-pitsa agad?

Your guess is as good as mine…

Iloilo Immigration