‘Tulisang’ pulis sa EPD Anti-Drug Unit

EPDKUNG masigla ang mga anti-drug operations ngayon sa buong bansa ng Philippine National Police (PNP), ibang-iba umano riyan sa bahaging Eastern ng Metro Manila.

Isang tulisan ‘este’ pulis sa anti-drug unit ang madalas pinipitsa lang ang kanyang mga huli.

Sana’y mapansin at paimbestigahan ni PNP-NCRPO chief, Gen. Joel Pagdilao ang talamak na operasyon ng ilegal na droga pero walang maiulat na huli ang pulisya.

Kung meron man ay maliliit na huli lang ang nakakasuhan pero mas marami ang may ‘cash-unduan.’

Paano nga namang makapag-uulat ng huli, ‘e it’s all about money pala.

Masugid daw manghuli, si anti-drug unit police pero walang naipakukulong dahil laging may patong. Hindi palit-ulo kundi palit-pitsa tuwing may masasakote?!

Ipinagmamalaki pa nitong pulis na siya ay bata ng kanilang district director.

Gen. Pagdilao Sir, uulitin ko lang, pakisudsod nga po riyan sa Eastern part ng Metro Manila kung sino ‘yang pulis ninyo na ang lakas umanong mamitsa sa ilegal na droga.

Madali raw makilala ‘yan Gen. Pagdilao, kapag nagBESO-BESO na, ‘yun na ‘yun?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com