Wednesday , November 20 2024

Classic Layout

Problema nina Sec. Roxas at VP Binay

KAPWA may problema ngayon sa kanilang pagtakbong presidente sa 2016 sina DILG Secretary Mar Roxas at Vice President Jojo Binay. Problema ni Roxas ang kanyang imahe kung paano idikit sa masa. Kasi nga mula siya sa angkan ng mayayaman. Iniisip ng mga maralita na wala siyang damdamin sa mahihirap, hindi alam ang nararamdaman at pangangailangan ng mga taong isang kahig-isang …

Read More »

Mikey Arroyo nakalusot kay Mison (Kahit walang ADO)

SA GITNA ng mga reklamong korupsiyon sa Tanggapan ng Ombudsman, nagpahayag ng pagdududa ang ilan sa mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa katapatan ni Immigration commissioner Siegfred Mison kaugnay na ng sinasabing VIP treatment na ibinigay sa anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).  Sa isang panayam, sinabi ng …

Read More »

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (3)

ANG hindi pantay na ugnayang ito rin ang dahilan kung bakit nilululon natin ang mga anti-mamamayang panukala ng International Monetary Fund at World Bank. Ang mga institusyong ito ang naglulubog sa atin sa utang at nagpapalaganap sa privatization ng mga pampublikong institusyon. Malinaw na ngayon na ang privatization ang nag-aalis sa responsibilidad ng pamahalaan na kalingain ang mga mamamayan na …

Read More »

LGU dapat magpasa ng cultural properties– NCCA

IPINAALALA ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga lokal na pamahalaan ang atas na ilista ang lahat ng cultural properties sa kanilang nasasakupan upang maiwasang masira ito ng ano mang proyekto ng pribadong sektor. Ito’y kasunod ng pagpapatigil ng Korte Suprema sa kontrobersyal na Torre de Manila, tinaguriang ‘photo bomber’ ng bantayog ni Dr. Jose Rizal …

Read More »

PNoy ‘bukas’ sa pagbabalik ng peacetalk sa CPP-NPA (Matapos upakan)

BUKAS pa rin ang administrasyong Aquino na buhayin ang naunsyaming negosasyong pangkapayapaan sa komunistang grupo, ayon sa Palasyo. “Ang ating pamahalaan po ay nais isulong ‘yung prosesong pangkapayapaan at patuloy pang sinusuri ang iba pang posibilidad para sa pormal na pagpapanumbalik o resumption ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. …

Read More »

P274-M jackpot ng Grand Lotto solong tinamaan

NASOLO ng isang mananaya ang mahigit P274 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng bagong multi-milyonaryo ang winning combination na 35-01-08-27-30-06. Bago ito, tatlong buwan na walang nakapag-uwi ng jackpot sa Grand Lotto. Samantala, isa pang manlalaro ang tumama sa P36.2 milyon jackpot ng Megalotto 6/45 nitong Biyernes. …

Read More »

Paninindigan ng ALAM sa paggigipit kay Christine Herrera

NANINIWALA ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) na ang tangkang i-cite for contempt ang batikang journalist na si Christine Herrera ng The Standard ay tahasang paglabag sa malayang pamamahayag. Isang uri ng pananakot ang ginawa ni Rep. Elpidio Barzaga kay Herrera upang pilitin ihayag ang kanyang source o impormante na nagsabing tumanggap ng suhol ang ilan sa mga mambabatas ng Kamara …

Read More »

Higit 34-K residente apektado ng Mt. Bulusan

UMABOT na sa mahigit 34,000 residente ang naapektuhan ng ibinugang abo ng bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 6,884 pamilya o katumbas ng 34,280 residente ang naapektuhan sa limang bayan sa Sorsogon na kinabibilangan ng Barcelona, Bulusan, Irosin, Casiguran at Juban. Mula Hunyo 17, nasa walong paaralan na ang …

Read More »

Low pressure sa West PH Sea bagyo na

MAPAPABILIS na ang pagpasok ng tag-ulan nang maging tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa West Philippine Sea. Ngunit ayon sa Pagasa, nasa labas ito ng Philippine area of responsibility (PAR) kaya hindi bibigyan ng local name. Papalayo rin ito sa kalupaan ng ating bansa kaya hindi dapat na ikabahala. Gayonman, maaari nitong mahatak …

Read More »