Wednesday , April 17 2024

Derek, balik-Star Cinema sa paggawa ng pelikula

YEAR of the Dragon ipinanganak si Derek Ramsay at sabi niya, suwerte raw sa kanya ang 2016 hanggang 2019 na mukhang totoo dahil apat na pelikula ang gagawin niya ngayong taon at isang reality show sa TV5.

Kuwento ni Derek nang makatsikahan namin sa advance screening ng Love Is Blind kamakailan ay uunahin muna niya ang Quantum Films at makakasama niya si Maja Salvador.

“Rom-com ulit, just before the elections yata ito ipalalabas, it’s all about politician’s wife, tapos sa Viva Films naman si Anne Curtis ang makakasama ko and then sa Regal (ulit), si Ellen Adarna, and Star Cinema with Bea Alonzo naman kaya sobrang busy ako this year,” masayang sabi ni Derek.

At ng tinanong namin kung anong klaseng reality show ang gagawin niya sa TV5.

“You call it ‘Tough and Rough’, reality show siya, similar to ‘Amazing Race’ pero competition talaga siya in the sense na mga atleta talaga ang malalaban-laban dito and the only qualifiers sa buong mundo for the world championship and America this, obstacle course racing.

“Kung nakikita mo sa cable (channel) ‘yung parang ‘Spartan’, parang ganoon siya kaya pawang atleta ang contestants there will be a thousand athletes and it will be shoot all over the Philippines,” kuwento ng aktor.

Kompleto na raw ang lahat ng atletang contestant sa Tough and Rough at masaya raw ito dahil ipakikita ang living healthy lifestyle and camaraderie sportsmanship.

Sa Pebrero 13, Sabado na magsisimulang mag-shoot si Derek sa nasabing reality show.

“Yes, kaya lagare talaga ako, sabi nila 2016 hanggang 2019 is lucky year ko since I’m year of the Dragon, ha, ha, ha,” saad ng tinaguriang universal leading man.

Ang TV5 sports channel daw ang line-producer ng Tough and Rough, “so the guy who invented o nag-develop ng sport na ‘Iron Man’ is here.  Kaya excited talaga ako,” sabi pa.

Sa kabilang banda, tinanong namin si Derek kung tuloy-tuloy na ang pagbabalik niya sa Star Cinema simula noong Ex With Benefits nila ni Coleen Garcia. May offer ba ang ABS-CBN sa kanya na bumalik na rin?

“I have a contract with TV5, but sa movies, may alok na sila sa akin like this one with Bea (Alonzo), magpi-pitch pa sila sa akin this week, kaya no idea pa,” paliwanag ng Love is Blind leading man.

Nabanggit din ni Derek na inalok din daw siya sa You’re Always Be My Maybe ni Arci Munoz pero dahil isinu-shoot daw ng aktor ang Love is Blind kaya hindi niya tinanggap.

Kumusta naman ang lovelife ni Derek at mukhang tahimik?

“Mas gusto ko talagang tahimik, less pressure, at non-showbiz tahimik ‘yun ang gusto ko talaga at mamaya na mag-ingay kapag happy ending na,” tumawang sagot ng aktor.

Hindi naman itinanggi ni Derek na may plano na rin sila ng non-showbiz girlfriend niyang magpakasal pero matagal pa.

“You know, I don’t get into relationship naman without thinking of that (kasal), eh, hindi ko naman gustong wala, pero right now, we have the time to think about that, she has her daughter, I have my son (Austin), she’s starting her career and a lot of responsibilities to my network so, we’re enjoying our time with each other, tignan natin,” katwiran ni Derek.

Bilang leading man naman ni Kiray sa Love Is Blind na talagang tawang-tawa rin si Derek sa mga eksena nila ay posible bang magkagusto siya sa tulad ng karakter ng aktres.

“I won’t lie to your looks, mas madadali kang ma-in love sa isang taong attracted ka at lalapitan mo ang taong ‘yun, so there is a bigger possibility na magkikita kayo kasi lalapitan mo ‘yung taong iyon.

“Pero kung i-introduce talaga ako sa isang tao na hindi talaga ako physically attracted with pero nakilala ko siya kung sino siya, may possibility na magkagusto ako.

“Actually, that happened to me before, I like somebody who I was not physically attracted, hindi siya ‘yung tipo ng babaeng magugustuhan ko physically, pero nagustuhan ko ‘yung other side, her personality, her hobbies, her interests, doon kami nag-click and I’m attracted to her in a different way, it’s not just physical,” sabi ni Derek.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *