Tuesday , December 10 2024

Fantaserye, teritoryo ko! — Richard

MARAMI ang humanga sa trailer ng Ang Panday na ipinakita sa bongga at engrandeng presscon nito noong Martes sa Plaza Ibarra sa Quezon City. Ito bale ang pagbabalik-TV ni Richard Gutierrez sa paggawa ng teleserye gayundin sa pagbabalik-primetime sa pamamagitan ng Viva Communications Inc., at TV5.

Kitang-kita sa trailer na ginastusan at ‘di tinipid ang Ang Panday na idinirehe ni Mac Alejandre. May mga nagsasabi ngang parang pelikula ang dating at totoo ang sinabi ni direk Carlo J. Caparas (creator ng Ang Panday) nang makapanayam namin ito na modernized version ang remake na ito.

Kaya hindi nakapagtataka kung hindi maitagao ni Richard ang excitement sa pagbabalik-TV niya. Aniya, sobrang happy siya at hindi makapaniwala na siya ang pinili ng Viva at TV5.

“Siyempre, may pressure when I got the phone call. Actually, medyo matagal nag-sink in sa akin, na ‘totoo ba ito? Gagawin ko ‘yung ‘Panday’?’ alam mo ‘yun? But noong na-realize ko na this is the right project, this is the right time and from the moment na nakausap ko si direk Carlo J. Caparas, si Boss Vic del Rosario, the moment they confirmed na ako na ang susunod na ‘Panday’, from that day on until now, I haven’t stopped working hard.

“I prepared for the show and I’m surrounded by very supportive people, brilliant minds, so I’m very confident sa show na ito.

“And it’s timing, perfect timing. Matagal nga akong nawala pero heto na ‘yun, I’m here and I’m here to stay,” pahayag ni Richard.

Hindi rin itinanggi ni Chard na naging mahirap para sa kanya ang preparations sa Ang Panday kompara sa mga dating fantaserye na ginawa niya

“Preparation-wise, mahirap din naman ‘yung mga preparation ko rati pero siyempre now, mahirap din talaga kasi we’re not getting any younger so it’s kind of harder, you know and siyempre, ‘yung time management ko ngayon, you know, mas pinag-iisipan ko na ‘yung oras ko ngayon, ‘yung priorities ko mas marami na, so it’s all about time management and sulit naman.”

Mas excited naman siya sa pagbabalik-pimetime kaysa kinakabahan. “I’m excited dahil maganda ang project na ginawa namin, nakita n’yo naman sa trailer, pang-pelikula ‘yung gawa ni direk Mac, so I’m very, very excited,” giit ni Richard.

Tatlong taon palang namahinga ang aktor sa pag-arte at sulit naman ang pagbabalik niya na napakalaking proyekto ang ibinigay sa kanya. Bukod pa na Malaki ang nagawa sa kanya ng almost three years niyang pagla-lie low sa showbiz.

“Nagkaroon ako ng maraming oras sa pamilya ko, sa sarili ko. Nakita ko ‘yung totoong mga tao sa paligid ko at nare-evaluate ko ‘yung buhay ko and I needed that. Nakapag-travel ako, maraming mga realization na nangyari sa akin at ngayon, I’m back and I’m ready”.

Natanong din si Richard kung ano ang masasabi niya na ang original choice sa Ang Panday ay si Derek Ramsay subalit tinanggihan ito ng actor kaya sa kanya napunta.

“Well, iba ang pagkakakuwento sa akin ni direk Carlo J. Caparas. Narinig natin today kay Carlo J. Caparas na ako ‘yung first choice. Pero nagpapasalamat ako kay Derek dahil sa mga interview niya, nababanggit niya ‘yung ‘Panday’ at extra publicity sa amin ‘yun.

“Pero alam naman natin na teritoryo ko ang fantaserye,” pahayag ni Chard.

Tatlo ang leading ladies ng aktor sa Ang Panday, ito ay sina Sam Pinto, Bangs Garcia, at Jasmine Curtis-Smith habang si Christopher de Leon naman ang gaganap na Lizardo na mortal na kaaway ni Flavio.

Magsisimula na sa Feb. 29 ang Ang Panday at mapapanood weeknights (Monday to Friday) at 9:00 p.m..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *