hataw tabloid
May 22, 2025 Front Page, Metro, News
HATAW News Team BUHAY ng isang 10-anyos batang lalaki ang naging kapalit nang magpatuli sa isang lying-in clinic sa Tondo, lungsod ng Maynila. Ayon sa ina ng bata, kinilalang si Marjorie San Agustin, nag-umpisang makaranas ng mga komplikasyon ang kaniyang anak matapos isagawa ang pagtuli sa kaniya noong Sabado, 17 Mayo. Dahil dito, agad nilang dinala ang bata sa malapit …
Read More »
Niño Aclan
May 21, 2025 Front Page, Gov't/Politics, Nation, News
TAHASANG inamin ni Senador-elect Ronald “Bato” dela Rosa na isang Duterte bloc senators ang namumuo sa senado sa pagpasok ng 20th Congress. Target umano ng nasabing grupo na makabuo ng siyam na miyembro ng mga senador para tiyak na maibasura ang inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon ay kompirmado na …
Read More »
Vick Aquino
May 21, 2025 Gov't/Politics, Metro, News
SINIMULAN na sa Valenzuela City ang pamamahagi ng Val-ID na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mga Senior Citizens at Persons with Disability (PWD) makaraan ang pagsusulong ng bagong official design ng Valenzuela ID card. Gamit ang makabagong digital system para sa VAL-ID o Valenzuela City ID Validation Portal, taglay nito ang verified records ng mga registered PWDs at …
Read More »
hataw tabloid
May 21, 2025 Front Page, Gov't/Politics, Nation, News
SINUNOG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang aabot sa ₱5,321,563,665.95 halaga ng mapanganib na droga sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite nitong Martes ng umaga. Ang pagwasak ay sinaksihan ni Secretary Oscar F. Valenzuela, Chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB), Guest of Honor at Speaker sanasabing aktibidad. Kasama niya ang mga pangunahing opisyal …
Read More »
Almar Danguilan
May 21, 2025 Metro, News
ARESTADO na ang pasahero na nanaksak ng 10-beses sa rider ng motor taxi na Move It noong nakaraang buwan, ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes. Magugunitang nag-viral sa social media ang krimen matapos mahagip ng CCTV camera ang walang habas na pananaksak ng pasaherong suspek sa rider …
Read More »
Almar Danguilan
May 21, 2025 Front Page, Gov't/Politics, Nation, News
BINAWI ng Land Transportation Office (LTO) ang mga lisensiya ng 10 driver ng Victory Liner, 6 konduktor habang dalawa sa Solid North matapos magpositibo sa random at surprise drug test. Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang desisyon ay batay sa Republic Act 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013) at Republic Act 4136, …
Read More »
hataw tabloid
May 21, 2025 Front Page, Metro, News
NATAGPUANG sunog na sunog ang magpinsang paslit na unang iniulat na nawawala sa naganap na sunog sa Sta. Mesa kamakalawa ng hapon, 19 Mayo. Iniulat na ang magpinsang paslit ay nakulong sa nasusunog nilang tahanan nang maganap ang sunog. Hindi pa pinangalanan ang mga biktima na ayon sa mga awtoridad ay hindi na makilala dahil sa matinding pagkasunog ng kanilang …
Read More »
Henry Vargas
May 21, 2025 Front Page, Other Sports, Sports
ANG FOOTBALL field ng Rizal Memorial Sports Complex ay opisyal nang kinilalang FIFA Quality Pro ng International Federation of Association Football (FIFA) — ang pinakamataas na kalidad sa ilalim ng FIFA Quality Programme para sa mga artificial turf na ginagamit sa mga propesyonal at pandaigdigang torneo. Ang anunsyo ay sabayang ginawa ng Philippine Sports Commission (PSC) at E-Sports International sa …
Read More »
Micka Bautista
May 21, 2025 Front Page, Local, Metro, News
BINAWI na ng padre de familia ng mag-iinang nasawi sa sunog sa Sta. Maria, Bulacan, ang kasong Parricide laban sa ina ng kanyang mga anak makaraang bawian ng buhay sa isang ospital sa Quezon City nitong 17 Mayo. Sinabi ng mga awtoridad nag-execute ng “Affidavit of Desistance” ang padre de familia, kinilalang si Kim Aspero, isang pulis na sinabing …
Read More »
hataw tabloid
May 21, 2025 Elections, Front Page, Gov't/Politics, Local, News
HATAW News Team SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Opisyal nang kinilala ang FPJ Panday Bayanihan Partylist bilang nangungunang partylist sa lungsod ng San Carlos, ang bayan ng yumaong Fernando Poe Jr., matapos makakuha ng 17,145 boto. Ipinapakita nito ang matibay na suporta at tiwala ng komunidad sa adbokasiya at pamumuno ng partido. Nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat si Brian Poe, …
Read More »