Tuesday , November 19 2024

Classic Layout

Andrea del Rosario Daughter Bea

Unica hija ni Andrea del Rosario na si Bea, humihingi ng kapatid

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAHUNTAHAN namin recently ang former Viva Hot Babe member na si Andrea del Rosario. Dito’y nalaman namin na dumaan pala siya sa IVF (In Vitro Fertilization) procedure, na iha-harvest ang kanyang egg cells para posible siyang muling magkaroon ng baby. Pinaghandaan niya ang IVF procedure na ito, kaya hindi muna siya tumanggap ng assignments sa …

Read More »

THE WHO: Unli king sa Kongreso, milyones, utang sa gobyerno

SASABOG ang mabahong, mabahong pagnanakaw ng opisyal ng isang mambabatas na singkit. Noong nakaupo pa sa isang ahensiya na may inisyal na tatlong letra, at mataas ang kanyang posisyon, milyon-milyon ang nakulimbat ng hilaw na beho, na sinabing sobrang sama ng ugali. Inakala ng masamang ugaling opisyal na ligtas na siya dahil nakakapit siya sa isang unanong singkit na sobrang …

Read More »
Digong Duterte Baste Duterte

Baste Duterte CoVid-19 positive (Digong walang close contact)

WALANG close contact si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na nagpositibo sa CoVid-19. Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon matapos kompirmahin ni Davao City Mayor Sara Duterte na CoVid-19 positive ang kanyang kapatid. Bilang isang ama ay nababahala aniya si Pangulong Duterte sa kalagayan ng kanyang anak. “Wala …

Read More »

PH local transmission ng Delta CoVid-19 variant, kinompirma ng DOH

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng mga kaso ng kinatatakutang Delta CoVid-19 variant sa Filipinas. Ayon sa DOH, ito’y matapos ang isinagawang “phylogenetic analysis” ng Philippine Genome Center at imbestigasyon ng Epidemiology Bureau. “Clusters of Delta variant cases were seen to be linked to other local cases, therefore, exhibiting local transmission,” sabi ng DOH sa isang …

Read More »
dead gun police

Radio commentator todas sa isang bala (Sa Cebu City)

HINDI na umabot nang buhay ang isang radio blocktime commentator nang barilin ng hindi kilalang suspek ilang sandali pagkatapos ng kanyang programa sa lungsod ng Cebu, mismong araw ng kapanganakan ng kanyang asawa, nitong Huwebes ng umaga, 22 Hulyo. Ayon sa pulisya, walang nakakita kung sino ang bumaril sa biktimang kinilalang si Reynante “Rey” Cortes, sa labas ng estasyon ng …

Read More »

Rider patay sa hit and run (Truck driver arestado)

SA MAAGAP na pagresponde ng pulisya gayondin sa tulong ng CCTV footage at testigo, naaresto ang isang truck driver na responsable sa pagkamatay ng isang motorcycle rider sa Cagayan Valley Road, Brgy. Anyatam, sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng umaga, 21 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng San Ildefonso …

Read More »
San Jose del Monte City SJDM

Most wanted person ng SJDM, Bulacan nasakote (Pinakamapanganib na criminal)

BUMAGSAK sa kamay ng batas ang isang lalaking itinuturing na pinakamapanganib na kriminal sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nang dakpin ng mga awtoridad sa kanyang pinaglulunggaan. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Jerome Quiling, 41 anyos, residente sa Blk. 11 Lot 14 …

Read More »

Central Luzon police naghandog ng dugo (Sa 26th PNP Community Relations Month)

BILANG aktibong katuwang ng iba’t ibang blood donation institution at blood bank na boluntaryong nagdo-donate ng dugo, nagsagawa ng bloodletting activity ang PRO3 PNP sa pagdiriwang ng 26th PNP Community Relations Month nitong Martes, 20 Hulyo, sa Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Deputy Regional Director for Administration, P/BGen. Narciso Domingo, kasama …

Read More »

P2.4-M ‘damo’ nasabat sa Benguet (2 HVI, 1 menor de edad, timbog)

NALAMBAT ang dalawang itinuturing na high value individual (HVI) sa drugs watchlist, kasama ang isang menor de edad na lalaki, nang makompiskahan ng tinatayang P2.4 milyong halaga ng hinihinalang marijuana makaraang pagbentahan ang hindi nakilalang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-3) sa isang drug deal sa Brgy. Poblacion, bayan ng Tuba, lalawigan ng Benguet, nitong Miyerkoles ng hapon, 21 …

Read More »