Wednesday , August 17 2022
Quinn Carrillo JC Santos

Quinn naglulundag sa saya kay JC

I-FLEX
ni Jun Nardo

UNANG subok ng baguhang si Quinn Carrillo ang magsulat ng kuwento sa pelikula. Base sa ilang karanasan at nakilala niyang tao ang mga character sa movie na Tahan.

Eh nang mapanood ni Quinn ang movie sa special screening nito, nagpasalamat siya sa director na si Bobby Bonifacio sa magandang interpretasyon niya sa kanyang kuwento.

Ayon kay Quin, sina Jaclyn Jose at Chloe Barretto ang nasa isip niyang lumabas na mag-ina. Hiniling niya sa inang si Len Carillo na gusto niyang makasama  si JC Santos sa movie.

Siyempre, hindi pinaasa ni Len si Quinn na makukuha nila si JC pero tinugunan ni JC ang movie kaya naglulundag sa tuwa si Quinn!

“I am flattered, happy and contented sa kinalabasan ng kuwento ko sa movie!” sey ni Quinn.

Naku, sa mahihilig sa sex at violence, hindi kayo mabibigo sa Tahan dahil si Chloe, todo-bigay sa lambungan, huh!  Mahigit  tatlo ang sex scenes ni Chloe sa Tahan.

About Jun Nardo

Check Also

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Marian Rivera Kathryn Bernardo

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan …

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca …

blind item, woman staring naked man

Beteranang female star nakapag-take home ng bagets

ni Ed de Leon KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years …

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Sa paglipat ng estasyon
MATTEO ISA LAMANG SA NAPAKARAMING HOST 

HATAWANni Ed de Leon Alam ninyo, ang paniwala namin, hindi lamang mahusay na car racer …