Monday , November 18 2024

Classic Layout

Willie sa fake news: “di ko papatulan, kahit sabihin n’yong walanghiya ako

SA pamamagitan ng kanyang show na Wowowin: Tutok Para Manalo, na napapanood sa Youtube at Facebok, nagsalita na si Willie Revillame tungko sa isyu sa kanya na pinagsisisihan na raw niya ngayon ang paglayas sa GMA 7 para pamunuan ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), na pagmamay-ari ni Sen. Manny Villar. Balitang si Willie raw ang magpapatakbo nito kapag …

Read More »

Melai at mga anak hinaharas, pinagbabantaan ng mga anti-Leni

ISANG netizen ang galit na galit kay Melai Cantiveros na halatang tagasuporta ni Presidentiable Bongbong Marcos. Sa isang campaign rally kasi ng tumatakbo ring presidente na si Vice President Leni Robredo, na naging isa sa host si Melai, ay nagsalita ito ng against kay Bongbong. Kaya siguro ‘yun ang dahilan kung bakit galit na galit nga sa kanya itong isang …

Read More »

Nikki sa mga bumabatikos sa kanya bilang Kakamping — Lahat tayo gusto ng magandang kinabukasan sa mas magandang Pilipinas

NAKABIBILIB ang paninindigang political ni Nikki Valdez. At maayos niyang naipaliwanag kung bakit si Vice President Leni Robredo ang sinusuportahan niya sa pampanguluhan sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022. At kahit pinuputakte siya ng mga basher na nagnenega sa kanyang post sa Instagram ukol sa paninindigan niyang political, sinagot niya ang mga ito ng maayos. Nag-umpisa ang pampba-bash sa …

Read More »

Barbie proud na marunong nang magmaneho

IBINAHAGI ni Barbie Forteza ang isang personal achievement niya, ang pagmamaneho. Marunong na kasing magmaneho ang 24-year-old Kapuso Primetime Princess matapos mag-enroll sa isang kilalang driving school. “I feel more independent and nararamdaman ko na talagang tumatanda na ako. Hindi na kailangan palaging nandiyan ang daddy ko para ipag-drive ako. Siyempre may times na dapat ako na lang mag-isa, kaya …

Read More »

Iya nakapag-bungee jumping habang buntis

INIHAYAG ni Iya Villania na nag-bungee jumping siya sa unang pagkakataon nang hindi niya alam na ipinagbubuntis na pala niya ang anak na si Leon. Ibinahagi ito ni Iya sa show nila ni Camille Prats na Mars Pa More, nang sabihin ng kanilang guest na si Bianca Umali na hindi pa siya nakakapag-bungee jumping. Sa segment na On The Spot, …

Read More »

Mike Enriquez gagawa ng paraan para makatulong sa mga nagda-dialysis

SA naging karanasan ni GMA News pillar Mike Enriquez sa sakit sa bato o kidney, nakita niya ang hirap ng mga tao na may katulad ng karamdaman niya lalo na ang mga kapos sa pinansiyal. Kaya naman inihayag ng batikang broadcaster ang hangarin niyang tumulong sa iba ngayong nalampasan na niya ang pagsubok makaraang sumailalim sa kidney transplant. “‘Pag pinagdaanan …

Read More »

Sean nawindang sa Eskanadalo

INAMIN ni Sean de Guzman na nawindang siya sa unang araw pa lamang ng shooting ng pelikulang Iskandalong Viva Films na idinirehe ni Roman Perez, Jr.. “Day one ng ‘Iskandalo,’ kagigising ko pa lang, kinakatok na ako ng isang production staff. First scene ako na kukunan then intimate scenes pa. Sabi ko, ang ganda ng almusal ko, tapos ‘yung isang …

Read More »

Ogie kay Oro: ipapuputol ko ang notes ko! ‘Wag eksaherada

“IPAPUPUTOL ko ang notes ko.” Ito ang hamon ni Ogie Diaz nang mag-trending ang sinabi ni Elizabeth Oropesa na ipapuputol niya ang kanyang dalawang paa kapag napatunayang hindi totoo ang kanyang sinasabi. Sinabi ni Oro na “hindi bayaran” ang mga artistang sumusuporta sa presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. gayundin sa running mate nitong si Sara Duterte kaya …

Read More »

ENKUWENTRO NG MGA PULIS VS TAUHAN NG VICE MAYOR, ISA PATAY (Sa Pilar, Abra)

KINOMPIRMA ni Pilar, Abra Mayor Mark Somera na binawian ng buhay ang isang tagasuporta ni Vice Mayor Josefina Disono matapos maipit sa enkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ng mga tauhan ng bise alkalde nitong Martes ng umaga, 29 Marso. Ayon kay Somera, papasok umano sa munisipyo ang convoy ni Disono galing sa isang aktibidad nang paulanan ng bala …

Read More »

Granada pinaglaruan sa inuman construction worker arestado

NASAKOTE ng pulisya ang isang lalaking sinabing nagpatong ng isang hand grenade sa ibabaw ng kanilang mesa habang nag-iinuman kasama ang tatlong iba pa sa Brgy. Eden, bayan ng San Manuel, lalawigan ng Isabela, nitong Lunes ng gabi, 28 Marso. Kinilala ng San Manuel MPS ang suspek na si Romel Velasco, 37 anyos, construction worker, na ayon sa mga nakasaksi …

Read More »