Friday , November 15 2024

Blog Layout

Male bold star, iniwan na ng gay benefactor politician

BAKIT kaya iniwan na nang tuluyan ng gay benefactor niyang politician ang isang dating male bold star? Ngayon kahit na pa-extra extra na lang sa mga TV show at per day lang ang bayad, tinatanggap na niya. Totally iniwan na pala siya ng kanyang gay benefactor na politician na kilala sa pagkakaroon ng tooth decay. Hindi rin namin alam kung …

Read More »

May karapatang mairita!

MABAIT naman pero mukhang marami ang nang-o-olay rito kay Ms. KC Concepcion. May katwiran namang mairita ang dalaga ni Mega dahil nag-pose lang siya sa kanyang Instagram account na medyo sexy, binanatan na kaagad siyang nag-iilusyong maging Dyesebel. Hahahahahahaha! May picture lang siyang naka-Darna outfit, nilait na namang feeling Darna na raw siya. Lately, tanungin ba naman ang wala ring …

Read More »

Sibakan sa DepEd banta sa Pasko (Libo-libong empleyado apektado)

HINDI magiging masaya ang Pasko para sa libo-libong empleyado ng Department of Education (DepEd) na mawawalan ng trabaho bago matapos ang taon, pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list. Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio, ang malawakang sibakan sa trabaho ay bunsod ng pag-iisyu ng panuntunan na nagpapatupad sa rationalization plan ng DepEd nitong Disyembre 3. Sa rationalization plan, …

Read More »

P2 Trilyon pagkalugi isinisi sa trapiko

TUMATAGINTING na P2 trilyon ang nalugi sa Filipinas mula 1999 hanggang kasalukuyan dala na rin ng lumalalang lagay ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa ayon sa Red Advocates, bagong tatag na multisectoral group na tumututok sa pagkakaroon ng tamang disiplina ng mga motorista sa lansangan. Ani Brian Galagnara, presidente ng grupo, sa pag-aaral ng …

Read More »

Presyo ng gas sisirit ulit

Nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng gasolina ngayong linggo. Inaasahang, tataas ng P0.30 hanggang P0.50 ang kada litro ng gasolina sa pangunguna ng ‘Big 3.’ Pero may aasahan namang bawas-presyo sa diesel na posibleng pumalo ng P0.50 hanggang P0.70. May rollback din sa kerosene na P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

Read More »

‘Roar’ ni Perry isinayaw ni Tayag kontra paputok

Muling idinaan ng Department of Health (DoH) sa pagsayaw ang pagpapalaganap ng kampanya kontra sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Kung tumatak sa publiko ang dance craze ng ahensya sa saliw ng “Moves like Jagger” noong 2011, at “Gangnam Style” nitong 2012, ang kantang “Roar” ni Katy Perry naman ang gamit ng ahensya ngayong 2013. “Imbes mag-roar …

Read More »

Kelot grabe sa tarak ng bespren (Ginigirian ng BFF kinursunada)

NATAPOS sa pananaksak ang pagkakaibigan ng kapwa  17-anyos  mag-bestfriend  nang mauwi sa kulitan  ang  masayang inuman, sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Kritikal ang kalagayan sa Caloocan Medical Center (CMC) ang biktimang kinilalang si Reynaldo Olaybar, 17-anyos, ng Narra Alley, Brgy. 136, Bagong Barrio, ng  lungsod, sanhi ng malalim na tama ng saksak sa likod. Wanted sa pulisya ang …

Read More »

Seguridad sa Simbang Gabi tiniyak

BUKOD sa checkpoints, magpapakalat din ng “undercover” operatives ang Philippine National Police (PNP) para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko, sa pagsisimula ngayon ng tradisyonal na “Simbang Gabi.” Sa lungsod ng Maynila, sinabi ni MPD head, C/Supt. Isagani Genabe Jr. na magtatayo sila ng checkpoints malapit sa mga simbahan para matiyak na hindi makakapanamantala ang mga masasamang loob. Kabilang …

Read More »

4 patay, 1 sugatan sa tambang

LAOAG CITY – Tatlo ang agad binawian ng buhay habang isa ang namatay habang ginagamot sa ospital makaraang tambangan sa Brgy. Sta Cruz-B, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang agad namatay na sina Benny Rosete, 31; Jerry Guzman; at William Acoba. Namatay naman sa ospital si Hayamel Rosete, 11, anak ni Benny Rosete. Nasugatan sa insidente …

Read More »

Ex-Pagadian mayor, asawa timbog sa NBI (Sa Aman Futures scam)

Naaresto na si dating Pagadian City Mayor Samuel Co at asawang si Priscilla Ann Co, na sangkot sa P12-B pyramiding scam ng Aman Futures Group sa Serendra, Taguig City. Ito ang kinompirma ni Justice Secretary Leila de Lima at ng National Bureau of Investigation (NBI), Linggo. Nagpanggap na prospective buyer ang ilang ahente ng NBI at natunton ang unit ng …

Read More »