Hahahahahahaha! How exceedingly nauseating! Dahil birds of a feather, fly together, sanggang dikit pala these days ang dalawang chabokang hara- ngerang matrona. Hahahahahaha!) Hayan at sila ang matronang in-charge (matronang in-charge raw talaga, o! Harharharharhar!) sa pag- invite lately sa presscon ng isang kontrobersyal at mabait naman sanang personalidad na ang sabi’y naging bitter sa kanyang naging kapalaran sa isang …
Read More »Blog Layout
2 Pinoy kulong sa Money Laundering sa Hong Kong
DALAWANG Filipino ang ikinulong sa Hong Kong sa kasong money laundering, ayon sa ulat ng Konsulado ng Filipinas. Sa isang babala sa website nitong Disyembre 17, pinaalalahanan ng Consulate General ang mga Filipino sa Hong Kong na huwag hahayaang magamit ng ibang tao ang kanilang bank accounts sa pagpapadala ng pera. “At present, two Filipinos are serving time in Hong …
Read More »Pinay, Miss International 2013
KASAMA ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago sina Miss Netherlands (kaliwa) at Miss New Zealand (kanan). (via REUTERS/Yuya Shino) Kinoronahan ang pambato ng Filipinas na si Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013 sa katatapos na pageant sa Tokyo, Japan, Martes ng gabi. Tinalo ng 21-anyos Pinay beauty ang 71 kandidata sa 53rd Miss International beauty pageant. Umangat si …
Read More »Parricide vs mister ni Ruby Rose pinagtibay ng CA
PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang kasong parricide laban sa asawa ni Ruby Rose Barrameda, at kasong murder laban sa kanyang tiyuhin. Batay sa 16 pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Pedro Corales, ibinasura ng CA Special 16th Division ang petition for certiorari na inihain ng asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III dahil sa kawalan …
Read More »Brownout sa 2015 mas matindi — Trillanes
INATASAN ni Senador Antonio Trillanes IV ang Energy Regulatory Commission (ERC) na masusing bantayan ang mga dagdag-singil na ipapataw ng Manila Electric Company (Meralco) sa susunod na mga buwan. Kasunod ito ng pagbubulgar ni Trillanes na posibleng magkaroon ng brownout sa taon 2015 dahil sa kakulangan ng mga bagong power plants na sasagot sa inaasahang mas maraming demand sa koryente. …
Read More »$12.9-B total damages sa Yolanda — PNoy (Rehab matatapos sa 2017)
INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III na $12.9 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Yolanda at maaaring madagdagan pa kapag natapos ang assessment. Aniya, inaasahang sa 2017 pa matatapos ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Sinabi ng Pangulong Aquino, simula sa susunod na taon, puspusan na ang pagtatayo ng mga estrukturang nasira sa kalamidad. Si Pangulong …
Read More »Tigil-putukan sa Pasko — NPA
MAGDEDEKLARA ng tigil-putukan ang komunistang rebelde ngayong Kapaskuhan upang magbigay-daan sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng pagkatatag ng Communist Party of the Philippines sa Disyembre 26. Sa pahayag sa kanilang website nitong Martes, sinabi ng CPP na: “The leadership… is set to declare a ceasefire in order to pave the way for the national celebrations of the [Party’s] 45th anniversary …
Read More »Magsisimbang gabi 2 estudyante na-hit and run
TUGUEGARAO CITY – Sugatan ang tatlong estudyante na dadalo sana sa Simbang Gabi kahapon ng madaling-araw matapos banggain ng isang sasakyan ang kanilang sinasakyang tricycle. Kinilala ang mga biktimang sina Jasmine Mae Justado, 16, residente ng Caritan Centro, Tuguegarao City; Kirsten Jasmine Tablac, 17, ng Claveria; at Kristine Joy Baloran, 17, ng Pamplona, Cagayan. Patungo sana ang tatlong estudyante sa …
Read More »2 patay, 5 sugatan sa bus vs motorsiklo
CAGAYAN DE ORO CITY – Nananatili sa kustodiya ng PNP ang driver ng bus ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) na bumangga sa isang motorsiklo sa Brgy. Tatay, El Salvador City, Misamis Oriental kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng dalawa katao at lima ang sugatan. Kinilala ang mga namatay sa insidente na sina Elizabeth Roa, guro ng El Salvador College, …
Read More »2 tanod itinumba, suspek utas din
PATAY ang dalawang barangay tanod makaraan pagbabarilin sa Calatrava, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Ayon sa testigong si Crisanto Suerto, Jr., barangay tanod, binaril ng lalaking nakasuot ng bonnet ang mga biktimang sina Ludovico Lusaria at Hilarion Quezon sa harap ng plaza ng Brgy. Lagaan dakong 9 p.m. Ang dalawang biktimang kapwa mula sa Brgy. Anie, ay agad binawian ng …
Read More »