Saturday , November 16 2024

Blog Layout

JP II, John XXIII idineklara nang Santo

NAKIKIISA ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanan sa kanonisasyon nina Pope John XXIII at Pope John Paul II, dalawang lider ng Simbahang Katolika na napamahal sa mga Filipino dahil sa kanilang kahanga-hangang pamumuno. “Si Santo Papa Juan XXIII ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng ekumenismo o ang pagkakaisa ng lahat ng pananampalataya. Siya rin ang nagpasimuno sa Second Vatican Council na …

Read More »

Lee, Raz arestado ‘di sumuko

TINANGKANG itago nina Cedric Lee at Simeon Raz, Jr., Ang nakaposas nilang mga kamay sa pamamagitan ng t-shirt nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Philippine Airlines flight PR 2982 dakong 7:35 am kahapon. (EDWIN ALCALA) PILIT na itinatago nina Cedric Lee at Simeon Raz Jr. ang nakaposas nilang mga kamay nang lumapag ang kanilang …

Read More »

Cash bond ni Pacman hiniling bawasan

TATALIMA si WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa utos ng Court of Tax Appeals (CTA). Sinabi ng abogado ni Pacman na si Atty. Tranquil Salvador, magbabayad ang kanyang kliyente ayon sa utos ng CTA na maglagak ng bond. Kapalit ng bond ay ang pagbawi sa freeze order ng Bureau of Internal Revenue sa mga ari-arian ng Filipino ring icon. Ayon …

Read More »

Transport holiday sa Mayo Uno -PISTON

MALAWAKANG transport holiday ang ilulunsad ng militanteng transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa darating na Mayo uno. Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON, ito ay protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at singil sa koryente. Giit niya, sobra-sobra na ang hirap na dinaranas ng transport sector lalo ang …

Read More »

3 Pinoy nurses sa Saudi positibo sa MERS-CoV

TATLONG Filipino nurses ang panibagong biktima ng Midde East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV). Ang tatlong Filipino ay kinabibilangan ng 28-anyos babaeng nurse na nagtatrabaho sa Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Ngunit hindi siya nakitaan ng ano mang sintomas ng virus. Ang dalawa pang Filipino na nagpositibo rin sa MERS-CoV ay kapwa nagtatrabaho sa Al-Noor Hospital sa Makkah. …

Read More »

Tips sa Solaire casino dealers, may ‘katkong na may bawas pang Tax!? (Paging: BIR & DOLE-NLRC)

KAKAIBA talaga ang Solaire Casino. Normal na sa mga establisyementong hotel casino na ang players ay nagbibigay ng tip sa mga dealer gaya nga d’yan sa Solaire Casino. Hindi gaya sa Resorts World Casino na ipinagbabawal ang  pagtanggap ng TIP sa casino dealers. S’yempre ‘yang TIPS na ‘yan ay centralized at paghahati-hatian ng mga dealer at bisor sa itinatakda nilang …

Read More »

Cedric Lee 1 pa, timbog sa Samar

ARESTADO  sa  National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee at ang co-accused na si Simeon Palma Raz, iniulat kahapon ng umaga. Kasama ng NBI na dumakip sa dalawa ay ang mga elemento ng lokal na  pulisya  sa isang barangay sa Oras Eastern Samar, dakong 11:15 a.m. kahapon. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang dalawang akusado …

Read More »

Sekyu nagbaril sa sentido sa harap ng ex-GF (Hindi matanggap na wala na sila)

Dahil sa sobrang selos nang malamang may iba nang nobyo ang dating nobya, nagbaril sa sentido ang isang sekyu sa Iloilo City. Kinilala ang nagpakamatay na si Raymond Grecia, 29, hiwalay sa asawa, ng Bgy. Jebioc, Pototan, Iloilo, nagbaril sa harap ng dating nobya na si Angeline Cerjero, isang lady guard, sa Ledesma St., sa nasabing lungsod. Nabatid na humingi …

Read More »

24 leaders, royalty humugos sa Vatican (Sa Canonization nina JP II, John XXIII)

Mahigit 90 delegasyon mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang dadalo sa magkasabay na kanonisasyon ng mga dating Santo Papa na sina John Paul II at John XXIII. Kasama sa 90 ito ang 24 heads of state at royalty na sasaksi sa paghirang sa dalawang dating lider ng Simbahang Katolika bilang mga santo. Walang anunsyo ang Malakanyang kung …

Read More »