Wednesday , November 6 2024

Blog Layout

Dog bites cases tumataas sa La Union

SAN FERNANDO CITY, La Union – Patuloy na inoobserbahan ng Municipal Health office at Provincial Veterinay Office ang mga nakagat ng aso sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bagulin sa lalawigan ng La Union. Ayon sa ulat mula sa Bagulin Municipal Health Office, umaabot na sa 13 katao ang naitalang na-kagat ng aso sa kanilang bayan. Habang dalawang residente …

Read More »

US-PH EDCA bubusisiin ng Senado

NAKATAKDANG magsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay ng kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nilagdaan ng Filipinas at ng Estados Unidos. Inihayag ito ni Senate defense committee chairman Sen. Antonio Trillanes IV kasunod ng panawagan ni Senate President Franklin Drilon na dapat magkaroon ng pagdinig ang kinauukulang lupon. Ngunit ayon kay Trillanes, magiging executive session ang pagdinig dahil …

Read More »

3 nagkanlong kina Lee, Raz sabit sa asunto

TATLO katao ang maaaring sampahan ng kasong criminal dahil sa pagkupkop sa negosyanteng si Cedric Lee at Simeon Zimmer  Raz, Jr.,  para makapagtago sa batas. Hindi muna pina-ngalanan ng National Bureau of Investigation ang nagkanlong kina Lee at Raz sa isang beach house sa Dolores, Eastern Samar. Ayon sa NBI, mahaharap sa kasong obstruction of justice ang mga sangkot na …

Read More »

Red Cross member lumutang sa ilog

ISANG bangkay ang natagpuang lumulutang sa Pasig River, na  pinaniniwalaang tauhan ng Philippine Red Cross, sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon. Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section,  kinilala sa pamamagitan ng nakitang ID ang biktimang si Joel Taño, nasa edad 40-45 anyos. Sa report, nakita sa bulsa ng biktima ang isang ID ng Red Cross, …

Read More »

Miriam ‘di na uupo sa Int’l court

INIHAYAG ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, malaki ang posibilidad na hindi siya uupo sa International Criminal Court. Ito ang naging sagot ng senadora nang tanungin tungkol sa kanyang appointment sa ICC sa media briefing sa UP-Cebu kamakalawa. Ayon kay Santiago, gusto lamang niya maging “polite” sa international tribunal kaya hindi siya nagbigay ng kompromiso. Iginiit ni Sen. Miriam, hadlang sa pag-upo …

Read More »

Utak ng criminal syndicate sa Antipolo, binalaan

Binalaan ng Lakap Ba-yan (Bantay ng Bayan Laban sa Katiwalian sa Pamahalaan) na binubuo ng mga aktibo at retiradong opisyal ng militar at pulisya ang kanilang mga kabaro na tumigil na sa ilegal na gawain tulad ng pagpatay kay Chief Inspector Elmer Santiago na lumikha ng “drug diagram” na nagsangkot sa 33 opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP). …

Read More »

12 sugatan sa bumaliktad na truck

ZAMBOANGA CITY – Su-gatan ang 12 katao maka-raan bumaliktad ang isang cargo truck sa highway ng Sitio Manganese, Brgy. Ca-nupong sa bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte. Sa report mula sa Police Regional Office (PRO-9), nangyari ang insidente dakong 6 a.m. kahapon nang nawalan ng preno ang na-sabing truck lulan ang humi-git kumulang sa 20 katao. Nabatid na nanggaling ang …

Read More »

Binay presidente na sa Pulse Asia survey

KUNG ngayon gagawin ang eleksyon at paniniwalaan ang Pulse Asia survey, si Jojo Binay na ang bagong pre-sidente ng Pilipinas. Ayon sa naturang latest survey, si Vice Pres. Binay ay nakakuha ng 40 percent, habang pumangalawa si Senadora Grace Poe na may 15% at pangatlo si Senadora Miriam Defensor Santiago na may 10%, sumunod si Sen. Francis “Heart” Escudero (9%) …

Read More »

‘Kanta’ ni Napoles sintonado?

SINTUNADO nga kaya ang mga “ikinanta” ng damuhong si Janet Napoles kay Justice Sec. Leila de Lima kaugnay ng mga scam na kanyang kinasangkutan? Ayon kay De Lima ay tumutugma ito sa pahayag ng whistleblowers at may ebidensyang magpapatunay sa kanyang testimonya, pero wala namang maipakita kaya naiinip na ang publiko. Maging ang pagpasok ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson …

Read More »