Wednesday , November 6 2024

Blog Layout

Brownout sa Metro solusyon sa power plants shutdown

NAGPATUPAD ng rotating brownout sa National Capital Region ang Meralco simula kahapon ng hapon. Ito ay kasunod ng emergency shutdown ng kanilang Pagbilao Power Plant sa Quezon province. Ayon sa Meralco, kabilang sa apektadong mga lugar ang bahagi ng Manila, Quezon City, Malabon, at Navotas. Kasama rin sa makararanas ng power blackout ang Marilao, Meycauayan, San Jose, Del Monte at …

Read More »

Kisolon DENR off’l todas sa heat stroke

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaniwalaang heat stroke ang naging dahilan ng pagkamatay ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 10 kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Dante Maape, nakatalaga sa Land Evaluation Department. Nagsasagawa ng land evaluation ang grupo ni Maape sa Brgy. Kisolon, Bukidnon nang siya ay mawalan ng malay na nagresulta sa kanyang …

Read More »

Nagnakaw ng panabong kinuyog ng 8, dedbol

PATAY sa bugbog ng walong ‘di kilalang suspek ang isang lalaki nang maaktohang ninanakaw ang panabong na manok, sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan nasa edad 45 hanggang 50, may taas na 5’2 hanggang 5’4, payat ang pangangatawan, kayumanggi, naka-asul na t-shirt at pantalong maong. Sa ulat na tinanggap ni …

Read More »

P.4-M benta ng bookstore tinangay ng holdaper

TINATAYANG nasa P463,000 cash na benta ng mga libro ang natangay ng dalawang holdaper nang holdapin ang bookstore ng Espiritu Santo Parochial School, Huwebes ng hapon Sa report kay Inspector Alexander Bou Rodrigo, hepe ng MPD Crimes Against Property  Investigation Section-Criminal Investigation and Detection Unit (CAPIS-CIDU), naganap  ang panloloob kamakalawa, dakong 3:00 p.m. sa kanto ng Tayuman at Rizal Avenue, …

Read More »

Greek national sugatan sa saksak

SUGATAN ang isang Greek national nang saksakin ng isa sa limang suspek habang pauwi sa tinutuluyang hotel sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Supt. Romeo Juan Macapaz, ng MPD Station 5, ang biktimang si Georgeous Manousaikis, 41, nanunuluyan sa Manila Executive Regency Tower sa J. Bocobo St., Ermita, habang tinutunton ng pulisya ang mga suspek. Sa salaysay ng …

Read More »

España isinara (Babala sa motorista)

Isinara ang dulong bahagi ng España Boulevard sa Maynila dakong 10:00 Biyernes ng gabi. Ayon kay Engr. Peter Bulusan, hepe ng Special Projects ng Manila Engineering District ng Department of Public Works and Highways (DPWH), isinara kagabi ang northbound lane sa kanto ng Lerma at Nicanor Reyes Streets kasabay ng inaasahang paghupa ng mga motorista patungong Quiapo. Binakbak na ang …

Read More »

Fashion designer nawawala

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation  (NBI) ang mga kaanak at kaibigan ng fashion designer na si Vekart Adrao, 49, na dalawang linggo nang nawawala. Ayon sa kapatid ng biktima na hindi nagpabanggit ng pangalan, natatakot sila na  baka dinukot si Adrao dahil may nakabanggang malaking tao ang nawawalang fashion designer. Nalaman din na nakatanggap dati ng death threat si …

Read More »

Konsehal, dyowa timbog sa baril, droga

SWAK sa kulungan ang isang municipal councilor gayundin ang kanyang asawa makaraan salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang bahay sa lalawigan ng Maguindanao. Kinilala ni PDEA Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Nasser Macarangcat Buat, 40, municipal councilor, at Tarhata, 40, kapwa residente ng Sitio Marantao, Bugasan Norte, Matanog, sa lalawigan. Sa bisa ng …

Read More »

China paper OK sa ‘forced war’ vs Vietnam, PH (Sa territorial dispute)

BEIJING, China – Suportado ng China paper ang “non-peaceful measures” sa pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. Sa editorial ng state-run newspaper na Global Times, bagama’t dapat anilang resolbahin ang territorial dispute sa mapayapang paraan, hindi ito nangangahulugan na hindi gagawa ng ibang hakbang ang Beijing. Ito ay sinasabing dahil sa patuloy na probokasyon ng Vietnam …

Read More »

Matrikula itinaas ng 1,299 schools (Aprub sa DepEd)

PINAHINTULUTAN ng Department of Education (DepEd) ang 1,299 private schools sa pagtataas ng kanilang matrikula sa lima hanggang 35 porsiyento para sa academic year 2014-2015. Tiniyak sa publiko ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali na ang desisyon na aprubahan ang tuition fee hike sa private elementary at high school sa bansa ay dumaan sa wastong konsultasyon. “‘Yung mga itataas ng …

Read More »