Wednesday , November 6 2024

Blog Layout

Imbestigasyon ipinatawag ni Belmonte (Alingasngas sa UCPB at coco levy)

DAHIL sa mga “posibleng paglabag sa mga alituntunin sa pagbabanko at mga batayan ng ethics” at upang magsagawa ng pagsasabatas ng mga panukalang “tutuldok sa mga katulad na gawi sa industriya ng pagbabanko at papasak sa mga butas ng umiiral na batas at kalakaran sa mabuting pamamahala,” ihahain ngayon ni House Deputy Assistant Majority Speaker Jose Christopher “Kit” Belmonte ang …

Read More »

P25-M shabu nasamsam sa 2 tsekwa

INIINSPEKSYON ni QCPD Director Richard Albano at DAID Senior Insp. Robert Razon ang nakompiskang limang kilo ng hinihihalang shabu at marked money sa isinagawang buy-bust operation sa Regalado Ave., Brgy. North Fairview, Quezon City. Arestado sa operasyon ang dalawang Chinese-Filipino na kinilalang sina Benedict Ong at Benson Lao. (ALEX MENDOZA) UMABOT sa P25 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa …

Read More »

3 bagman ‘kabit’ sa ofis ni PNoy, Ochoa (Sa P10-B pork barrel scam)

MARIING pinabulaanan ng Malacañang ang report na mayroong tatlong babaeng tumatayong “bagman” ng Palasyo sa isyu ng pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles. Batay sa report, lumutang ang pangalang Rochelle Ahoro na konektado kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, Odette Ong na nagtratrabaho sa Office of the President, at si Mary Antoinette Lucile Ortile na konektado sa tanggapan ng Executive Secretary. …

Read More »

Kapalaran ni Erap nasa kamay ng SC-Dirty Harry

IPINAUUBAYA na ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Korte Suprema ang kapalaran ni dating pangulo at ngayon Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. Sakay ng taxi, naka-dilaw na t-shirt, walang bodyguard nang dumating si Mayor Lim sa lingguhang “Tapatan sa Aristocrat Forum” sa Malate, Maynila, kamakalawa. Tumangging magpalawig si Lim nang tanungin hinggil sa disqualification case laban kay Estrada. “Bahala …

Read More »

Blacklist sa ospital ipatutupad ng PhilHealth (Bwelta sa PHAP)

BINIGYANG-DIIN ni PhilHealth President/CEO Alex Padilla na hindi kinakatawan ni Dr. Rustico Jimenez ang buong Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP). Sa harap ito nang banta ni Jimenez na maaaring hindi na kilalanin ng kanilang mga miyembro ang PhilHealth card ng mga pasyente kung hindi mababayaran ng PhilHealth ang pagkakautang sa mga pagamutan. Sinabi ni Padilla, katunayan ay itinanggi …

Read More »

Bangkay ng bebot hubo’t hubad sa ilog

ROXAS CITY – Patuloy ang imbestigayon ng pulisya sa pagpatay sa isang 18-anyos babae na natagpuang hubo’t hubad ang bangkay sa Brgy. Goce President Roxas, Capiz kamakalawa. Ang biktimang si Maricel Telesforo ay huling nakita sa sayawan noong gabi bago siya natagpuang walang buhay. Natagpuang nakahiga sa batuhing bahagi ng ilog, may sugat sa ulo sanhi ng pagpukpok ng bato …

Read More »

P1-M cash, alahas nasikwat sa Japayuki

Tinatayang mahigit P1 milyong halaga ng cash, alahas at iba pang gamit ang natangay ng magnanakaw sa bahay ng isang dating entertainer sa Japan sa Sampaloc, Maynila. Sa salaysay ng biktimang nagpatago sa pangalang “Candy,” nagsimba siya kasama ang ilang kaibigan pero pagbalik niya, nagulat siya nang makitang sira na ang lock ng pinto ng kanyang bahay. Bagamat bukas na …

Read More »

3-anyos nalunod sa septic tank

BUTUAN CITY – Patay ang isang 3-anyos batang lalaki nang mahulog at malunod sa septic tank sa Brgy. Obrero sa Butuan City kamakalawa. Ayon kay PO2 Angeles Dolesen ng Butuan City Police Station 1, dakong 6 p.m. pag-uwi ng amang si Jonahan Yongco, Sr., agad niyang hinanap ang bunsong anak na si JM Yongco. Ipina-blotter niya ang pagkawala ng anak …

Read More »

Palit-ulo, palit-ngalan sa mga dinampot na personnel ni 1602 Simbulan (Attn: MPD DD Gen. Rolando Asuncion)

AKALA natin nagtagumpay ang pagpapasalakay ni Manila Police District director, Chief Supt. Rolando Asuncion, sa isang butas ni Boy Abang sa kanto ng Sevilla at Concha streets, na sinabing bahay ng pamangkin na si PO3 Rolando Simbulan, nakatalaga sa NCRPO-RPHAU. Kung hindi tayo nagkakamali, inutusan ni DD Asuncion ang MPD – General Assignment Investigation Section (GAIS) para sa nasabing anti-gambling …

Read More »

PCSO chairmanship pinuputakte ng mga opisyal na “tambay” sa Palasyo?

KAHAPON mayroong kumalat na text blast. ‘Yung tipong ini-endoso ang isang RISA or BEM daw para sa Chairmanship ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kapalit ng nagbitiw na si Madam Margie Juico. Unang lumutang ang pangalan ni dating Cavite Governor Ireneo ‘Ayong’ Malicsi. Pero wala pa itong kompirmasyon. Mukhang naAKBAYAN ng mga ‘tambay’ sa Palasyo kaya naunsyami ang pag-upo ni …

Read More »