Saturday , November 2 2024

Blog Layout

Bagyong Jose papasok sa Lunes

MAAARING pumasok sa Lunes o Martes sa Philippine Area of responsibility ang namataang panibagong tropical storm sa Pacific Ocean. Ayon kay Pagasa forecaster Gener Quitliong, sa ngayon nasa Pacific Ocean pa ang namumuong sama ng panahon na may taglay lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour (kph) at pagbugso na 100 kph. Gayunman, wala pang forecast model …

Read More »

P500-B lump sum sa 2015 budget idetalye — oposisyon (Giit sa Palasyo)

HINIMOK ni House independent minority leader Ferdinand Martin Romualdez ang mga kapwa niya kongresista na huwag palusutin ang mahigit kalahating trilyong lump sum sa ilalim ng 2015 proposed budget ng Malacanang. Ayon kay Romualdez, dapat obligahin ng Kamara ang Palasyo na idetalye kung saan mapupunta ang P501.6 billion na special purpose fund kung talagang paninindigan ng administrasyon ang isinusulong nitong …

Read More »

DepEd may largest slice sa 2015 budget

ANG Department of Education (DepEd) ang tatanggap ng pinakamalaking bahagi, P364.9 bilyon, mula sa P2.606-trilyon proposed 2015 national budget, gagamitin sa pagkuha ng bagong mga guro, pagsaasayos at pagtatayo ng karagdagang mga silid-aralan, at pabili ng textbooks. Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad, sa pamamagitan ng budget ng DepEd, maaari nang tumanggap ng karagdagang 39,066 guro at makapagtatayo ng 31,728 …

Read More »

Physicist, UP prof na inakusahang NPA nakalaya na

BAGANGA, DAVAO ORIENTAL – Nakalaya na ang dating UP professor at physicist na si Kim Gargar kahapon makaraan maglagak ng piyansa ang kanyang mga kaibigan at pamilya. Si Gargar ay napiit nang mahigit 11 buwan sa Baganga Municipal Jail sa Davao Oriental bunsod ng kasong illegal possession of explosives, paglabag sa Comelec gun ban at dalawang kaso ng attempted murder …

Read More »

LEDAC Law balewala pa rin kay PNoy

BAGAMA’T pahirapan ang pagpasa ng mahahalagang panukalang batas, wala pa rin balak si Pangulong Benigno Aquino III na pulungin ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC). Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang lahat ng mga legislative agenda ng administrasyon ay direkta nang ipinararating sa Kongreso sa pamamagitan ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO). Ayon kay Coloma, kahit hindi idinadaan …

Read More »

Lapid aapela vs graft sa fertilizer fund scam

AAPELA si Sen. Lito Lapid kaugnay sa ruling ng Office of the Ombudsman na pinasasampahan siya ng kasong graft kaugnay ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na fertilizer fund scam. Batay sa resolusyon ng Ombudsman, sinasabing inilihis ni Lapid ang P5 milyon pondo para sa pangangampanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential election imbes ipambili ng mga pampataba para sa …

Read More »

Usyusero sapol sa rambol

KRITIKAL ang isang 55-anyos na lalaki nang tamaan ng bala ng baril habang nakikiusyoso sa rambol ng limang kalalakihan sa harap ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila. Ginagamot sa Mary Johnston Hospital (MJH), ang biktimang si Rolando Garcia, ng 624 Amarlanhagui St., Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa binti at katawan. Sa ulat ng Manila Police District – …

Read More »

Mag-dyowang tulak 2 pa timbog sa drug bust

ARESTADO ang apat na tulak, kabilang ang mag-dyowa, sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Navotas City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mag-dyowang suspek na sina Alma Talilong, alyas Madam, 47, ng Maria Clara St., 6th Avenue, Caloocan City at Edwin Bolo, alyas Monching, ng Pier 18, Maynila. Nakuha sa kanila ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P4,000 sa …

Read More »

Mag-anak nalason sa paksiw na isda

PATAY ang isang ina at nasa malubhang kondisyon ang limang kasapi ng pamilya nang malason sa inulam na isda sa pananghalian sa Sagay City, Negros Occidental. Matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsusuka ay namatay ang biktimang si Elsie Bayona, 67, ng Hacienda Albina, Purok Kalubihan, Brgy. 1, sa nasabing lungsod. Ang asawa ng namatay, na si …

Read More »

Ahente ng paputok binoga tigok

PAMPANGA – Tigok ang isang ahente ng paputok nang barilin ng kaalitan na nakatiyempo sa kanya sa Bocaue, Bulacan, kamakalawa. Dead-on-the-spot sanhi ng isang tama ng punglo ng kalibre .45 baril sa dibdib ang biktimang si Augusto Dawal, 52, tubong Bicol, ng Northville 5, barangay Batia, Bocaue, Si Dawal ay nakaupo sa harap ng kanyang bahay nang barilin ng suspek …

Read More »