Saturday , November 2 2024

Blog Layout

P3-M ecstacy nakompiska sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng tinatayang P3 milyong halaga ng ecstacy sa buy bust operation kamakalawa ng gabi ng PDEA-12 sa national highway ng Brgy. Lagao sa lungsod. Kinilala ang suspek na si Sonny Molle, ng Brgy. San Isidro, nakompiskahan ng maraming plastic bag ng mga tableta na kompirmadong mga ecstacy. Habang nakatakas ang …

Read More »

Pasahero ng PAL sa HK flight nag-panic sa turbulence

NAANTALA ng mahigit 30 minuto ang biyahe ng Philippine Airlines flight PR300 dahil sa matinding turbulence habang papalapag sa Hong Kong. Salaysay ng aktor na si KC Montero, isa sa mga pasahero, nagpaikot-ikot muna ang eroplano sa ere habang hindi makalapag. Nag-panic aniya ang maraming pasahero. “There was a lot of passengers screaming, running up and down the aisle, throwing …

Read More »

Counter Intel Unit ng PNP kumilos vs gambling lord cops

SINIMULAN nang imbestigahan ng counter intelligence ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na may mahigit 20 police officials ang nagsisilbing gambling lords. Ayon kay PNP PIO chief, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, sinimulan na nila ang validation sa naturang ulat sa gitna ng pagsusulong na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng PNP. Inihayag ni Sindac, ire-refer nila …

Read More »

Ex-PBB housemate binugbog ng GF

BACOLOD CITY – Dumulog sa Bacolod Police Station-3 ang dating PBB Season 2 housemate at ngayon local TV host sa lungsod ng Bacolod na si Nel Rapiz makaraan bugbugin ng kanyang girlfriend. Ang tubong Iloilo na si Ronel Arreza Rapiz, sa totoo niyang pangalan, ay nagpa-blotter ng kanyang reklamo laban sa girlfriend na si Paulette Jean Amador makaraan siyang ipahiya …

Read More »

Ipinanganak na sanggol ulo naputol (Ospital pananagutin)

CEBU CITY – Naputol ang ulo ng isang sanggol habang iniluluwal sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa lungsod ng Cebu. Ayon kay Renjie Toreon, ama ng sanggol, hindi agad ipinaalam ng mga doktor at staff ng nasabing ospital ang naturang insidente habang naghihintay siya sa waiting area. Aniya, pasado 4 a.m. niya inihatid ang kanyang asawa na si Antoniette …

Read More »

Gov’t employees walang umento sa 2015

WALANG umento na matatanggap ang mga kawani ng gobyerno sa susunod na taon. Paliwanag ni House Appropriations Committee Chairman Ernesto Ungab, hindi ito napaglaanan ng pondo sa ilalim ng 2015 national budget. Aniya, hindi natapos ang isinasagawang pag-aaral ng pamahalaan kung magkano ang dapat ipagkaloob na salary increase dahil sa serye ng kalamidad na tumama sa bansa noong nakaraang taon. …

Read More »

Pamunuan ng BSU kinasuhan sa Ombudsman (Sa Madlum river tragedy)

SINAMPAHAN ng mga kasong multiple counts ng reckless imprudence resulting in homicide and psychological trauma, multiple counts ng paglabag sa RA 7610 (Child Abuse), paglabag sa RA 3019 (Graft and Corruption),  multiple counts ng grave misconduct, at multiple counts ng grave neglect of duty sa Office of the Ombudsman ang pamunuan ng Bulacan State University (BSU). Ito ay kaugnay sa …

Read More »

Crime rate probe sa Senado inisnab nina Mar, Purisima

DESMAYADO si Sen. Grace Poe, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, dahil inisnab ni PNP chief, Gen. Alan Purisima ang ipinatawag na pagdinig hinggil sa lumalang kriminalidad sa bansa partikular na ang pagkakasangkot mismo ng mga miyembro ng pambansang pulisya. Napag-alaman, ipinadala lamang ni Purisima ang kanyang kinatawan, habang wala rin ang pangunahing resource person na …

Read More »

Billy Crawford nagpasok ng not guilty plea (Sa pagwawala sa presinto)

HINDI sapat ang mga ebidensiya laban kay Bill Crawford para ma-convict ang TV/host actor sa kinakaharap na dalawang kaso. Ito ang pahayag ni Atty. Lucas Carpio Jr., kasunod ng pagpasok ng ‘not guilty plea’ ng dating child star sa mga kasong civil disobedience at malicious mischief na isinampa ng Taguig City police. Nag-ugat ang nabanggit na mga kaso makaraan magwala …

Read More »

Gazmin may ‘power’ sa VFP — GCG at SC

NILINAW ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG) sa Veterans Federation of the Philippines (VFP) na kahit may kakaibang katangian ito bilang GOCC ay nananatiling nasa ilalim ito ng kontrol at superbisyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin. Sa liham ng GCG kina VFP Chairman, President at Chief Executive Officer Emmanuel De Ocampo at …

Read More »