Saturday , December 13 2025

Blog Layout

Davao Occ niyanig ng lindol

NIYANIG ng 4.0 magnitude na lindol kamakalawa ng gabi ang katimugang bahagi ng Mindanao gayonman ay walang naitalang pinsala. Ayon sa Phivolcs, lubhang malayo sa land area ang epicenter nito na natukoy sa 122 km timog kanluran ng Sarangani, Davao Occidental. Naitala ang lindol bago mag -8 p.m. May lalim itong 277 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Wala na ring …

Read More »

Barko sa MOA nasunog

NILAMON ng apoy ang isang barkong nakadaong sa likod ng Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay nitong Linggo. Halos natupok ang kabuuan ng barkong Doña Carmen sa sunog na sumiklab dakong 12:30 p.m. Nadamay rin sa sunog ang katabing barracks ng isang contruction area. Kuwento ni Vic Baldoza, construction worker na nakasaksi sa sunog, nagsimula ang apoy sa unahang …

Read More »

P608-M libro sinayang ng DepEd – Solon

BINIRA ng isang mam-babatas ang Department of Education (DepEd) dahil sa 16 milyong lib-rong hindi na magagamit ng public elementary students. Ayon kay Valenzuela City Rep. Win Gatchalian, nagkakahalaga nang mahigit P608 milyon ang textbooks na magsisilbi na lamang reference books dahil hindi na ito naaayon sa bagong curriculum ng K to 12 program. Base sa datos ng Commission on …

Read More »

Seminarista patay sa hit & run (Pari sugatan)

TACLOBAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang seminarista makaraan mag-overtake ang isang pampasaherong bus sa Tacloban City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Daryll James Iglesias, isang seminarista, habang ang suspek ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga mga awtoridad. Ayon kay Senior Supt. Domingo Say Cabillan, Tacloban City Police Director, kinilala ang suspek na si Leonard Egnalig at …

Read More »

Angkas na bebot utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang 38-anyos babae makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo habang angkas ang biktima ng isa pang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Road 10 malapit sa Lakandula St., Tondo, Maynila. Kinilala ang biktimang si Loida Rabida, ng 1209 Madrid Extension, Tondo, Maynila, tinamaan ng bala sa kaliwang sentido. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert …

Read More »

5 naospital sa sunog sa hotel sa Makati

LIMA ang naospital makaraan masunog ang bahagi ng Discovery Primea Hotel sa Brgy. Urdaneta, Makati City nitong Sabado ng gabi. Pawang na-suffocate nang makapal na usok mula sa nasusunog na basement ang maintenance workers na sina Roland Mangua, Marlon Agapito, Nathaniel Carlos, Archie Salmurin at ang security guard na si Ricardo Reyes. Sila ay isinugod sa Makati Medical Center. Ayon …

Read More »

200K bakanteng posisyon sa gov’t agencies

IBINULGAR ni House Deputy Minority Leader at LPGMA Party List Rep. Arnel Ty, libo-libo pang bakanteng posisyon sa gobyerno ang ‘di napupunan habang milyon-milyong mamamayan ang istambay lang. Ayon sa mambabatas, karamihan sa nasabing bakanteng posisyon ay para sa public elementary at high school teachers sa kabila na napakaraming mga lisensiyadong guro ang walang trabaho. Lumalabas pa sa datos, karamihan …

Read More »

Pahalagahan ang mga biyayang natatanggap — Coco to Julia

PINAPAALALAHANAN ng Primetime King na si Coco Martin ang kanyang love team partner sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure na si Julia Montes na dapat nitong pahalagahan ang lahat ng biyaya na natatanggap sa kanyang career. “Palagi kong sinasabi sa kanya na minsan lang dumarating sa buhay ng tao ang mga magagandang opportunity kaya dapat hindi namin sinasayang. May tamang panahon …

Read More »

Kuya Boy, iginiit na ayaw mapag-iwanan ang The Buzz kaya tinanggal na sa ere

NILINAW ni Boy Abunda ang tsikang kaya nag-babu na sa ere ang The Buzz ay dahil bumaba ang ratings at kailangang paghandaan ang bagong programa ni Willie Revillame sa GMA-7, bukod pa sa paghahanda na papasukin nito ang politika. Paliwanag ni Kuya Boy kamakailan, “he (Willie) was never thought about and ayoko namang sabihin na nagagamit siya or nagagamit kami. …

Read More »

‘Oplan Dukot Bagahe’ nakatimbog ng 6 luggage thieves sa NAIA

INILUNSAD na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ‘Oplan Dukot Bagahe’ para sa puspusang kampanya laban sa mga ‘luggage thieves’ sa Ninoy Aquino International Airport terminals. Marami ang nagpapasalamat dahil kahit paano ay nabawasan ang sindikato ng ‘baggage thieves’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa unang arangkada ng kampanya ay nasabat ng mga intelligence operatives ng Manila International …

Read More »