Monday , December 15 2025

Blog Layout

Protesta vs water cannon ng China ihahain

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghahain ng diplomatic protest laban sa China sa oras na makuha ang lahat ng mga impormasyon kaugnay ng pambu-bully ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea. Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, kaila-ngan nilang makuha muna ang mga impormasyon kaugnay ng napaulat na water cannon incident laban sa …

Read More »

Si Binay at si Amay

LAHAT na yata ng kamalasan ay kinuha ni Vice President Jejomar Binay.  Nagsimula ang kalbaryo ni Binay nang ideklara niyang tatakbo siya sa pagkapangulo sa darating na 2016 presidential elections. Patong-patong ang problemang kinaharap ni Binay.  Simula sa kontrobersiya ng Makati City Hall Parking Building II, sinundan ito ng Hacienda Binay, Makati Science High School Building, Boy Scouts of the …

Read More »

Patent right vs 2 pharma firms ibinasura ng korte

IBINASURA ng Makati Regional Trial Court ang kasong patent right na inihain ng isang multi-national company laban sa dalawang pharmaceutical firms matapos mapatunayang ito ay nag-forum shopping. Inorderan din ng korte ang Merck Canada na ibalik lahat ng ipinakompiskang dokumento at mga gamot sa Sahar noong Oktubre 11, 2014 sa loob ng 10 araw. Dinismis ng korte ang patent right …

Read More »

Recall election sa Bulacan  tuluyang ibinasura

TULUYAN nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang ikinakasang recall election para palitan si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado.  Sa 16-pahinang omnibus resolution, ipinaliwanag ng Comelec ang dalawang pangunahing punto kung bakit hindi matutuloy ang isinusulong na recall election.  Una, kapos ang 138,506 beripikadong pirma para patunayan ang kagustuhan ng mga Bulakenyo na palitan si Alvarado.  Batay sa Sec. 6 …

Read More »

Amang dumalaw sa anak tinarakan ng 3 istambay

KRITIKAL ang kalagayan ng isang padre de familia nang saksakin ng lasing na kanyang nakaalitan matapos dumalaw sa kanyang anak sa dating kinakasama sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Ferdinand Lopez, messenger ng Biz News Asia, residente ng  Bagak Street, Tondo, Maynila, sanhi ng da-lawang saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib. …

Read More »

Withdrawals sa Revilla at Corona assets lilinawin

MAGING ang Malacañang ay nagulat sa balita kaugnay sa sinasabing pagkaka-withdraw ng mga naka-freeze na assets sa banko nina Sen. Bong Revilla at dating Chief Justice Renato Corona. Si Revilla ay kasaluku-yang nakakulong dahil sa kasong plunder na nag-ugat sa pork barrel scam habang si Corona ay na-impeached kaya ‘frozen’ at hindi maa-aring galawin ang kanilang bank deposits. Dahil sa …

Read More »

Mahusay na water management kailangan

NAGSASAYANG ang Filipinas ng maraming tubig at kung nasa Israel ang 10 porsiyentong tubig na ating sinasayang, ito ay malaking tulong sa pagpapataas ng food production ng nasa-bing bansa. Ito ang inihayag ng Israeli members ng Philippines-Israel Business Association, na miyembro rin si inventor-agriculturist Gonzalo Catan Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc., at misis ni-yang si …

Read More »

2 nagpanggap na CPP-NPA arestado sa entrapment  

ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang nagpanggap na mga miyembro ng CPP-NPA at nangikil ng halagang P800,000 sa isang engineer, sa entrapment operation noong  Abril 21 sa Makati City Kinilala ni Atty. Joel Tovera, hepe ng NBI Anti-Illegal Drugs Unit, ang mga suspek na sina Francisco Calicoy, naaresto sa Makati Cinema Square sa Pasong …

Read More »

Chinese natagpuang patay sa pumping station sa Pasay

NATAGPUANG palutang-lutang sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang hindi nakilalang lalaking Chinese looking sa Pasay City kahapon ng umaga. Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa 55 hanggang 60-anyos, maiksi ang buhok, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng gray polo shirt at itim na pantalon at may lamang P520 ang kanyang pouch. Base sa imbestigasyon ni SPO3 Joel …

Read More »

Pan-Buhay: Pagkain ng Buhay

Sumagot si Hesus, “Pakatandaan ninyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng …

Read More »