Wednesday , December 17 2025

Blog Layout

Flores de Mayo sa Baliwag, kanselado na

KANSELADO na rin ang traditional na Flores de Mayo sa Baliwag, Bulakan na dinarayo dahil sa bonggang prusisyon ng mga artistang imbitado. Marami kasing mga artista ang kasali sa sagala at ngayong taon lamang hindi iyon matutupad. Hindi rin naman magandang ituloy iyon at hindi rin magandang tingnan na naka-maskara ang mga paparada dahil baka mapagkamalang santa cruzan ng mga …

Read More »

Barbara, ‘wala munang party sa birthday  

WALANG plano ang konsehalang aktres ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano na i-celebrate pa ang kaarawan niya bukas, May 29. Bawal nga naman kasi ang malaking pagtitipon. Hindi nga naman puwede o hindi maiiwasan ‘di masunod ang social distancing sa isang party. Kaya naman pagsisimba na lang ang gagawin ni Barbara na kahit sarado ay puwede naman niyang puntahan. Kay …

Read More »

Tommy at Eddie, ‘di pabor sa pagpapatigil sa mga senior

NAKAKALOKA naman iyong kautusang huwag nang pagtrabahuhin ang mga senior sa movie industry. Kaya hindi namin masisisi kung nag-react sina Eddie Gutierrez at Tommy Abuel dahil apektado sila sa kautusang ito. Hindi na nga naman sila makalalabas gayong kaya pa naman nila ang umarte. Malalakas pa ang kani-kanilang katawan. At sino nga naman ang magbibigay-suporta sa pamilya nila? Hindi makatarungan ang kautusang ito para …

Read More »

ABS-CBN, pilit na ibinabagsak

TEKA, bakit naman pinipilit ibagsak ang ABS-CBN? Kung ano-ano ang mga akusasyong ibinabato sa kanila na noon pa man ay nasagot na. Ang mga alegasyong naitanong na at nasagot na ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at ng mga opisyal ng ABS-CBN nang humarap sila sa senate hearing at sumumpang magsabi ng totoo noon pang Pebrero. Hindi ba’t nasabi na ng …

Read More »

Angel, ‘di kayang gapiin ng mga basher

KUNG may taong bukas palad lagi sa pagtulong, iyon si Angel Locsin. Isa siya sa laging nauuna sa pagtulong lalo’t may mga sakuna. Tulad ngayong may Covid-19 pandemic, agad siyang naghatid ng tulong sa mga frontliner.   Bukod sa mga facemask, faceshields, PPEs, pagkain, hospital bed, pagpapatayo ng hospital tent at iba pa ang inihahatid na tulong ni Angel kaya nakalulungkot …

Read More »

Alden, nagpa-abot ng tulong sa mga street dweller

HINDI nagsasawang magbigay ng tulong si Alden Richards sa kanyang mga kababayan na higit na apektado ng health crisis sa bansa. Ang tinulungan naman ng Kapuso actor ay ang mga street dweller na naninirahan ngayon sa Paco Catholic School at Don Bosco Makati.   Matapos niyang mapanood ang ulat ng 24 Oras tungkol sa Catholic Institutions, hindi nagdalawang isip si Alden na magpaabot ng tulong sa kanila …

Read More »

Willie’s Wowowin, napakataas ng ratings

MAS inspired at determinado ang Kapuso TV host na si Willie Revillame na mapaganda pa ang content ng kanyang programang Wowowin dahil sa taas ng ratings.   Aniya, “Napakataas ng ratings ng show natin!”   Ayon kay Willie, mas pagbubutihan pa nila ang paghahatid ng saya at pag-asa dahil sa mga tumatangkilik sa Kapuso variety game show.   Wika niya, “Dahil sa maraming nanonood sa ‘yo, dapat paligayahin …

Read More »

Michelle Dee, expert sa Mobile Legends

KAKAIBANG Michelle Dee ang matutunghayan sa bagong proyekto niya kasama ang GMA Artist Center na malapit nang ilunsad. Kung sanay ang fans na makita ang beauty queen/model side ni Michelle, tiyak na mapapa-wow din silang malaman na mahusay din siya sa world of gaming.   Inanunsiyo ni Michelle ang magandang balita sa kanyang Instagram, “Been thinking of different ways to entertain everyone during the ECQ and …

Read More »

Janine, may na-miss sa Switzerland

SA pagtatapos ng modified enhanced community quarantine, looking forward si Kapuso star Janine Gutierrez na makapag-travel muli at isa  sa mga bansang nais niyang puntahan ay ang Switzerland.   Gusto ni Janine na balikan iyon para mapuntahan ang mga lugar na pinagsyutingan ng kinababaliwan niyang South Korean drama series na Crash Landing On You.   “I wanna go back to Switzerland, kung saan nagkita si …

Read More »

Local newscasts ng GMA Regional TV, mapapanood na sa GMA News TV

MAS marami pang Kapuso viewers ang makakapanood ng mga local newscast ng GMA Regional TV dahil simula noong Lunes (May 18), may replay na ang mga ito gabi-gabi sa leading news channel na GMA News TV. Tinawag na GMA Regional Strip ang slot na bawat gabi, may isang local newscast ang eere tuwing 9:45 p.m.. Tuwing Lunes, ang leading North Central Luzon newscast na GMA Regional …

Read More »