Tommy at Eddie, ‘di pabor sa pagpapatigil sa mga senior

NAKAKALOKA naman iyong kautusang huwag nang pagtrabahuhin ang mga senior sa movie industry.

Kaya hindi namin masisisi kung nag-react sina Eddie Gutierrez at Tommy Abuel dahil apektado sila sa kautusang ito. Hindi na nga naman sila makalalabas gayong kaya pa naman nila ang umarte. Malalakas pa ang kani-kanilang katawan.

At sino nga naman ang magbibigay-suporta sa pamilya nila?

Hindi makatarungan ang kautusang ito para sa amin. Unfair at ‘di makatao.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales