Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Tyson ikinumpara kay Pacquiao

BALAK  bumalik sa ring ni Iron Mike Tyson at nagpakita ito ng bagsik sa ensayo na hinangaan ng makasaysayang trainer na si Teddy Atlas. “Mike Tyson was speed and power – the heavyweight Manny Pacquiao,” pahayag ni Atlas. Ang unang pagsalang sa  training ni Tyson ay napanood ni Atlas at nagustuhan niya ang istilo ng dating undisputed heavyweight champion at …

Read More »

Bilis, lakas napanatili ni Pacquiao

INILABAS   ni eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang bilis at lakas sa paunang ensayo  kahit mahigit 40 anyos na ito. Nag-post ng video si fighting senator sa kanyang twitter account ng ensayo nito, nakita doon ang walang humpay na training kahit na may COVID-19 pa sa bansa. Bilis ng kamay at lakas ng suntok ang nasilayan sa video kung saan …

Read More »

Antabay lang na maging MGCQ

BATID kong karamihan sa ating mga karerista ay nag-aantabay na sa muling pagbabalik ng ating paboritong libangan na kung saan ay may “tentative schedules” na sa susunod na buwan ng Hulyo para sa susunod na anim na weekend, ikanga may dalawang ikot na Sabado’t Linggo base sa liham na isinumite ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa tanggapan ng IATF (Inter-Agency …

Read More »

Mannequins kasama sa dinner

NADISKUBRE ng isang Michelin-starred na restawran sa Virginia state sa Estados Unidos ang nakagigiliw — o creepy, depende sa panlasa — na paraan para masunod ang ‘social distancing’ sa pagbubukas nito ngayong buwan ng Mayo: mga naka-costume na manekin na nakaupo kasama ang kanilang mga buhay na guest o parokyano. “When we needed to solve the problem of social distancing …

Read More »

Coronavirus dahilan ng long-term organ damage

ISINAMA na ang pinsala sa ilang internal organ sa mga potensiyal na masamang epekto ng COVID-19, ayon sa nga Chinese health expert. Naging dahilan ito para palawigin ang insurance coverage para sa mga pasyente habang patuloy ang pagkalat ng sakit. Sa mga guideline mula sa National Health Commission, kinakailangan ng ilang COVID-19 patients na naka-recover ang paglunas sa pinsala sa …

Read More »

‘Di awtorisadong pista sa gitna ng lockdown nakalusot sa Cebu

NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang nagbigay ng permiso sa ginanap na pista sa Sitio Alumnos, Barangay Basak San Nicolas, sa lungsod ng Cebu, noong Sabado, 27 Hunyo sa gitna ng umiiral na mahigpit na lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay P/BGen. Albert Ignatius Ferro, direktor ng Police Regional Office in …

Read More »

8 adik nag-pot session sa footbridge timbog (Sa Mandaluyong)

drugs pot session arrest

KALABOSO ang walong katao nang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang footbridge sa Shaw Boulevard, Barangay Highway Hills, sa lungsod ng Manda­luyong noong Huwebes ng gabi, 25 Hunyo. Kinilala ang mga suspek na sina Allan Garcia, 39 anyos; Rowell Santos, 33 anyos; John Carlo Ocampo, 34; Ryan Mendoza, 30 anyos; Lester Caalim, 28; Andrew Aday; Jose Panganiban, 21 …

Read More »

OFW, seaman positibo pag-uwi sa Ilocos region (Negatibo sa COVID-19 sa Maynila)

NADAGDAG sa tala ng COVID-19 patients ang dalawa kataong umuwi sa rehiyon ng Ilocos galing sa lungsod ng Maynila, nang magpositibo ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan, at isang seafarer mula sa bayan ng Bacnotan, lalawigan ng La Union. Nabatid, ang 32-anyos OFW na umuwi mula sa Riyadh, Saudi Arabia ay nanatili …

Read More »

7 close contacts ng LSIs sa Naga nagpositibo sa Covid-19

Covid-19 positive

POSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Linggo, 28 Hunyo, ang pitong residente ng lungsod ng Naga, lalawigan ng  Camarines Sur, na nag­karoon ng close contact sa locally stranded individuals (LSIs) mula sa bayan ng Naic, sa lalawigan ng Cavite. Dagdag ito sa dala­wang naunang close contact na nagpositibo sa SARS-CoV-2, virus na sanhi ng COVID-19, noong Sabado, 27 Hunyo. …

Read More »

Vice Ganda at Catriona piniglasan, paghuli sa mga gay at lesbians

UMAANGAL sina Catriona Gray at Vice Ganda sa ginawang pag-aresto sa isang grupo ng mga bakla at tomboy na nag-rally sa Mendiola at patuloy na ipino-protesta ang pagsasa-batas ng Anti Terrorism Bill. Ang sabi ng dalawa, lahat naman ng nag-rally na gays at lesbians ay naka-face mask. Nasunod din naman ang social distancing. Hindi mo naman masasabing mass gathering talaga iyon dahil 20 lang …

Read More »