Monday , December 8 2025

Blog Layout

Pamilya ng 438 Rizal PNP promotees pinasalamatan

Rizal Police PNP

PINASALAMATAN ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay ang mga dumalong pamilya ng mga na-promote na pulils bilang pagsuporta sa kani-kanilang mga asawa, anak, at kapatid. Kasabay nito, pinaalalahanan ng opisyal na ang pagtaas ng ranggo ay kaakibat ang responsabilidad sa bayan at sakripisyo sa serbisyo. Nauna rito pinangunahan ni Baccay ang Simultaneous Oath-Taking at Donning at Pinning of …

Read More »

Debris galing sa rocket ng China maaaring mahulog sa Cagayan

China rocket Long March 7A

INALERTO ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ng Municipal DRRM Council ng Santa Ana, Cagayan ang mga residente kaugnay sa mga debris mula sa rocket ng China na Long March 7A na maaaring mahulog sa dagat na sakop ng munisipalidad. Ayon kay Rueli Rapsing, PDRRMO officer-in-charge, ipinag-utos sa kanila ng National Disaster Risk Reduction and …

Read More »

Sa Aklan
‘DAMO’ DINALA SA ATI-ATIHAN 2 KELOT TIMBOG

marijuana

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nabistong may dalang marijuana sa gitna ng pagdiriwang ng 2023 Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo, lalawigan ng Aklan, nitong Linggo, 15 Enero. Kinilala ng Kalibo police ang mga suspek na sina Glenn Reyes, 48 anyos, at Niño Dela Cruz, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Andagao, sa naturang bayan. Nabuko …

Read More »

6 tulak, 1 MWP, 3 pa nalambat

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 10 indibidwal sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 14 Enero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ang anim na personalidad sa droga sa iba’t ibang buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Baliwag, …

Read More »

Pekeng yosi nasabat sa NE

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

NASAMSAM ng mga awtoridad ang kahon-kahong pekeng sigarilyo na handa na sanang ikalat sa iba’t ibang pamilihan ngunit nadakip ang isang indibidwal sa inilunsad na anti-criminality operations sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado ng umaga, 14 Enero. Sa ulat mula kay P/Col. Richard Caballero, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 10:15 am kamakalawa, nagsagawa …

Read More »

Sa unang bahagi ng taong 2025
ABOT-KAYANG PRESYO, SAPAT NA TUBIG PARA SA 350,000 KABAHAYAN SA BULACAN

tubig water

TINIYAK ng Luzon Clean Water Development Corp. (LCWDC), mabibigyan ng San Miguel Corporation ng malinis, sapat, at abot-kayang halaga ng tubig ang halos 350,000 kabahayan sa Bulacan sa unang bahagi ng taong 2025.                 Ito ay kapag natapos ang implementasyon ng Stage 3A Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP) na sakop ang mga distrito ng Baliwag, Norzagaray, Hagonoy, Pandi, San …

Read More »

Joed nilinaw, bentahan ng tiket ng concert ni Toni ‘di totoong mahina                           

Toni Gonzaga Joed Serrano

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILINAW ng isa sa mga producer ng 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga na si Joed Serrano na hindi totoong mahina ang bentahan ng tiketng I Am Toni na magaganap sa January 20 sa Smart Araneta Coliseum. Giit ni Joed, mahigit 50 percent na ang naibentang tickets sa I Am Toni concert ni Toni at may 15 percent pa ang hindi nabibili. Pinakiusapan …

Read More »

Lawmaking 101 kasama sina Senadora Imee at Borgy

Imee Marcos Borgy Manotoc

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAKAIBANG family bonding ang handog nina Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel ngayong Biyernes, Enero 13.  Para sa espesyal na vlog entry na ito, magpapahinga muna sina Imee at Borgy sa kanilang masaya at nakakatawang mga adventures sapagkat …

Read More »

JC Santos lalong naging guwaping, hiyang sa BeauteHaus ng Beautederm

JC Santos BeauteHaus Beautederm Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANSIN namin na mas naging guwaping si J CSantos sa successful na opening ng BeauteHaus ng Beautederm noong January 8, 2023. Bakit iba ang awra niya ngayon at lalong naging guwaping? Nakangiting sagot ni JC, “Inspired…and I think gusto ko itong 2023 na ito na bumalik iyong amor ko sa ginagawa ko ulit. And gusto kong ayusin …

Read More »

Ex PBB housemate Art Guma kinilala sa Gawad Dangal Filipino

Art Guma

MASAYANG-MASAYA ang ex PBB Otso Housemate na si Art Guma dahil isa ito sa binigyang parangal sa katatapos na Gawad Dangal Filipino Awards 2022 bilang Most Outstanding Young Actor at Host of the Year. Vert thankful si Art sa pamunuan ng Gawad Dangal Filipino sa recognition na ibinigay sa kanya, lalong-lalo na sa founder nitong si Direk Romm Burlat. Nagpapasalamat din si Art sa kanyang management, ang PAC Entertainment Production at PAC Artists …

Read More »