SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si Daniel Padilla na hindi niya inakalang tatanggapin ng netizens ang kanilang show na 2 Good 2 Be True ni Kathryn Bernardo na madalas pang number one sa Netflix at most watched series din sa IWantTFC. Ani Daniel, natakot siya noong una na baka hindi kagatin ng publiko ang kanilang comeback series. Hindi niya inakala na tatangkilikin pa rin sila ng manonood. …
Read More »Sa Calamba, Laguna
MOST WANTED SA CALABARZON ARESTADO
NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa CALABARZON sa ikinasang manhunt operation nitong Linggo ng hapon, 23 Oktubre, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO ang suspek na si Richard Lizano, residente sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Calamba CPS, nadakip ang …
Read More »Sa Batangas
HOSPITAL STAFF TINODAS SA FRAT ANNIVERSARY PARTY
PATAY ang isang 42-anyos empleyado ng isang pagamutan habang dumadalo sa anibersaryo ng kanyang fraternity sa lungsod ng Batangas nitong Linggo ng gabi, 23 Oktubre. Kinilala ng Batangas PPO ang biktimang si Delfin Gonday, Jr., residente sa Brgy. Kumintang, sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng pulisya, sinabing magkasama ang biktima at ang suspek na kinilalang si Felicimo Padilla nang …
Read More »Sa Maguindanao
KONSEHAL PATAY SA AMBUSH 
NAMATAY habang itinatakbo sa ospital ang konsehal ng Datu Montawal, sa lalawigan ng Maguindanao, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa national highway sakop ng Brgy. Pagagawan nitong Lunes ng tanghali. Ayon kay P/Lt. Nurjhasier Sali, acting police chief ng Datu Montawal MPS, kabababa ng biktimang si Konsehal Mubarak Moby Abubakar mula sa kanyang pulang Mitsubishi pick-up sa tabing …
Read More »Pampanga PPO OIC itinalaga
PINAMUNUAN ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang paglilipat ng tungkulin sa Pampanga PPO na ginanap sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, noong Sabado, 22 Oktubre. Itinalaga si P/Col. Levy Hope Basilio bilang bagong Officer-In-Charge ng Pampanga PPO kapalit ni P/Col. Alvin Ruby Consolacion na nagsilbi bilang acting provincial director sa loob ng pitong buwan. Si P/Col. …
Read More »6 drug suspects, 25 sugarol nakalawit sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na nadakip ang anim kataong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at 25 sugarol sa pinaigting na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 23 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inaresto sa bisa ng search warrant ng San Jose del Monte CPS sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte ang suspek …
Read More »Janine bet si Paulo, ‘di pa handa magpakasal
AYAW pa pakasal ni Janine Gutierrez kahit 34 na siya. Ito ang nilinaw ng aktres sa kanyang vlog na may titulong Ask Me Anything kamakailan. May nagtanong kay Janine na isang fan ukol sa pagpapakasal at sinagot naman iyon ng dalaga ni Lotlot de Leon. Pero bago sumagot si Janine sa mga katanungan ng fans, sinabi niyong matagal din siyang hindi nakapag-upload ng …
Read More »KathNiel big winner sa Jeepney TV Fan Favorite Awards
SINA Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pa rin ang ultimate fan favorites sa naganap na Jeepney TV Fan Favorite Awards noong Sabado (Oktubre 22) sa pagkapanalo nila bilang All-Time Favorite Love Team at pagsungkit sa Fave Lead Actress at Fave Lead Actor awards. Ang kanilang programa na La Luna Sangre naman ang nagwagi bilang Fave Fantaserye habang ang Got To Believe ang kinilalang Fave Teleserye para sa dekada 2012-2021. Bahagi rin sila ng nanalong Fave Youth-Oriented Show na Growing Up. Nakuha rin ni …
Read More »Sa paggawa ng movie at serye
ARJO NANINIWALANG KAYANG MAKIPAGSABAYAN NG MGA PINOY
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKI ang kompiyansa ni Arjo Atayde sa galing ng mga Pinoy kaya nasabi nito nang magtungo sa MIPCOM Cannes n kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa paggawa ng pelikula at teleserye. Dumalo ang aktor/kongresista sa MIPCom Cannes para sa international premiere ng kanyang movie series na Cattleya Killer na ipinrodyus ng ABS-CBN at ng kanilang Nathan Studios. Nakasama niya roon ang mga magulang na …
Read More »Liza sa pagtangkilik sa K Drama: Hindi minadali, may solid support
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAWALAN ng local content na magugustuhang panoorin ng mga Pinoy mula sa mga local producers. Ito ang ibinigay na dahilan ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño ukol sa mungkahing i-ban ang mga Korean series sa Pilipinas.sa suporta Nag-ugat ito sa naging pahayag kamakailan ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa tagumpay ng mga K-drama sa bansa …
Read More »Nash Mendoza at Sahara Cruz Darling of the Press sa Cosmo Manila King & Queen 2022
MA at PAni Rommel Placente BONGGA ang naganap na press presentation ng Cosmo Manila King & Queen 2022 na ginanap noong Linggo ng gabi. Ang producer kasi nito, ang international model, actor, producer, at philantrophist na si Marc Cubales ay namudmod ng pera. Ang early birds sa press na dumalo sa event ay tumanggap ng P1,000 each, na isa kami roon. At may pa-raffle …
Read More »Sunshine buntis at papakasal muli kay Cesar: fake news
MA at PAni Rommel Placente BUNTIS si Sunshine Cruz. Ito ang kumakalat na tsismis sa YouTube, buntis daw ngayon si Sunshine sa dati niyang mister na si Cesar Montano. Bale ito raw ang pang-apat na anak nila ng action star. At dahil nagdadalantao, magpapakasal daw muli ang dalawa. Kalat na ang nasabing videos sa YouTube at daan-daang libo na rin ang mga nakapanood nito. …
Read More »P .1-M shabu kompiskado
‘JOKING’ TIMBOG SA BUY-BUST OPS
NAKUHA ang mahigit sa P149,600 halaga ng shabu sa isang 32-anyos tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief ang suspek na si Jun-jun Setazate, alyas Joking, residente sa Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing siyudad. Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), SDEU team dakong …
Read More »Di-sinungaling, di-nasusuhulan
K9 IDARAGDAG SA BILIBID 
ILALAGAY sa entry at exit point ng New Bilibid Prison (NBP) ang karagdagang K9 Dog, ayon kay Officer-In- Charge, Bureau of Correction (OIC-BuCor) Director General Gregorio Catapang. Inihayag ito ni Catapang at sinabing uunahin niya ang repormasyon at mahigpit na panuntunan sa loob at labas ng BuCor. Sa isang press conference sa BuCor ng kauupong Director General, tumanggi siyang magbigay …
Read More »Bangkay ng babae lumutang sa estero
ISANG bangkay ng hindi kilalang babae ang lumutang na hinihinalang ilang araw nang patay sa esterong nag-uugnay sa baybaying dagat Linggo ng tanghali sa Navotas City. Sa pagsisiyasat ni Navotas police homicide investigator P/Cpl. Florencio Nalus, namamaga na ang mukha at buong katawan ng babaeng tinatayang nasa 5’2 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na short pants. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















