Tuesday , December 16 2025

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

Bulacan DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium enterprises o MSMEs sa Bulacan, partikular ang nasa larangan ng Creative Industry, na makapasok sa digital services at digital training platforms. Ito ang tiniyak ni DTI-Region III Officer-in-Charge Assistant Regional Director at siya ding DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon sa ginanap na OTOPamasko Holiday Fair …

Read More »

2 araw police ops  
P.2-M ‘obats’ nasamsam sa Bulacan

shabu drug arrest

NAKUMPISKA sa pinaigting na serye ng mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga P258,000 halaga ng hinihinalang shabu sa lalawigan ng Bulacan, hanggang nitong Miyerkolas ng umaga, 29 Nobyembre.  Bukod sa pagkakakumpiska ng pinaniniwalaang ilegal na droga, nagresulta din ang mga operasyon sa pagkakadakip sa 16 indibiwal na nangangalakal ng droga at lumabag sa batas. Sa ulat na …

Read More »

 ‘Bayani City’ Phases 1 at 2 ng FSRR, naitayo na sa Camp Tecson

Bayani City FSRR Camp Tecson San Miguel, Bulacan

NAITAYO na ang Phases 1 at 2 ng tinaguriang ‘Bayani City’ sa loob ng Camp Tecson, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan. Sentro ng mga pasilidad na inilagak dito ang isang Military Operations on Urban Terrain o MOUT Training Facilities para sa mga kawal ng First Scout Ranger Regiment o FSRR ng Philippine Army. Dinisenyo ang MOUT bilang …

Read More »

Paninindigan at Pamana, inalala sa ika-100 Taon ng Pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla

Bulacan Padre Mariano Sevilla

GINUNITA ng mga Bulakenyo ang ika-100 anibersaryo ng pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla, ang kilalang nagpasimula ng tradisyon ng Flores De Mayo sa Bulacan na lumaganap sa buong bansa. Sentro ng paggunita ang pormal na paglalagak ng panandang pangkasaysayan na ipinagkaloob ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP. Pinangunahan ni NHCP Chairman Emmanuel Calairo ang seremonya ng paghahawi …

Read More »

23 pinakamahusay na koop sa Bulacan kinilala ng Gawad Galing Kooperatiba

Bulacan Gawad Galing Kooperatiba

KINILALA ng taunang Gawad Galing Kooperatiba ang 23 pinakamahuhusay na kooperatiba sa Bulacan sa ginanap na parangal sa The Pavilion, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, lungsod ng Malolos. Nahahati ang GGK sa walong parangal kabilang ang Gawad Galing Kooperatiba; Outstanding Performance; Notable Performance; Special Distinction; Special Citation; Golden Year Award; Gawad Galing Guardian at Laboratory Cooperative; at Special Recognition. …

Read More »

Robi Domingo iginiit ‘di niya in-unfollow sina Daniel at Andrea: hindi ko naman kasi talaga sila pina-follow 

Robi Domingo Andrea Brillantes Daniel Padilla 

NILINAW ni Robi Domingo na hindi totoo ang mga naglalabasang tsika na in-unfollow niya sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla sa social media. Ang paglilinaw ay isinagawa ni Robi sa vlog ni Ogie Diaz. Iginiit din ni Robi na imposibleng i-unfollow niya sina Daniel at Andrea dahil hindi naman niya talaga pina-follow ang dalawa sa mga Instagram ng mga ito. “Noong una pa lang hindi ko alam kung ano …

Read More »

Judy Ann, John Arcilla makakasama ni Arjo sa bagong season ng Bagman

Arjo Atayde Judy Ann Santos John Arcilla

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-BONGGA naman ng bagong season ng Bagman na pinagbibidahan ni Arjo Atayde dahil isasali sa cast sina Judy Ann Santos at John Arcilla. Ayon sa report ng abs.cbn..com, inihayag ng Variety na ang Bagman series ay ilulunsad sa Asia TV Forum (ATF) market sa Singapore sa December. Sa bagong season ng Bagman, nalaman ni Benjo Malaya (Atayde), convicted prisoner at dating governor, ang kalunos-lunos na nangyari sa kanyang nawawalang pamilya. Kaya …

Read More »

Lito Lapid matikas pa rin, ‘di nagpapa-double sa mga buwis-buhay na action scenes

Lito Lapid Lorna Tolentino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAKITA ng isang video clip si Sen Lito Lapid sa entertainment press bago simulan ang tsikahan sa taunang Thanksgiving and Christmas lunch na isinagawa sa Max’s Roces. Sa video clip ay ipinakita ang ilang buwis-buhay na mga eksena ng senador sa Batang Quiapo. Ipinakita rin ang halikan nila ni Lorna Tolentino kaya naman ito agad ang inurirat ng press. Natawa …

Read More »

Piolo ikinagalak partnership ng Warner Bros. at Mentorque para sa MMFF entry na Mallari  

Piolo Pascual Mallari

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNPRECEDENTED ang naganap na partnership ng Hollywood film studio na Warner Bros., at ang Filipino film company na Mentorque Productions para sa inaabangang MMFF 2023 entry na Mallari. Patunay ito na mahusay ang pagkakagawa ng pelikulang Mallari at may international appeal ito. Mapapanood sa pelikulang Mallari ang kakaibang pagganap ng bida ritong si Piolo Pascual. …

Read More »

Angelica Cervantes umamin tatlong taon ng may karelasyong babae

Angelica Cervantes

RATED Rni Rommel Gonzales IBA na ang panahon ngayon. Kung noon ay ang kabadingan lamang ang tanggap ng lipunan, ngayon ay pasok na sa banga ang mga lesbian o mga tomboy. Hindi nga ba at ipinagbunyi ng Pilipinas ang top 10 finish ni Michelle Dee sa katatapos lamang na Miss Universe 2023 sa El Salvador? At aaminin namin, medyo na-shock kami na ang sexy …

Read More »

Piolo parang isang buong flower shop ang ipinadala sa CEO ng Beautederm

Piolo Pascual Rhea Tan

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Bea Alonzo na unexpected ang pagkakabati nila ni Manay Lolit Solis sa birthday celebration ng Beautederm owner na si Rhea Aninoche-Tan kamakailan. Lahad ni Bea, “Hindi ko pa siya napa-process kasi kanina lang nangyari, tapos nandoon kayong lahat kanina. “Kung magiging totoo ako, pinoproseso ko siya. “Pero siyempre, sino ba naman ako? Tao lang din naman ako.  “Sino hindi mag-a-accept …

Read More »

Jane at Janella  aprub sa lesbian movie/ girl’s love series

Jane de Leon Janella Salvador

MA at PAni Rommel Placente SA isang panayam kay Jane de Leon, inamin niya na nasa dating stage siya ngayon. At non-showbiz ang lalaking nakaka-date niya. “As of now, happy naman ako. I am actually dating someone. Non-showbiz guy and let’s just leave it at that to protect his privacy. “Basta my heart is happy. Nasa dating stage ako ngayon at …

Read More »

Lolit Solis kay Andrea: pinaka-promising youngstar ngayon kaya crush ng bayan

Lolit Solis Andrea Brillantes

MA at PAni Rommel Placente NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng young actress.  Isa na nga rito ang sinasabing siya ang dahilan kung bakit naghiwalay na umano  sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, although wala pa namang kompirmasyon na break na nga ang KathNiel. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanyang opinyon/saloobin hinggil …

Read More »

Andrea kaliwa’t kanan ang endorsements kahit nega

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoo ang nasagap namin, this 2024 daw ilalabas ang mga bagong endorsements ni Andrea Brillantes. Kaloka mare dahil sa dami ng kinasangkutang eskandalo ni Andrea, mukhang ito pa ang nakinabang. Iba na talaga ang labanan ngayon noh. Kahit may nega emote ang isang celebrity, pinagkakatiwalaan pa rin. We will know by then kung effective means nga …

Read More »

Mga bida sa historical film hahangaan ang tikas magsalita ng Spanish at Latin 

GomBurZa

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SERYOSO naman ang atake ni direk Pepe Diokno sa GomBurZa, ang natatanging historical entry sa 2023 Metro Manila Film Festival. Sa point of view ni Padre Burgos (played by Cedric Juan) umikot ang kuwento na nagpasiklab ng mga rebolusyong Pinoy noong panahon ng Kastila in 1800’s. Hahangaan mo ang tikas magsalita ng Spanish at Latin languages ng mga bida. Kaswal na …

Read More »